Chapter 34: Poor Kylene

57 1 1
                                    

Chapter Thirty-Four: Poor Kylene

[Kylene's POV]

Isang linggo na ang nakaraan simula nung nangyari sa bahay nila Kyle. Nahihiya na ako sa kanya. Pilit ko siyang nilalayuan at buti na lang, nagagawa ko. Tuwing vacant, kung saan saan lang ako pumupunta at hindi pumupunta sa canteen para doon kumain. Ayoko siyang makita. Sobra ang awkward kasi sa pakiramdam.

Isang linggo na lang din, at malapit na ang exams. Marami ding requirements ang kailangan kong tapusin. Kailangan ko ding makapagreview kaagad dahil sa Araling Panlipunan pa lang, ang dami kaagad words na kailangang memoryahin. Idagdag pa ang Mathematics na puro solving problems ang pinapagawa. Hays, kailan ba to matatapos?

Wait! Isang linggo na lang din pala at Intramurals na! Hindi pa kami nagpapractice! Gaad ano bang pinasok ko? T_T

Miss ko na rin ang mga kaibigan ko. Hanggang ngayon ba'y galit pa rin sila sa'kin? Kailan ba nila ako kakausapin?

"Uy, Kylene!" napalingon naman ako sa nagsalita. Hingal na hingal na lumapit sa'kin ang isang basketball player na hindi ko kilala. "Pinapatawag ka ni Sir Jo sa office niya."

"H - Ha? Okay sige, salamat." kinabahan ako bigla. Hindi ako tawagin ng teacher or principal. Hindi kasi ako teacher's pet e. Kaya bakit?!

I sighed. Okay, Kylene. Wala kang ginawang mali. Wala..

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng office ni Sir. Kumatok ako. May nakinig naman akong 'Come in' kaya pumasok ako kaagad. "Good afternoon po." I greeted him.

"Good afternoon din. Have a seat." umupo ako sa tapat niya. "Hintayin na lang natin siya ha? Papunta na rin dito 'yun. "

"Sino po 'yun--"

"Good afternoon, Sir-" napatingin siya sakin. "and Kylene." he smiled at me. Yes, HE. Si Kyle lang naman ang nasa harap ko ngayon! Hay buhay nga naman oh.

"Uh, good afternoon." napangiti ako ng alanganin.

"You two are so perfect for the Mr. and Ms. Intrams 2015. So sana Ms. Gomez, pumayag ka na sa laban na ito. Na si Mr. Buenavista ang kapareha mo."

Sht na malagkit! Anong gagawin ko?! "P - Pwede po bang magtanong?" tumango lang si Sir. "Uhm, akala ko po ba si Matthew na 'yung kapareha ko?"

"Kylene, alam kong 'yun ang sinabi sa'yo ni Ma'am. Ngunit sa palagay ko'y mas nababagay si Matthew sa sports. Hindi dito. Although he's good looking, mas malaki ang tyansang manalo si Mr. Buenavista dito at si Matthew naman ang magdadala ng basketball team." paliwanag ni Sir. Hindi ako makaimik. Naiimagine ko pa lang na sabay kaming rarampa ni Kyle, nanginginig na ko sa kaba.

"Uh. . S - Sige po Sir payag na po ako." pinilit kong ngumiti kay Sir para hindi ako magmukhang napilitan lang although kahit yung ngiti ko ay pilit lang.

Ngumiti si Sir ng malawak. "Hay salamat, Kylene! Thank you, thank you talaga!" kinamayan niya ako pati na rin si Kyle.

Hinawakan niya kami sa balikat namin. "So mamaya, after class dumiretso na kayo sa gym okay? May practice ng modeling. Kaya niyo to!" he smiled. At tinapik niya kami sa balikat.

Nagpaalam ako kaagad kay Sir at lumabas ng office niya ng hindi nililingon pa si Kyle. Geez, takbo Kylene!

"Kylene sandali!" nakinig kong sigaw niya pero hindi ako tumigil sa paglalakad at hindi ko siya nilingon.

Nagkunwari na lang akong may hinahanap sa bag ko habang naglalakad para mukhang nagmadali. Huh! Nakikita ko 'to sa mga Korean Novelas na napapanood ko.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon