Chapter Twenty-One: Meet Mr. Buenavista
[Kylene's POV]
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na aalis na ako.
"For the first time in forever 'yan a?" Pang-aalaska sa akin ni Ivy at Chloe.
"Ang mauna sa pag-uwi?" Nakakunot noo kong tanong sa kanilang dalawa.
"HINDI! Ang pagsama kay Kyle ng bukal sa loob." Nakangisi sa aking sabi ni Chloe at tinusok pa niya ang tagiliran ko gamit ang daliri niya.
"Ano naman sa inyo? At isa pa, para sa activity na parang project sa hirap 'yon. Ano namang masama?"
"Alam niyo, Girls. Naabala ako ha. Nag-iisip ako ng para dito sa activity ang ingay niyo." Galit na sabi sa amin ni Hannen at inaayos ang salamin niya.
"'Yan sabi na nga ba sa inyo. O, paano? Una na ako ha?" Nakangisi kong sabi. Nakatakas na naman ako sa maintriga kong mga kaibigan.
Nakinig kong tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon. Naglakad na ako papunta sa guard house katulad ng sinabi ni Kyle.
Ano nga bang masama doon? Activity lang naman ang gagawin namin.
Pero bakit ka kinakabahan?
Pati isip ko nagloloko na rin akala ko mga kaibigan ko lang.
"Kylene!" Nagulat ako sa sumigaw.
Pagkatingala ko may bumuhos na parang tubig sa katawan ko. Pero nung nakita ko ang braso ko, kulay asul. Asul na pintura.
Tumakbo si Kyle papalapit sa akin.
Tinignan ko ang second floor. Si.. Si Isavelle? Paano niya nagawa 'to?! Ano bang nangyayari sa kanya?
Hindi ko na lang ulit pinansin 'yon dahil baka hindi naman si Isavelle.
Napalinga ako dahil naalala kong tumakbo si Kyle papalapit sa akin kanina.
Binuksan niya ang bag niya at naglabas siya ng towel.
Inilayo ko ang sarili ko para tumanggi. "Naku, okay lang ako. Hindi ko na kailangan niyan."
Pero lumapit ulit siya sa akin. "Kylene, kailangan mo 'to. Hindi naman pwedeng sumakay ka ng sasakyan na madumi ang sarili mo. Dudumi ang mga upuan." Oo nga 'no?
Kinuha ko 'yung towel sa kamay niya at pinunasan ko ang sarili ko. Ibabalik ko sana 'yung towel pero nilayo niya 'yung kamay niya. "Sa'yo na 'yan." Natatawa niyang sabi.
Sama nito! Kung hindi ko 'to ibabalik e'di mukha naman akong magnanakaw ng towel?
Siya ang nagbigay sa'yo, hindi mo kinuha kaya hindi ka magnaakaw.
Oo nga 'no?
"Hindi ka ba sasama?"
"Sasama, sabi ko nga." Tapos patakbo akong lumapit kay Kyle
"Talon!" Napatalon naman ako katulad ng sabi niya.
"Hahahahahaha!" Napakunot ang noo ko. Bakit ako tinatawanan ng baliw na 'to?
"Ano?!"
"Wala. Nakakatawa kasi 'yang mukha mo. Hahahahaha. Napakaseryoso mo pa kanina kaya naisipan kong gulatin ka." Tapos tumawa pa siya ng tumawa.
"Hindi nakakatawa." Nakasimangot kong sabi.
Hindi na niya ulit ako nilingon at inimikan matapos kong sabihin 'yon.