Chapter 26: Too Late

53 4 1
                                    

Chapter Twenty-six: Too Late

[Kylene's POV]

Busy sina Kyle at 'yung si B sa paglakaro ng crossword. Si Katy naman, kanina pa umalis dahil may pasok pa.

Papasok na nga din sana ako kaso pinigilan ako ni Tito. Binigyan lang niya ako ng pamalit na damit dahil sa nabasa ako ng ulan kanina sa school. "Hija, pwede bang pakidalhan sila nitong juice?"

"Sure, Tito." Binuhat ko 'yung tray at dinala doon sa dalawa.

Pero hindi ko alam nung nakita ko si Kyle, parang ayoko ng lumapit. Parang nakakahiya?

"Uhm, pinapadala ni Tito Keizer 'tong juice." Nilapag ko 'yun dali-dali sa table at tumalikod.

"Sandali, bakit hindi ka makipaglaro sa amin ni B?" Yeah, B.

"Bakit naman B? Tayo na lang ang maglaro." sabat nung B.

"A - ah, oo nga. Kayo na lang." pagtanggi ko. Baka mamaya magalit pa sa akin 'yung B na 'yun e ayoko ng may kaaway.

Sina Ivy, Chloe at Hannen kaya? Galit pa rin ba sila? Bakit bigla silang nagbago?

Paalis na sana ako, "B naman, ang boring kasi kapag tayong dalawa lang." sabi ni Kyle.

"Boring? Nakakainis ka naman B, e! Kung ayaw mong makipaglaro sa akin, e 'di kayo na lang!" Tinabig niya 'yung maliliit na letters.

"B, ang ibig kong sabihin, boring kapag kakaunti." Lumapit pa si Kyle at niyakap ito, "Ikaw talaga, napakamatampuhin mo. B naman kita 'di ba?"

Hindi ko alam. Bakit ba ako naiinis sa B na 'yan?! A, basta! Nakakainis siya. Bwiset!

"Sige na nga, tatlo na tayo maglalaro, B. Alam mo namang hindi kita matitiis 'di ba?"

Inayos nilang dalawa 'yung letters. "Dito ka." Tinap ni Kyle 'yung upuan sa tabi niya.

Lumapit naman ako doon para umupo pero biglang lumipat doon 'yung B. "Ang likot mo." natatawang sabi ni Kyle do'n sa B.

"Hindi ka pa ba nasanay? E sa tagal ng relasyon natin?" Bigla kong natisod 'yung maliit na upuan. Relasyon?

Tumayo si Kyle at nilapitan ako. "O, bakit? Okay ka lang ba, Kylene?"

"He-he, okay lang ako."

Hinawakan niya ako sa braso. "Maupo ka na kasi." Umupo ako sa katabi nung B.

"Ako muna!" sigaw nung B.

Tumango naman si Kyle at ngumiti, "Okay, si Kylene ang next."

"Huh? Bakit hindi ikaw e nakisali lang naman siya."

"B! Hayaan mo na, ako na lang ang huli." pagpapaliwanag ni Kyle.

Nagbuo ng word 'yung B. "HOST"

Sumunod naman ako, mukhang maganda ang nakuha kong mga letra a?

Naglagay ako ng letter B sa unahan ng tatlong space bago mag-H ng HOST.

"B? Tawag sa akin ni Kyle?"

Dinagdagan ko ng ITC kasunod ng B. "BITCH? 'Yun ba ang ibigsabihin ng B na tinatawag sa'yo ni Kyle?" napatawa ako. Bakit nga ba gano'ng mga letra ang nakuha ko?

Inismidan lang ako nung B at nginitian ko siya.

"Okay! My turn!" sambit ni Kyle. Kaya nagkasabay kami nung B na tumingin sa kanya. "Woah, ganito na ba ako ka-hot para tignan niyo ng ganyan?" tumawa si Kyle.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon