Sa buhay,
wala kang sigurado.
Walang permenente,hindi lahat totoo.Tama naman 'di ba? Walang kang mapapagkatiwalaan.
Walang kahit Isa.Nandito na naman ako sa Park. Mag-isa.
Ewan ko ba. Dito kasi ako nasanay na pumunta tuwing nalulungkot ako. Noong bata pa kasi ako, lagi akong napapagalitan. Pakiramdam ko walang nagmamahal sakin.
Pakiramdam ko mag-isa lang ako.
Pakiramdam ko wala akong kakampi.
Maya-maya pa'y umulan na. Bakit laging nakikipagsabayan sa kalungkutan ko ang ulan?
Sana maramdaman ko man lang yung saya na sinasabi nila.
Sana....