Chapter Fifteen: My Fault
Monday
[Kylene's POV]
Inumaga na naman kami dito ni Kyle.Si Kyle? Natutulog pa din do'n sa sulok.
AT. ANG. BAHO. KO. NAAAAAA! Hindi ko matanggap na nakaya kong magsuot ng damit within two days! OMG!(OMG ni Ivy).
Natigil ang pag-iisip ko noon ng biglang bumukas ang pintuan.
"Kylene?!"
Sabi niya na para bang nag-aalala. Inuli niya ang mata niya sa buong kwartong iyon kaya nakita niya si Kyle, na natutulog.
"WAAAAAH! Hindi 'to maaari! Kayo ni Fafa Kyle ko ay mag-kasama?! Panaginip lang 'to!"
Nilapitan ko siya. At sinamaan ng tingin.
"Ano na naman ba Gregorio?!"
Naiinis kong tanong sa kanya.
"Ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na 'wag mo akong tatawaging Gregorio! Baka may makakinig. Ano ka ba."
Hinampas niya ako sa braso ko na para bang kinikilig. Weird talaga nitong baklang 'to. Oo. Baklang Janitor.
"E ano naman! At isa pa, gusto na nami-- Gusto ko ng makaalis dito."
Sabi ko habang hinahanap ko ang bag ko. Pero bigla kong naalala na naiwan ko nga pala sa locker ko 'yung bag ko. Kaya dali-dali na lang akong lumabas para makuha ang bag ko at makauwi na.
"Kyleneeee!"
Sigaw ni Gregorio kaya naman tumingin ako sa may pinto kung saan kami nakulong ni Kyle.
Tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad.
"Kylene! G*ga ka talaga! Nilalagnat si Fafa Kyle ko!"
Sigaw niya kaya napatingin na naman ako sa pinto.
Nilalagnat? Pakialam ko ba do'n? K. Fine.
Siguradong dahil sa akin 'yon. Kasi kung pinayagan ko siyang magkatabi kami sa sulok, hindi siya mababasa ng ulan. Sa part kasi ng tinulugan ni Kyle ay may butas ang bubong. Psh. Oo na! My fault!
Hindi ko na kang namalayan na nasa tapat na pala ako ulit ng pintong iyon.
"Bakit ba, Bakla?"
"Hinahanap ka nga ng Fafa Kyle ko e."
Sabi niya tapos nag-act siya na nagpupunas ng luha niya.
"Psh. Anong kaartehan 'yan bakla?"
"Ayaw mo pa no'n? Ako ang nandito habang naghihirap siya tapos ikaw pa rin ang hinahanap niya. Ako na nasa tabi niya, hindi man lang napansi-- Aw! Ouchie bels! Bakla! Bitiwan mo 'yang very very long hair ko!"
Bigla ko kasi hinila ang buhok niya kasi masyado na siyang nagiging madrama. At oo, close kami ng Janito na si Gregorio.
"Tigilan mo na kasi 'yan. Si Fafa Kyle mo, nilalagnat? Edi ikaw ang mag-alaga! Wala akong pakialam sa mokong na 'yan 'no!"
"Ang harsh mo talaga! Ang gwapo kaya ni Fafa Kyle tapos ginaganyan mo lang? You're insane!"
"Insane mo mukha mo! Aalis na ako, Bakla! Ikaw na ang bahala sa kanya ha?"
Nakailang hakbang palang ako ng sumigaw na naman siya
"Ang G*ga mo talaga Girl! Ikaw ang mag-alaga!"
"Naks! Kunwari ka pa Gregorio. Gusto mo namang masolo si 'Fafa Kyle' mo."
"E ikaw nga ang hinahanap. Ang hirap namang mag-alaga ng taong iba ang gusto." Tapos nag-act na naman siyang parang naluluha.
"Psh. Fine!"
***
"Paano ka lalagnatin e samantalang nagungulit ka pa sa akin kahapon?"
Sabi ko sa natutulog na si Kyle habang hinahawakan ang noo niya. Tapos pinitik ko 'yung noo niya. Hindi pa rin siya nagigising.
"Anak, ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga ka na muna doon sa kwarto mo pero may pagkain sa lamesa kumain ka muna."
"Sige, Ma."
Pumunta muna ako sa kusina at kumain. Oo, nasa bahay kami. Dinala ko si Kyle dito sa kadahilanang ako "daw" ang may kasalanan. Tss.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Nagpalit muna ako ng damit kahit tinatamad na talaga ako dahil sa sobrang pagod.
Pagkatapos kong magpalit ay humiga na ako sa kama ko. Ugh. Halos dalawang araw din akong hindi nakahiga dito. Kinuha ko ang cellphone kong nakacharge. Chinarge ko 'yon kanina pagkadating na pagkadating namin.
Bumungad agad ang mga text messages galing kina Ivy, Chloe, Hannen at Lorraine.
Saturday
From: Ivy
Kylene, asan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay.
From: Chloe
Bes! Naku! Sumunod ka na lang, hinahabol pa namin ni Hannen si Ivy.
From: Hannen
Kylene, san ka na?
From: Chloe
Tagal!
From: Ivy
Girl! Si Hans my loves!
Today
From: Lorraine
Asan ka na ba? Computer class na. Dalhin mo 'yung mga damit na gagamitin mo sa play ha.
Ha? Play? Naku patay!
Bumaba agad ako sa hagdan at nilapitan ko si Mama na nagpupunas ng braso ni Kyle.
"O anak. Hindi ka ba magpapahinga?" Tanong ni Mama ng makita niya akong nagmamadali.
"Ma naman! Hindi niyo po sinabing Lunes pala ngayon."
"Hindi ko na nga sinabi dahil baka pumasok ka pa. Alam kong pagod ka."
sabi ni Mama habang pinipiga yung tuwalya.
"E ma, may stage play kami ngayon. Kagroup ko po si Kyle."
"'Yo'n naman pala e. Wag ka ng pumunta, Anak. Magpahinga ka na lang."
"Pero Ma, lalo po akong baba ang grades ko sa computer subject kapag hindi ako pumunta."
"Anak, hindi din naman si Kyle makakapunta e."
"Pero M--"
"Itetext ko na lang 'yung teacher niyo. Diyan ka lang. Bantayan mo si Kyle kukunin ko lang 'yung cellphone ko sa kwarto."
Sumunod na lang ako kay Mama at nilapitan ko si Kyle.
Umupo ako sa maliit na upuan na malapit sa sofang kinahihigaan niya.
"K-Kylene.." Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.
"D-Dito ka lang."
Sabi niya habang nakapikit.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.