Chapter 9: Tita

103 10 0
                                    

Chapter Nine: Tita

[Kylene's POV]

May activity kami sa school. Partners ang kailangan. Ano pa bang magagawa ko 'di ba? Wala.

Si Kyle pa rin ang kapartner ko.

Pumunta kami sa mall at bumili ng mga kailangan para sa activity.

"Ano bang mga kailangan natin?" Tanong niya sa akin.

"Hindi mo ba alam? Bakit hindi mo  kinopya kanina?" Naiirita kong tanong.

"H-ha? H-hindi e." Ugh! Bakit hindi niya kinopya?
"Ano ba yan? Paano na 'to?"

"E bakit ka ba nagagalit sa akin? Bakit? Ikaw ba ay may kopya?"

"W-wala." Nahihiya kong sagot.
"Yo'n naman pala e. Kung makasigaw akala mo merong kopya. Tch. O? Anong gagawin natin?" Umalis na muna ako sa loob ng Bookstore dahil sa kahihiyan.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Nakikinig kong sigaw ni Kyle. Kaya naman lumingon ako sa kanya at hinintay siyang makarating sa kinatatayuan ko.
"Ano? Bakit bigla bigla kang umaalis?" Naiinis niyang tanong.
"E kasi naman Kyle."

"E kasi ano?!" Napataas ang tono niya kaya nagulat ako.

"S-sorry." Sabi niya

"Itetext ko sina Taylor. Tatanungin ko kung meron sila." Dagdag niya.

Ako naman 'tong nakatungo. Nakakahiya! Nagtaray pa naman ako sa kanya. Nakalimutan kong wala nga din pala akong kopya.

After one minute,

"Kylene. Meron sila. Eto yung gagamitin." Tinignan ko naman yung screen nung cellphone niya. Pagkatapos kong basahin yung message, tumango ako sa kanya.

Bumalik na ulit kami sa Bookstore.

"Okay na ba 'to? Mahal kasi yung iba e." Sabi niya.

"Sige." Matipid kong sagot.

"Kyle, pwede bang ikaw na muna ang maghanap ng mga bibilhin at dito lang ako." Tinuro ko yung section ng mga Published wattpad stories.

He just nodded.

Naghanap ako ng bibilhin na book para naman may mabasa ako tuwing free time.

Dalawa yung binili ko. AWOLS at Girlfriend for Hire.

Nang makapagbayad na ako, nakita ko si Kyle na nakatayo doon sa Entrance ng Bookstore. Nakatitig siya sa akin na parang naiinis na.

Kaya lumapit kaagad ako sa kanya.
"Kyl--"

"Tara na!" Tapos hinila niya yung kamay ko. My heart beats fast. Huh! Ang weird ng feeling!

Kaya naman hinila ko yung kamay ko.

"What?!" Iritado niyang tanong.

"A-ano k-kasi. Y-yung k-kamay k-ko." Nauutal kong sagot.

"Oo na! Ang bagal mo kasi! Umuna ka na nga!" Ginawa ko naman yung sinabi niya.

"Teka Kylene!" Hinila niyang muli yung kamay ko.

"May pula ka sa palda mo." Bulong niya.  Sobrang namula yung buong mukha ko. Ugh! Bakit ngayon pa?!
"Halika. Sa'yo muna 'tong bag ko. Ipangtaklob mo 'to at pumunta ka na sa CR." Sabi niya.

"S-salamat."

"Oo na. Dalian mo." Pumunta na kami ng CR. Pero siyempre hanggang sa labas lang siya 'no! Hinintay niya ako para daw sabay na kaming umuwi. Pumayag naman ako.

Pagkalabas ko ng CR, nakita kong may kayakap na babae si Kyle. At hinalikan pa niya sa pisngi! Yuck! Sa matanda pa niya naisipang pumatol ha?

"Kyle. Eto na yung bag mo. Salamat!" Aalis na sana ako ng hilahin niya ako ULIT sa kamay.

"Wait lang Kylene. Sabay na nga tayo 'di ba? Eto yung Tita ko. Kauuwi lang kasi niya galing States e." Mali pala ang hinala ko.

"A. Hello po,Tita."
"Ang ganda mo namang bata. Ilang taon ka na ba hija?"

"Sixteen po."

"A. O tamang tama naman pala. Sixteen lang din itong gwapo kong pamangkin. Bagay kayo." Namula ang mukha ko dahil sa sinabi ng Tita ni  Kyle.

"Tita naman!" Sigaw ni Kyle.
"Biro lang. O sya sige. Mauna na ako sa inyo ha. May bibilhin pa kasi ako. Mag-ingat kayo!"

"Opo! Kayo din po." Sabay naming sabi. Kaya nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

"At isa pa pala. Kyle! Ingatan mo 'yang si Kylene ha!" At tuluyan na ngang umalis yung Tita ni Kyle.

"Hay naku. Pagpasensyahan mo na si Tita ha."

"Okay lang yo'n 'no. Alam ko namang nagbibiro lang siya."

"Salamat. Tara na? Uwi na tayo."

"Sige."

Ang weird lang nitong naramdaman ko. Bakit ako namula?

————————————

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon