Chapter 22: "I hate him!"

52 4 2
                                    

Chapter Twenty-Two: "I hate him!"

[Kylene's POV]

Pagkatapos ng dinner namin, nagpaalam na ako kay Tito Keizer at kay Tita Eliza.

'Yon kasi ang sabi nila, tawagin ko daw silang Tito at Tita.

"Teka, ihahatid na kita." dinig kong sabi ni Kyle.

"Ay naku, 'wag na at maabala ka pa. Kaya ko naman ang sarili ko. Sige, salamat ha?"

"Hindi mo ka ba natatakot? Sige mamaya may lumabas na aswang. Kaya nga hindi ako lumalabas kapag gabi e. Sige, mag-ingat ka na lang. Akyat na ako sa taas, matutulog. Good night!"

"H-Ha? Sandali!"

Tumigil naman siya sa paghakbang. "Akala ko ba aalis ka na? Inaantok na ako e." Humikab pa siya. Naku! Paano na ako nito?

"A, H-Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Akala ko ba kaya mo na? May aswang lang naman diyan sa tabi-tabi." Nakangisi niyang sabi.

"Nagbibiro lang ako. Hahahaha. Sige na, ihahatid na kita." Dagdag pa niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sumakay kaming dalawa sa sasakyan nila.

"Sana naman, tama 'yung sagot natin ano?" Tanong niya.

"H-Ha? Oo nga, sana."

"Okay ka lang ba? Bakit parang kinakabahan ka?" Sabi niya habang nakatitig sa akin

"E, kasi.. Kasi baka magalit si Mama."

"'Wag kang mag-alala, ako ng bahala."

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin pumasok kaagad ako.

"KYLENE ERINA GOMEZ! Ikaw talagang bata ka!" Sigaw ng Mama ko. Halatang kanina pa siya naghihintay. Naku, patay!

"A, good evening po." Bati ni Kyle kaya napatigil si Mama, nilingon niya si Kyle at nginitian.

"Good Evening din hijo. Naku, pasensya ka na kung makalat ha? Kyle, hijo, bakit napadalaw ka? Gusto mo ba ng juice?" Si Mama, masyadong madaldal! Hindi tanda ni Kyle si Mama.

"Kilala niyo po ako?"

"Naku, hindi ka kilala ni Mama. A, naikwento ko lang ikaw sa kanya." singit ko sa usapan nila. Mahirap na baka kung anu-ano ang sabihin ni Mama.

"Anong naikwento? Hijo, hindi mo na ba naaalala? Dito ka tumuloy noon dahil bigla kang nilagnat." Pinandilatan ko ng mata si Mama. Sinasabi ko na nga ba! Ano bang kinain ni Mama at naging madaldal ulit siya?

Hinila ko si Mama papunta sa kusina para kausapin. "Mama, may mild amnesia si Kyle. Hindi ka niya na aalala. 'Wag mo na pong sabihin 'yung about diyan sa nagkasakit siya noon."

"Ano namang masama kung ipapaalala ko sa kanya? A, basta." Nauna na si Mama na bumalik sa sala at sumunod naman ako. Napailing na lang ako.

"Alam mo hijo, noong nagkalagnat ka, inalagaan ka ni Kylen--Mmm" tinakpan ko ang bibig ng Mama kong madaldal.

"Naku, wala 'yan. 'Wag mong intindihan ang Mama ko."

"Bakit mo ba tinatakluban ang bibig ng Mama mo? May gusto yata siyang ikwento." Tapos kinuha niya 'yung juice sa center table at ininom 'yon.

"Ano po ba 'yon--"

"Tita Karylle na lang."

"A sige po. Ano po ba 'yon Tita Karylle?"

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon