Chapter Twenty-three: Evil Plan
[Kylene's POV]
"Anong flavor sa inyo?" Tanong ni Ivy sa amin. Manlilibre daw siya ngayon. Kaya bago kami pumasok sa school, dumiretso muna kami dito.
"Cookies and Cream sa akin. Kayo ba?" Tanong ko kina Chloe at Hannen.
"Strawberry." Sabay nilang sabi. Tumango lang si Ivy at pumunta sa counter.
Maya-maya pa'y bumalik siya sa table namin. "Cookies and Cream for Kylene, Strawberry Ice Cream for Chloe and Hannen, and Ube for me. Game. Kain na tayo."
Sabay-sabay kaming nagkatinginan nina Chloe at Hannen at sabay-sabay na umiling. May kakaiba talaga sa aura ni Ivy ngayon. Hindi na siya 'yung kapag nakakita ng gwapo e kinikilig kaagad samantalang ang gwapo ng mga costumers dito.
Lumapit ako ng konti kay Ivy at inakbayan siya. "Spill it out."
Tinignan lang ako ni Ivy at bigla siyang tumawa. "Ang alin ba? Para kayong mga ewan. Kumain na lang kayo."
"I said, spill it out." Seryoso kong sabi. Paano ba naman kasi, nakakapanibago.
"Bakit ba ang kukulit niyo? Wala nga akong dapat ikwento! Ang pagtataboy sa akin Hans sa harap ng maraming tao? 'Yun ba? Ayan! Nasabi ko na. Masaya na ba kayo?! Pinahiya nga niya ako! Mas pinili niya si Katy!At isa pa, wala na akong pakialam. Okay na okay lang ako." Tinabig niya 'yung ice cream niya at saka lumabas ng store. Sinundan namin siya kaagad.
"Ivy! Sandali lang!" Sigaw ni Hannen kaya huminto siya pero hindi siya lumingon.
Nang malapitan namin siya, nakita namin ang luha sa mga mata niya. "Ivy, ano ba kasing nangyari? Bakit ka nagkaganyan? Dahil ba kay Hans?" Tanong ko. Tinitigan niya lang ako at bigla siyang umiyak kaya niyakap namin siya.
"E kasi..Ba- Bakit ba gano'n siya? Ba- Bakit hindi niya ako magustuhan? Pa- Pangit ba ako, guys?" Pinaghahampas niya kami bigla.
"Aba, girl! Tama na nga! Ang sakit ha!" Sabi ni Chloe kaya bigla akong napatawa.
"So- Sorry."
Siniko ko kaagad si Chloe. "'Wag ka nga. Nagdadrama pa siya e." Bulong ko. "Okay, okay." Natatawang bulong ni Chloe.
"Hindi ka nga kasi pangit. In fact, MAS maganda ka pa do'n sa bwisit na Katy na 'yon 'no!" Napatingin naman silang tatlo sa akin ng nakangisi. Problema nitong mga 'to? "WHAT?!"
"Wala naman."
"May nahalata lang kami."
"Kylene!" Napalingon kaming tatlo. Si Kyle pala. "Speaking of the devil." Bulong ni Hannen kaya tumawa 'yung dalawa.
"Nandito ka lang pala. Hiningal ako do'n a."
"E bakit mo ba ako hinanap?"
"'Yung project natin ipapasa na natin 'di ba? Tara na!"
Nilingon ko silang tatlo at nag-thumbs up lang sila. "Bye, girls! Thank you sa libre, poison Ivy!" Sumimangot lang naman siya.
Ibinalik ko 'yung tingin ko kay Kyle. "Tara na?" Tumango siya at tumawid na kami.
Pagkadating namin sa school, dumiretso kaagad kami sa Faculty.
Bago kami makapasok, hinila ko bigla sa braso si Kyle. "Teka. 'Wag na lang kaya natin ipasa? Baka kasi mamaya, mali pala e."
Inalis niya 'yung pagkakahawak ko sa kanya at nginitian niya ako. "Paano naman kung tama? E 'di sayang 'yung pagkakataon at sayang din 'yung oras na ginugol natin para magawa 'yan? Okay lang ding magkamali at least nagtry tayo. Ano? Game?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya. May sense din palang makausap 'to.
"Game! Pasa na natin 'yan kay Ma'am Carmen." Dumiretso kaagad kami sa desk ni Ma'am.
"Ma'am, tama po ba?" Tanong ko.
"We'll see. Sa subject ko na lang sa inyo sasabihin kung anong resulta. Sa ngayon, bumalik na muna kayo sa klase niyo."
Nauna na ako dahil may dadaanan pa daw siya.
"Girls, kayo ba? Nakapagpasa na kayo?" Tanong ko do'n sa tatlo.
Tumuro lang sina Chloe at Hannen sa may pinto. Tumingin ako doon at nakita ko si Ivy na nakatayo. "Ano bang ginagawa mo diyan?" Hindi siya sumagot kaya tumingin na lang ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Mula dito sa kina tatayuan namin, nakita ko si Hans na kinakausap si Katy.
"Kaya naman pala. Naku sayang ang ganda mo. Hindi ka naman pinapahalagahan ng prince charming mo. Tama na ang panonood sa isang lovestory na ikinalulungkot mo. Maganda ka kaya. Cheer up! Magsaya ka. Nakapagpasa ka na ba? Hinihintay ka na nina Chloe at Hannen." Phew! Hiningal ako do'n sa speech ko ha.
Nilingon niya ako at niyakap. Tinapik ko siya sa balikat at kumalas ako sa yakap niya. "'Wag ka ng malungkot ha? Lagi naman kaming nasa tabi mo, 'wag kang mag-alala."
"Tell me, Kylene. Ano bang lamang sa akin ni Katy? Ano bang mayroon siya na wala ako?"
"Wala siyang nilamang sa'yo. In fact, lamang ka sa kanya. Kaya 'wag ka ng malungkot. Loss ni Hans ang pagbaliwala niya sa'yo at pagpili kay Katy, hindi mo 'yon kawalan. Tsaka graduating tayo 'di ba? Goal natin, dapat wala munang magkakaboyfriend sa ating apat hanggang makatapos sa highschool."
"Aw. Na-touch ako sa mga sinabi mo. Salamat Kylene ha? Kaya love kita e."
"Mabuti naman at napangiti na kita. Lapitan mo na 'yung dalawa at sabay-sabay na daw kayong magpapasa." Sumunod naman siya sa akin kaya umupo na lang ako sa upuan ko.
- -
[Ivy's POV]Hoo! Tanggap ko na talaga. Wala na akong pakialam sa kanila. Kung gusto nila ang isa't isa, sige lang. Para din naman akong baliw na drama ng drama lalo na't wala naman akong karapatan sa kanya.
Naipasa na namin 'yung activity paper kay Ma'am Pelaez. Mabuti na lang at mabait si Ma'am.
"I-Ivy? 'Di ba ikaw si Ivy?" Nakita ko si Isavelle na papalapit sa akin. Paglingon ko sa likuran ko, wala na sina Chloe at Hannen. Hay. Napakaingat talaga sa oras. Masyadong mapagpahalaga.
"A, oo nga. Ako nga. Bakit?"
Hindi siya nagsalita at bigla na lang siyang tumakbo palayo. Ang weird talaga no'n.
Aalis na sana ako do'n sa kinatatayuan ko na biglang may humarang sa akin. Dalawang babae. Minsan ko na 'tong nakitang kasama si Katy. "Problema?" Tanong ko at tinaasan ko sila ng kilay. Wala akong panahon sa ganito.
Nag-smirked lang sa akin 'yung isa at 'yung isa naman ay tumawa. Lumapit 'yung isa sa akin at bigla akong hinila sa buhok. "Ouch! You b*tch! Bitiwan mo ako!" Siniko ko siya kaso biglang nahawakan nung isa niyang kasama 'yung kamay ko at pinaikot iyon. "A-Ano ba? A-Ano bang problema niyo?"
"Nagpapatawa ka ba? Wala ka sigurong brain 'no? Don't worry, warning pa lang 'to. Layuan mo at ng mga kaibigan mo si Kylene Erina Gomez. Kung hindi, mamamatay siya.
"Hi- Hindi! Hindi namin 'yon gagawin. Hindi namin siya iiwan."
"Kung gano'n, kayo ang iiwanan niya. Siya ang mamatay." Ano?! Ano ba 'to?
- -
[Katy's POV]"Hey boss, tapos na po. Nasaktan na po namin si Ivy. Mukhang natakot na rin namin siya at lalayuan na nila si Kylene. Ano po bang balak niyo?"
"Wahahahaha! Magaling! Malapit na siyang mapasaakin. Magtatagumpay na ako! Wahahahaha." Ininom ko ang wine na nasa wine glass. Malapit na! Wahahahaha.
"Subukan lang nilang sumuway, pati sila mamamatay."
Kapag nilayuan nila si Kylene, mawawalan na siya ng mga kaibigan. Lalapitan niya si Matthew at magiging sila. Mahuhulog na sa akin si Kyle at mamahalin niya ako ng tunay. Break it down, Yo! Wahahahahahaha!
**