Chapter Twenty-five: New B- itch
[Kylene's POV]
"I like you.."
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ako makahinga.
Sinabi ba talaga niyang.. G-Gusto niya ako?
Pero bakit parang hindi ako mapakali? 'Di ba wala naman akong gusto sa kanya?
Wala lang 'to! Wala lang talaga.
Bigla naman siyang umalis. Wait!
"K - Kylene, tara na." Napalingon ako. Si Matthew nga pala nandito rin.
"Saan mo 'ko dadalhin?"
"M - Matagal ka na kasing nasa puso ko. Sa CR sana para makapagpalit ka na." Bakit ba Matthew dumagdag ka pa?! Gulong-gulo na ang utak ko! Pwede ba?!
"Uuwi na ako. Hindi na muna ako papasok ngayong hapon masakit na din kasi ang ulo ko." Pagsisinungaling ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa balikat."H - Ha? May sakit ka ba dahil sa pagpapaulan? Ano? Ano pang masakit sa'yo?"
"O - Okay lang ako. Okay na okay." Inalis ko 'yung kamay niya sa balikat ko.
Ayokong lumalim ang nararamdaman niya sa akin. Kailangan ko siyang layuan. "Ingat ka." Sambit niya bago ako makalayo.
Naglakad na ako papunta sa gate ng school. Naghintay na lang ako ng jeep na dadaan.
Maya-maya rin ay may dumaan, pinara ko ito at sumakay na. "T - Teka po! Pasakay!" Kaya huminto ang jeep.
Lord! Bakit ngayon pa? "Nakapagbayad ka na ba?" Tanong ni Kyle sa akin.
"A - ah, hindi pa."
"Makikisuyo nga po ng bayad! Dalawa po." Nilingon niya ako at nginitian.
"Salamat." Sambit ko.
Pagdaan sa may mall, pinara ni Kyle 'yung jeep. "Tara na." Hinila niya ako sa kamay kaya hindi ako nakaimik.
"U - Uy, saan tayo pupunta?"
"Basta." 'Yung kamay ko! Pwedeng pakibitaw?
Hinila niya ako hanggang makapasok kami sa mall. "Ano bang gagawin natin dito? Tska 'yung kamay ko, hawak mo pa rin."
Binitawan niya 'yung kamay ko. "Ay sorry. May bibilhin lang ako sa market tapos uuwi na tayo." Nauna siyang naglakad kaya hinabol ko siya.
"Uuwi? Tayo?"
"Oo, gusto ka daw makausap ni Papa."
Patay na naman ako nito!
Kumuha na siya ng cart at nagsimulang mamili.
"Pwede bang tumanggi? Kasi ano e--"
"Hindi." Sambit niya.
"Pero hindi talag--"
"May gusto ka bang bilhin?"
Naman, Kyle! Patapusin mo naman ako! "Wala." Psh.
Pagkatapos niyang mamili,pumunta na kami sa counter. "Alam mo bang hindi talaga ako makatulog kagabi?"
Ayan ka na naman! Please lang, itigil mo 'yan. "Kakaisip kung anong pwedeng lutuin ngayon."
"A - ah."