Chapter Nineteen: Bad Side
A/N: Characters at the multimedia.
[Kylene's POV]
Pinayagan na nila akong makalabas ng room ko but still kailangan ko pa rin ng kasama. Hindi din nila ako pinayagang maglakad kaya naka-wheelchair ako.
"Kylene, kahit ba lumuhod ako tapos sabihin kong mahal kita sasagutin mo ba ako?" Tanong sa akin ni Matthew. We're here at the hospital garden. Para man lang makapagpahangin. 'Yung mga kaibigan ko naman at sina Hans ay pumasok na. Babalik na lang daw sila dito mamayang uwian.
"Hindi talaga Matthew e."
"Pangit ba ako? Bakit ayaw mo sa akin?"
"Hindi ka naman pangit. Fine, gwapo ka naman talaga. Pero you're not my ideal man. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang nagustuhan mo e."
"Because you're the one I love. You're the kind of girl that can put a smile on my face."
"But, masasaktan ka lang sa akin. Wala talaga e. Ayoko namang umasa ka sa wala. Alam kong rude na sinasabi ko 'to sa'yo agad-agad. Pero 'di ba mas maayos na 'yung hindi pa malala 'yung nararamdaman mo sa akin?" Oo. Sige na aaminin ko ng dati ko siyang naging crush pero bata pa ako noon. Hindi ko pa nga alam na pinsan ko siya noon e. Sinabi lang nila tita. Kaya nawala din kaagad. Very talented kasi si Matthew.
"Kahit ba kaunti? Kahit tuldok? Wala kang nararamdaman sa akin?" Mukhang malungkot na siya.
"Wala talaga, pinsan." Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang mga kamay niya nung sinabi ko 'yung salitang pinsan.
"Lalo mo naman akong sinasaktan niyan e. 'Wag naman 'pinsan' ang itawag mo sa akin." Napatawa ako kasi hinawakan niya 'yung dibdib niya na para bang nasasaktan.
"Pero Kylene, hindi pa rin ako titigil." Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko talaga siya mapatigil.
"Babalik na tayo." Nagsimula siyang magtulak ng wheelchair ko. Pero sa ibang direksyon
"Teka. Matthew! Itigil mo 'to! Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta."
Mas lalo akong kinabahan. "Please. Itigil mo na 'to." Halos maluha-luha kong sabi.
"We're here." Masiglang pagkakasabi ni Matthew pero halos pabulong na ang huling salita dahil sa nakita. Pati ako nagulat din.
"Gusto mo pa ba?" Tumango naman si Kyle. May nakalagay sa ulo niya na puting tela. Naawa ako bigla.
"O? May bisita ka pala." Sabi ni Katy sa amin. Ngumiti pa siya sa akin ng mapang-asar. Pinatong niya ang grapes sa lamesa.
Literal na nalaglag ang panga ko.
Bakit siya nandito? Bakit siya kasama ni Katy. Akala ko ba.."Kyle!" Hindi siya lumingon.
Lumapit ako sa kanya habang nakasakay sa wheelchair. "Kyle naman?"
"Sino ba 'yang bwisit na Kyle na 'yan at hindi makapagsalita?" Iritado niyang pagkakasabi.
Anong ibigsabihin nito? Hindi niya ako kilala pati na rin ng sarili niya? Pero bakit nandito si Katy?
"Kyle! Oo, ikaw na naka upo diyan sa kama."
"Kyle? Hindi ako si Kyle. Ano bang kailangan niyo at nandito kayo? Wala dito 'yung pasyenteng hinahanap ninyo."
Yumuko ako dahil sa mga narinig ko. Hindi niya talaga ako kilala. Pero bakit ba ako nasasaktan? Wala naman akong pakialam sa lalaking gumamot ng sugat ko sa pisngi noon at nakasama ko ng medyo matagal sa isang silid habang umuulan.
Wala talaga! Pero bakit hindi ko mapigilang maluha? Bakit ba ako naaapektuhan? 'Di ba dapat hindi ako nasasaktan?
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya ako napatunghay. Tumango lamang si Matthew sa akin.
Tinulak na niya ang wheelchair palabas ng silid na iyon.
Bakit laging ako ang may kagagawan ng pagkapahamak niya?
[Matthew's POV]
Anong sinasabi ni Kyle na hindi siya si Kyle? Alam kong maraming bato ang tumama sa kanya pero hindi naman siguro iyon makakapagdulot ng mild amnesia 'di ba? Pati ba naman sa realidad uso pa rin ang mga amnesia na 'yan?
"Bumalik na tayo sa kwarto mo. Magpahinga ka na muna ha? Baka nandoon na rin 'yung Mama mo."
Hindi na siya umimik. Alam kong nasaktan siya dahil sa mga sinabi ni Kyle kanina. Naaawa ako sa kanya.
"Sige. Matulog ka muna. Nandiyan naman sina Ivy e. Si Tita at Mariah parating na rin." Tumango lang siya at sumunod sa akin. Humiga siya at tumalikod. Nginitan ko lang si Ivy. Tumango naman siya.
Lumabas na ako ng kwartong iyon at nagtungo pabalik sa kwarto ni Kyle. Kinatok ko iyon ng kinatok hanggang may magbukas. "Hi. I'm Katy."
"Can we talk?"
"Sure." Lumabas ako at sumunod naman siya.
"Ano bang nangyayari kay Kyle ha?" Pangbungad ko sa kanya ng makarating kami sa Garden.
"Mild Amnesia. Malakas ang pagkakatama ng ulo niya sa sahig. Dumagdag pa rito ang mga batong tumama sa bandang ulo niya."
"Pero bakit ikaw ang kasama niya?"
"Limot niya ang mga taong kakikilala pa lang niya kasi nga mild lamang ito. Ang alam niya, girlfriend niya ako." Ngumisi pa siya ng nakakaloko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit niya 'to ginagawa? "Hep hep. Ayaw mo ba no'n? May pagkakataon ka na kay Kylene? Basta hayaan mo lang ako sa piling ni Kyle, hahayaan din kita. Wala ditong laglagan."
"Pero, mali ito."
"Oo siguro mali nga. Kasi ginagamit natin ang pagkakataong may amnesia si Kyle. Pero hindi ba't, everything happens for a reason? Baka may dahilan kung bakit ito nangyayari? Hindi naman ito mangyayari kung walang dahilan."
"Pero paano naman kung iba ang dahilan? Paano kung mali lang ang pag-aakala natin? Paano kung ang pagkakaroon ng chance kay Kylene ay hindi talaga ang dahilan?"
"Wala na akong pakialam kung anong dahilan. Basta ako, lahat gagawin ko para mapasaakin si Kyle. Ikaw? Hindi ba't gusto mo si Kylene?"
"Oo nga gusto ko per--"
"Wala ng pero pero. Gusto mo naman pala e. Tapos na ang usapang ito. Babalik na ako sa loob ng kwarto dahil kailangan na ako ni Kyle. Sana pag-isipan mong mabuti ang napag-usapan natin." At tinalikuran na niya ako at naglakad na siya palayo.
Oo nga ano? Pag-asa ko na 'to! Dapat gawin ko na ang dapat kong gawin. Hindi na ako ulit papayag na makalapit pa si Kyle kay Kylene. Akin lang siya.
Hindi na ako maghihintay pang makabalik ang mga alaala ni Kyle. Sisiguraduhin kong mapapasaakin si Kylene bago pa bumalik sa dati ang lahat.
I'm Josh Matthew Lim, and this is my bad side.
**
A/N: Sorry po kung medyo natagalan ang update.Please read my new story entitled 'Seatmate'. It's a one shot story. Thank you!