Chapter 16:Guilty

89 5 0
                                    

Chapter Sixteen: Guilty

[KYLENE'S POV]

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makaalis dito sa kusina.

Hindi pa rin dumating si Mama. Bakit ba kasi hindi pa tumitila ang ulan?

Nakailang ulit na rin ako ng pagluluto ng lugaw.

Oo lugaw lang pero hindi ko alam kung paano 'to lutuin.

Ugh. Bakit ba kasi hindi ako mahilig magluto?

Triny ko ulit na lagyan ng asin.

Tama na nga! Madami na ang nasasayang na bigas.

"Sandali lang Kyle ha. Pinapalamig ko lang 'to." Wala akong narinig na nagsalita kaya tinuloy ko ang paglalagay ng lugaw sa bowl.

Pagkatapos ng mga tatlong minuto, dinala ko na ito sa sala.

Naabutan ko siyang natutulog.

Nakataklob sa mukha niya 'yung kumot kaya tinaggal ko ito.

I just found myself staring at him.

Matangos na ilong, magagandang mata, mapulang labi.

Kylene! Ano ba 'yang iniisip mo? Ugh.

Inalog ko siya para magising.

"Kyle, gising na. Kakain ka na."

Hinawakan ko ang noo niya. Mainit pa rin ito. Bakit ba kasi hinayaan ko siyang tumulog do'n sa sulok na yo'n?

"Kyle, kailangan mong kumain. Iinom ka pa ng gamot." Inalog ko siyang muli.

Napatitig ulit ako sa mukha niya.

Perpektong hugis ng mukha.

Nakakainggit 'tong lalaking 'to!

Maputi siya.

"K-Kylene.." Sabi niya ng nakangiti.

Medyo napalayo ako at umiwas ng tingin.

"Kain ka na." Kinuha ko 'yung bowl sa table.

"Bakit mo ako tinitigan?" Nakangiti niyang sabi.

"Ha? Nanaginip ka lang. Hindi ako nakatitig sa'yo 'no."

"Kain na." Inabot ko sa kanya 'yung bowl. Nawala 'yung ngiti niya.

Tumayo na ako.

"Ayoko." Sabi ni Kyle kaya napatingin ako.

"Bakit?" Nakakunot-noo kong sabi.

"I can't eat." Sabi niya habang inilalapag 'yung bowl sa lamesa.

"And why?"

"B-Because I'm sick?"

"Hindi yo'n rason para hindi ka kumain. Kailangan mo dahil may sakit ka."

"You know what? Ang hina mo din pala makaramdam." Sabi niya kaya lumapit ako at umupo doon sa upuang inupuan ko kanina.

"Ha? Alin naman ang hindi ko naramdaman?"

"I'm sick and I can't eat kung..."

"Ano yo'n nawawalan ka ng ngipin kapag may lagnat ka?" Sabi ko habang tumatawa.

Seryoso lang ang tingin niya sa akin kaya napahinto ako sa pagtawa.

"Bakit? Totoo? Mayroon diyang pustiso."

Tumayo ako at nag-aktong kukuha ng ng pustiso kahit wala naman.

Hinigit niya bigla ang kamay ko kaya nagwhat-do-you-want look ako.

"Subuan mo ako."

"No way!" I shouted.

"I'm sick. Hindi ka ba naawa sa akin? Ikaw ang may kasa--"

"O yea. Fine. Ako na ang may kasalanan kaya kailangan kitang subuan. Gano'n ba?"

Tumango-tango lang siya na parang bata.

"WALA. AKONG. PAKIALAM. Kumain ka ng mag-isa mo."

Tumayo na ako at bumalik sa kwarto.

Nakinig kong bumuntong-hininga siya pero hindi ko na lang pinansin.

Hindi na ako nakakatagal sa kwarto ng biglang makinig ko na bumukas 'yung pinto sa labas.

Kaya lumabas ako.

"Ma?" Nakita ko si Mama na inaayos 'yung pinamili niya sa kusina.

"O anak, napakain mo na ba si Kyle? Nandito na 'yung gamot. Nakabili na ako."

"A, opo Ma." Inabot sa akin ni Mama 'yung gamot kaya dumiretso na ako sa sala.

"K-Kyle.." Nakita ko siyang natutulog. Namumutla na siya. Hindi naman siya gano'n kanina.

Nagising siya. Umupo siya ng maayos.

"Bakit?" Tanong niya. Nakita ko si Mama na lumapit sa amin.

"Kylene, akala ko ba nakakain na si Kyle? Bakit may lugaw pa rito?"

Tiningnan ko si Kyle at hinintay ko kung ano ang isasagot niya.

"Hindi po niya ako sinubuan." Sabi ni Kyle habang naka-pout.

Sumama ang tingin sa akin ni Mama. "Ma, malaki na po siya. Kaya naman po niya yo'n e."

"Anak naman, kahit sinong malaking tao, kapag nilagnat, nagiging mahina yan. Gusto nilang inaalagaan sila."

"Ma nama--"

"Subuan mo siya." Seryosong sabi sa akin ni Mama kaya naman sumunod ako. Tumayo na si Mama at pumunta sa kusina.

"O!" Sinubuan ko na siya. Bwisit kasi! Nagpapaalaga pa!

Umubo siya kaya tumakbo ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siya na parang okay na.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tita! Papatayin po ata ako ng anak niyo!"

"A-Ano? Ma hindi! Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"Ang pangit ng lasa! May galit ka ata sa akin e."

"Akin na nga! Ang hilig mong magreklamo." Hinila ko sa kanya 'yung bowl.

"Pagpasensyahan mo na hijo 'yang anak ko. First time niyang magluto e." Sabi ni Mama kaya nagulat ako. Sikreto lang namin yo'n! Bakit niya sinabi?

"Ha? 'Wag. Kakainin ko." Seryoso niyang sabi.

Tinikman ko ito at oo. Tama siya. Kahit siguro aso, hindi makakain e.

"Wag na. Gusto mo bang mamatay?"

"E, unang pagluluto mo pala yan e. Akin na. Kakainin ko."

"Wag na kasi, Kyle. Pangit nga ang lasa."

"Oo nga alam ko, pero una mo yan kaya kakainin ko. Nakapagluto ka para lang sa akin. Atleast nag-try ka."

Wala akong nagawa kundi iabot iyon sa kanya.

Nakita ko ang mukha niya habang kumakain siya. Halatang masama talaga ang lasa.

"Tama na. Lalo lang lalagnatin niyan e." He just smiled at me.

"Done!" Tinignan ko ang bowl at ubos nga.

"Here. Take this medicine. Then sleep, okay?" Inabot ko sa kanya 'yung gamot at tumayo para dalhin 'yung bowl sa kusina.

"Aye, Aye Captain!"

Humarap ako sa kanya bago bumalik sa kwarto. He mouthed 'Thank you.'








In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon