Chapter 32: I can't

62 2 3
                                    

Chapter Thirty-Two: I can't

[Han's POV]

Ilang araw na ang lumipas simula nung nailigtas namin si Ivy. Hindi siya kriminal. Inakala lang niya na siya ang may kasalanan kasi nanglaban siya do'n sa driver kaya nahulog doon sa bangin. Hindi naman masyadong matarik ngunit tumama ang ulo ng driver sa isang bato kaya ito namatay.

Si Ivy? Lagi siyang tulala. Hindi din siya nagpadala sa ospital dahil ayaw niyang may makaalam na iba kaya sa bahay namin siya pinatuloy muna. Lagi siyang nagpapaalaga kay Hayden. Kahit na nasa bahay din ako, hindi niya ako pinapansin.

"Papaliguan na ba kita?" nanlaki ang mata ko sa gulat.

"No! Anong papaliguan? Babae 'yan Hayden!"

Tumawa si Hayden kaya nainis ako. Lagi niya akong inaasar. "Ang ibig kong sabihin KUYA Hans, nandyan na sa labas si Carmen. Siya na ang bahala kay Ivy."

Nung pumasok si Carmen, napatahimik na lang ako. Sumama na si Ivy sa labas.

"Bro, may gusto ka ba kay Ivy?"

"Wala." Sagot ko. Napansin ko ang pagngisi niya. "Tigilan mo nga ako Hayden!"

"Inaano ba kita? Bro, I asked you about it because I think I like her." biglang napakuyom ang kamao ko. Tumayo naman siya at lumapit sa pinto. "Sige, bibili lang ako ng pagkain sa mall."

"O - Okay, sige." gusto niya si Ivy?

- -

[Kyle's POV]

Hindi ako mapakali. Kanina pa ako maikot-ikot dito sa kwarto ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Sinabi ni Papa na malapit na silang ikasal ni Eliza-I don't like her to call her mommy even tita.

He reminded me also about Kylene, my partner on the actual wedding. Hindi na 'to basta partner lang sa assignments or what. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Papa dahil hindi ko nga magawang makausap si Kylene. I also noticed that she's trying to avoid my presence. Agad siyang tumatayo papalapit kay Matthew kapag may assignment na kailangan partner. Hindi naman ako makaangal dahil tinutubuan ako ng kahihiyan at konting selos. Teka! Selos?! Ano bang kabaklaan ang nararamdaman ko?!

At isa pa, 'di ba may karapatan akong umangal?! Ako 'yung kapartner niya e. Ako 'yun!

Pero hindi 'yan ang problema ko! Kailangan kong masabi kaagad kay Papa para mabago kung sino ang kapareha ko sa kasal niya. Hindi naman papayag si Kylene, sigurado.

Napahiga ako sa kama. "Pero wala akong ibang gustong makapareh-" Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Mayroon pang iba dyan! Bakit hindi na lang kaya si B?

Pero hindi pwede! Paano kung magalit si Papa? Hindi talaga pwede si B! Si Kylene lang 'di ba?

E bakit ba parang gustong-gusto mo talaga ay si Kylene?

Napatayo na ako sa kama at napasabunot sa sarili kong buhok. "Gulong-gulo na ako! Ano bang gagawin ko?"

"PAPA!" Kinuha ko 'yung phone ko sa may mini cabinet. "Bakit nga ba hindi ko kaagad tanungin si Papa?"

Nagring lang ng nagring. "Please answer my call." palakad-lakad lang ulit ako sa loob ng kwarto ko. Waiting for my father to answer. "Pa naman!" sambit ko at tinawagan ko ulit siya.

I dialed his number for the nth time. Hindi na ako umaasang sasagutin pa niya yung tawag ko pero masama bang mag-try? *ring ring*

"What the hell! What's the problem?! I'm in a meeting!" bulyaw ni Papa kay inilayo ko bigla 'yung phone ko sa tainga ko.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon