Chapter Seventeen: Savior
[KYLENE'S POV]
Nagising na lang ako bigla.
Bakit parang hindi ko pa 'to napupuntahan?
At bakit nandito si Kyle?
"Kyle?" Hindi siya lumingon.
Kaya nilapitan ko na siya.
"Kyle!" Lumingon siya dahil hinawakan ko siya sa balikat.
"Sino si Kyle? Hindi ako si Kyle." Pero kamukha niya si Kyle.
Tumakbo na siya ng sobrang bilis.
"KYLEEEEE!" Sinundan ko siya pero
"WAAAAAAH!" Nagising ako na basang-basa ang damit ko.
"Ma, bakit mo ako binuhusan ng tubig?"
"Sigaw ka ng sigaw. Kyle ka ng Kyle!"
"Hindi totoo 'yung kanina? Ma! Hindi na niya ako kilala. Pakisampal nga po ako."
"Hay naku, Kylene! Tumayo ka na diyan at maligo ng mahimasmasan ka."
"Ma, hindi na niya ako kilala."
*Pak* "Aray, Ma! Bakit mo naman po ako sinampal?"
"Nahihibang ka na ba? Nanaginip ka nga lang kanina. Tama na yan. Maligo ka na. Gusto mo bang buhusan ulit kita ng tubig diyan? Tatayo o tatayo?"
"Wag, Ma! Maliligo na po ako."
Pagkatapos kong maligo, kumain na ako ng almusal. Patay talaga ako kay Lorraine nito. Hindi ako pumasok kahapon dahil kay Kyle.
Speaking of Kyle. Nasaan na siya?
"Ma, nasaan po si Kyle?"
"Nagpaalam siya sa akin kagabi na uuwi siya. Okay na naman daw ang pakiramdam niya."
"E, Ma bakit hindi niyo po ako ginising?"
"Sabi ni Kyle, salamat daw. 'Wag ka na rin daw gisingin dahil pagod ka sa pagluluto."
"Ma naman!" Pinaalala pa talaga ni Mama 'yung lugaw na epic ang pagkakaluto? Psh.
Tumawa na lang si Mama at bumalik sa kwarto. Nagtoothbrush na din ako.
"Ma! Aalis na po ako." Sabi ko matapos kong magbihis ng uniporme.
Hindi na umimik si Mama ibigsabihin mag-ingat daw ako. Sweet namin 'no?
***
*Ringgg*"Hello?"
"Kylene! -Akin na 'yan, Kyle!- Hello? Si Lorraine 'to!"
"Bakit?"
"Dalian mo na. Dalhin mo 'yung mga damit na kailangan mo sa play. Ngayon kasi 'yung presentation. Absent si Ma'am kahapon. Dalian mo ha? Ingat!" She hung up.
Nasa kabilang kanto na ako e. Ano ba 'yan? No choice kundi bumalik sa bahay.
"Ma?"
"Anak, bakit ka bumalik?"
"Play po namin ngayon, Ma." Sabi ko habang inaayos sa isang paper bag 'yung mga damit.
Ugh! 'Yung sapatos nawawala!
Bahala na! Kailangan kong magmadali.
"Sige, Ma. Alis na po ako." Sabi ko habang tumatakbo palabas.