Chapter Thirty-one: Bestfriend
[Kyle's POV]
"B! Good morning!" masayang sabi sa akin ni B. Sinundo ko siya para magka-bonding naman kami wala daw kasing pasok.Thursday ngayon at medyo masama ang panahon. Uulan na naman ba?
Nilapitan ko siya at niyakap. "Good morning." I smiled at her. Alam niya ang ibigsabihin ng ngiti ko.
"Kumain ka na?"
"Oo naman. Ikaw? Baka hindi ka nakakain dahil sa sobrang excited mo sa pagdating ko?" namula ang pisngi niya ng husto kaya tumawa na lang ako. "Hindi ka talaga nakakapagpigil ng nararamdaman mo kapag ako ang kasama mo 'no?"
"Siyempre B kita e." tapos hinila na niya ako papasok ng bahay nila.
"Yeah, you're my forever bestfriend." sambit ko sabay halik sa kanyang noo. Namiss ko siya, sobra. Sanay kasi ako nasa tabi ko siya lagi. B ang tawag ko sa kaniya ibigsabihin, bestfriend.
Tumingala siya sa akin. "Forever. .B - Bestfriend." lumungkot ang mukha niya hinawakan ko siya sa pisngi at pinisil iyon.
"Bakit naman kaya biglang sumimangot ang B ko? May problema ka ba?" nakangiti kong tanong.
Inalis niya ang kamay ko. "Wala B. Gutom lang ako." Nauna na siya pumunta sa kusina at sumunod lang ako.
Kukuha na sana siya ng pagkain pero pinigilan ko siya. "Ako na. Ako na ang maghahanda ng pagkain ng aking prinsesa." natatawa kong sabi.
Nakinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka siya umupo. "Anong gusto mong agahan?"
"Pancakes will do." nilingon ko siya dahil pakiramdam ko iba ang aura niya.
"What's the problem, B? Smile ka naman o. Nadadala ako ng kalungkutan mo e."
"Nothing. Wala lang 'to. Siguro kinulang lang ako sa tulog at dahil na rin gutom ako. Wala lang 'to."
"Sus nagdrama naman 'to. Tama na 'yan. Magluluto na nga ako. Pogi ng chef mo ngayong araw." pagbibiro ko para man kang matawa siya pero wala pa rin. Blangko lang ang mukha niya.
"Akyat lang ako. Matutulog lang ako saglit ha? Gisingin mo na lang ako kapag okay na." bago ko pa siya mapigilan, nakaalis na siya sa harapan ko. Bakit biglang nagbago ang mood no'n?
Pasipol-sipol pa ako habang nagluluto ng pancakes. Paborito namin 'tong dalawa nung mga bata pa kami. 10 years ago nung nakilala ko siya. She just came into my life and give color to it. Noon, lahat ng drawings ko puro black and white lang or sketch. Nung dumating siya, nilagyan ko na ng kulay ang lahat ng iyon. Dahil may isa pang babae ang dumating sa buhay ko, si B at siya si Erika. Sanay kaming magkayakap dahil gawain namin 'yun nung mga bata pa kami. Pero kung tatanungin lang ako? She's my ideal girl. Siya 'yung gusto kong babae na makasama habangbuhay. . Bilang bestfriend ko. Bilang karamay sa lahat ng bagay. Bilang kakampi sa lahat ng mang-aaway. Bilang nanay ko na lang mag-aalaga sa akin. And I do love her so much.
I will love her no matter what happen. She's my bestfriend. At kahit noon pa, hindi ko siya minahal ng higit pa doon. Gusto kong manatili lang kami sa pagiging magkaibigan.
"B! Luto na ang pancakes!" masaya kong sabi. Pero walang nagsalita kaya umakyat na ako sa kwarto niya. "B?"
Nakita ko siya mahimbing na natutulog. Parang ayoko na siya gisingin. Baka pagod siya. Hindi ko alam. Basta gusto ko siyang magpahinga. Naaawa ako dahil baka na-trauma siya sa nangyari nung isang araw. Pinagmasdan ko na lang siya at saka lumabas sa kwarto niya. Nag-iwan na lang ako ng note sa dining table.
Umalis na rin ako ng bahay nila. Sumakay na sa taxi at umuwi.
[Erika's POV]
Ng makarinig ako ng yabag ng paa, dali-dali akong nahiga at pumikit. Umupo siya sa gilid ng kama ko at ramdam kong nakatitig lang siya sa akin.
Ayokong tumingin sa kanya dahil baka maiyak lang ako. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin matanggap ang sinabi niya sa akin three years ago.
"I know napakabata pa natin at baka wala lang 'to. Pero mahal kita B. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero mahal kita." sambit ko sa kanya.
"B, mahal din naman kita e. Mahal na mahal. Pero hanggang kaibigan lang. Hindi ko alam pero wala talaga akong pagmamahal na nararamdaman para sa'yo na higit pa sa kaibigan." sabi sa akin ni Kyle na ikinadurog ng puso ko. Parang pinupunit iyon ng paulit-ulit. Akala ko kasi katulad kami ng mga nasa palabas. Magbestfriend na may happy ending, na magkakagusto sa isa't isa. Pero hindi pala. Mali palang umasa sa mga imposibleng bagay. At maling ibase ang buhay natin sa isang palabas lang. Dahil tama nga sila, mas masakit kapag hinarap mo na ang realidad matapos mo itong talikuran. Para kang humila ng isang rubber band at ng bitiwan ito ng taong mahal mo matapos niya ding hilahin, ikaw lang ang masasaktan dahil unang-una, ikaw 'tong umasa. Ikaw ang umasa na matapos niyang hilahin rubber band na iyon, mananatili siyang nakahawak.
Hinintay ko na lang siyang lumabas ng kwarto ko at saka umalis. Bestfriend niya lang ako. May kasama pa ngang forever e. Ang masakit pa? Wala namang forever.
Nung masigurado kong wala na siya sa bahay, bumaba na ako. Pumunta ako sa dining area para kumain. May nakita akong note.
Pancakes for a wonderful lady like you. Smile ka lang ha? Nandito lang ako lagi para sa'yo. Text or call lang, dadating kaagad ako. Kasi importante ka sa akin. 'Yun lang. Good morning!
Love, B.
Ang problema kasi sa akin, hindi ako marunong masanay. Hindi ako nasasanay sa mga sweet lines niya. Lalo akong umaasa na dadating ang panahon na magkakagusto rin siya sa akin. Umaasa pa rin ako na baka nahihiya lang siyang umamin. Umaasa pa rin ako na hindi lang kami magbestfriend. Pero wala pala talaga. Umaasa lang ako sa wala. Ako lang 'tong nagbibigay ng sakit.
May mga bagay kasing hindi na pwedeng ipilit o asahan dahil unang-una, wala naman talaga.