Chapter Twenty-Eight: Hans
[Hans' POV]
"Pare! Saan ka ba pupunta? May practice pa tayo ng basketball." Sigaw ni Vince sabay takbo papalapit sa akin.
"D'yan lang si library. May assignment kasi kami. " Umakbay siya sa akin.
"Pare naman, kaya hindi ka ginugusto ng mga babae e. Pa-bebe ka, Pare. Tignan mo, nerd ka na. Gwapo ka nga pero dalawang paligo lang lamang mo sa akin ha!" Binatukan ko siya.
"'Wag ka ng magyabang. Hindi mo lang matanggap na nerd ako, mas marami pa ring nagkakandarapa sa akin." Siniko ko siya. Napakamot na lang siya sa batok niya na ibigsabihin, natalo ko na naman siya. Inayos ko ang bag ko at naglakad papunta sa library.
Nakita ko si Ivy na nandoon kaya nagtago ako sa tabi. Sinilip ko siya ngunit busy pa rin siya sa pagbabasa. Tumayo ako ng tuwid at naglakad palapit sa gawi niya. Siyempre kukuha ako ng libro. Ano pa ba? Mukhang napansin niya ako at tumingala siya. Nginitian ko siya pero bigla siyang tumungo na para bang hindi niya ako nakita.
"Ehem.." Tumingin ulit siya. "Pwede bang makiupo dito? Wala na kasing bakanteng mauupuan e." Ayoko siyang makasama o makita ng malapitan. Wala na talagang ibang mauupuan e. Hindi niya ako pinansin at inayos na niya 'yung gamit niya saka tumayo. "Teka? Saan ka pupunta?" tumingin lang ulit siya sa akin at naglakad na paalis.
Anong problema no'n? Bakit sobrang tahimik? Matalak 'yun 'di ba? Hay, wala akong pakialam. Kailangan ko na 'tong matapos. May practice pa kami.
Biglang may tumapik sa balikat ko. "Uy, hinahanap ka na ni coach. Dalian mo ba kasi. May internet naman kayo sa bahay niyo 'do ba? Mamaya na kang 'yan!" sambit ni Vince habang hinihingal.
"E anong gamit ng libro? May libro naman, bakit pa mag-iinternet?" Sagot ko.
Narinig kong bumuntong-hininga siya at napahilamos sa mukha. "Fine, fine. Mahalaga ang libro. Pero pwede namang mamaya na 'di ba? Kailangan ka nga ni coach! Nakakapagod kayang magpabalik-balik dito! Kapag hindi kita kasama, papapuntahin na naman ako dito."
"Shhh!" sabi nung librarian kaya napatayo na ako.
"Tara na nga!" sambit ko sabay hila sa kanya. Nung makalabas na kami, may nakasakubong kaming babae. Nagliwanag ang mukha ng mokong kaya may naisip akong gawin. Nagtakip ako ng ilong. "Ang baho mo na, Pare! Magpalit-palit ng damit--" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. Lumayo na kami at bumaba ng hagdan.
"Pare naman! Ano bang ginawa ko sa'yo at pinapahiya mo ako?" inis na sabi ni Vince sa akin.
Ngumisi ako. "Para madagdagan ang mga babaeng may gusto sa akin."
Nagdilim 'yung mukha niya. "Maiwan ka na nga d'yan!" Wahahaha! Asar kaagad? Palibhasa kasi, kakaunti ang chicks e.
Pumunta muna ako sa room namin. Room ng mga basketball players dito sa school. Nagpalit na rin ako ng damit.
"Coach, sorry I'm late." Sambit ko. Tumango na lang siya at tinapik ang balikat ko. Alam ko namang hindi siya magagalit. Gusto kasi ni coach ang mga player na masipag mag-aral kaya natutuwa siya sa akin.
Nagwarm-up muna kami. Medyo matagal din ang practice. Break time, practice ulit. Pagkatapos no'n, bigla kong nakita si Katy sa bleachers. Napatakbo ako bigla at nilapitan ko siya. "Uy, Katy!"
"Oh, hi Hans! Ang galing mo a?" napangiti ako bigla. Pinuri niya ako. Nagustuhan niya 'yung ginawa ko.
"A - ah, salamat. Uuwi ka na?"
"Oo. Pwede bang ipanggawa mo ako nung assignment natin? Ang hirap kasi e." Nginitian niya ako kaya napangiti rin ako ng malapad. Shet. Ang ganda talaga niya.
"Oh, sige ba. Nasaan 'yung notebook mo?" Tanong ko at inabot niya sakin 'yung pink na notebook niya. "Sige, gagawin ko 'to. Sabay na tayong umuwi?"
Tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "'Wag na. Thanks in advance. Una na ako, ingat ka." Naglakad siya palayo kaya kumaway ako. Ingat ka. Concern siya sa akin!
Pagtalikod ko, may nabunggo ako. Sinimot niya kaagad ang mga libro niya at yumuko ako para tulunga siya. "Sorry, Miss."
Tumayo siya. "O - Okay lang." Si Ivy?
May hawak siyang panyo kaya hinila ko iyon sa kanya. Itinaas ko iyon. "Akin na 'yan! Ibalik mo nga sa akin 'yan!" sigaw niya habang tumatalon-talon para maabot 'yung panyo niya. Ang lapit niya sa akin kaya naaamoy ko 'yung buhok niya. Ang bango.
"Teka! 'Wag kang makulit. Kailangan ko kang ng pamunas e." Pinunas ko iyon sa pawis ko. Masyado na kasi akong hot.
"Kadiri ka naman e! Panyo ko 'yan! Wala ka bang ganyan?!" bulyaw niya habang nakabusangot 'yung mukha. Bakit ba parang iritang-irita siya sa akin?!
"Kadiri ka d'yan? Mabango kaya ang pawis ko. Oh, smell it." Nilapit ko 'yung mukha ko sa kanya. Bigla niya akong sinampal kaya napangiwi ako. Hindi ko 'yun inasahan!
"Bakit mo ako sinampal?!" Tinaas ko ulit 'yung panyo niya.
"Akin na nga 'yan! Aalis na ako!" Tinulak niya ako sabay talon para makuha 'yung panyo niya. But still, hindi pa rin niya nakuha.
"Kunin mo na lang sa bahay. Magtanong-tanong ka sa mga babaeng may gusto sa akin. Teka, e'di tatanungin mo 'yung sarili mo--Aray! Ano ba?!" Bigla niya kasi akong sinipa sa tuhod. Ang lakas niya ha!
"Akin na nga 'yan! Bigay 'yan ng lola ko!" sigaw niya ulit.
"Kunin mo nga sa bahay! Pumunta ka na lang!" Ang sakit ng tuhod ko! Bwisit na babae 'yan! Ang lakas. Hindi ko na naman siya papahirapan e. Ibibigay ko na sana 'yung panyo tapos bigla niya akong sinipa? Huh! Hanapin niya ang bahay ko!
To be continued...
* *
A/N: Sorry for this late and short update. Don't forget to vote and leave a comment! Thank you.-MarizAngelaa