Chapter 10: Group

98 6 0
                                    

Chapter Ten: Group

[Kylene's POV]

Naglalakad ako ng mag-isa sa hallway ngayon dahil hindi ko pa nakikita si Ivy,Chloe at Hannen.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko sina Sabrina. 'Sabrina and the Two Frogs.'

"Hey." Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ko.

"Hey B*tch! I'm talking to you." Nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig ko

"What?! You just called me 'B*tch' ?!

Lumapit ako sa kanya at bumulong.
I think you don't know yet that the word 'B*tch' suits your personality." I smile at her. And just walk away.

Alam kong kahit nakatalikod ako, umuusok ang tainga at ilong niya sa galit.

I don't care. Hindi nagpapatalo ang isang Kylene Gomez. Huh!

**
At the room.

"Good Morning Class!"

"Good Morning Ma'am!" Sabay-sabay na bati namin kay Mrs. Tolentino.

"Class, May ibibigay ma ako sa inyong project " Sh*t! Project na naman? Walang sawa? Okay. Estudyante e.

"This is a group project.... Daming bulungan kaagad ang bumugad sa Activity.
.....At ako ang maggrugrupo sa inyo. Is that clear?" Mabuti na lang group.
"Yes Ma'am." Mabagal at malungkot na sabi namin.

"Okay. First group will be Patricia, France, Clark, Jennifer, Peter, and Ralph. Sinong leader niyo?"

"Si Jennifer po Ma'am."

"Okay. Next group members will be Johann, Viany, Anne, Dominique, Warren, and Yna."

"Ma'am si Johann po."

"Okay. Next. Kylene, Lorraine, Harry, Sean, Kyle, and Katy."

"Si Lorraine po Ma'am." Wait? Kyle? Hanggang sa group pa ba naman magkasama pa rin kami? Walang sawa? Ugh! Wala naman akong magawa. Matanda na si Ma'am baka magalit pa at atakihin sa puso.

May biglang lumapit at sumiko sa akin.

"Paano ba 'yan?" Then he smirked. At umalis.Yeah. HE. He's Kyle.

"Next. Hannen, Chloe, Ivy, blah, blah, and blah." Bakit sila, magkakasama? Ugh! Ang daya ng tadhana! Unfair!!

Nakita kong sabay silang nag-apir.

Maraming pang binanggit si ma'am na ibang group members pero hindi ko na narinig dahil nilapitan ako ni Ivy.

"Girl, sayang naman hindi ka namin kagroup." Sabi ni Ivy.

"Oo nga e. Wala naman akong magawa. Okay na din yo'n."

"Alam mo ba? Kagroup ko si Hans my loves!"

"Ano? Siya na lang ba ang laging bukam-bibig mo?"

"Huwag kang maingay. Mahal ko na nga ata siya e." Huwaat? Mahal kaagad?
"Ano?! Agad-agaran? Tigilan mo nga 'yan. Ang sama pakinggan."

"E ano ba? Mahal ko na siyaaaaaa." Tapos niyapos niya ako na parang ako si Hans.

"Acckk. B-bitiwan mo ako. Hindi ako makahinga." Tapos bumita na siya at tumawa. Baliw talaga 'to. Tawanan ba naman ako?

"Music Video ang gagawin niyo bilang project. Ayokong makisabay sa mga project ng ibang teacher dahil baka bastahin niyo lang ang gagawin niyong music video. So, nag-eexpect na ako ng magagandang panonoorin at mag-expect kayo ng mataraas na marka."

"E Ma'am, about saan po ba yo'n?" Tanong ni Jennifer.

"Oo nga po Ma'am. About sa'n po?" Dagdag ni Johann.

"Music Video na about sa Love. Kahit ganito na ako katanda, mas gusto ko pa rin ang mga Love songs. Dahil naalala ko si Carlito. Ang first love ko. Tanda ko pa noon, blah blah blah." Nagsimula na naman si Ma'am ng mga kwento niyang walang katapusan. Walang ubos. Napatunayang meron forever dahil sa mahabang kwento ni Ma'am na hindi matapos-tapos.

"A, Ma'am, sa susunod niyo na lang po ikwento. Opo nung sixteen years po kayo. Tapos na po ang Subject niyong Computer Ma'am." Sabi ni Dominique.

"A. Hehehe. Sige. That's all for today. Class dismiss." Umalis na siya.

"Ehem, Group Number 3 po, may meeting dito." Sabi ni Lorraine. Kaya naman lumapit ako.

"A. Ganito, pwede ba kayong mag-suggest kung anong magandang kanta na about sa pag-ibig?"

"Hmm, 'Till I Met You! Tama! Maganda yo'n!" Sigaw ni Katy habang pumapalakpak. Huh! Loka-loka!

"Pwede. Naisip ko rin yo'n. Ano pang iba?"

"Pangako? Pangako ba yo'n? Yung kinanta ni Regine? Si Regine nga ba?" Tanong ni Harry

"E teka! Sino ba ang gusto niyong gumanap na couple sa music video? Kailangan yo'n no!" Sabi ni Lorraine.

"Ako! Ako!" Sigaw ni Katy. Kaya naman natigilan kaming lahat.

"Sino sa lalaki?"

"Si Kyle!" Sigaw ni Harry

"Oo nga si Kyle na lang at si Katy." I suggested.

"Girl! Ang galing mo talaga!" Sabay apir sa akin ni Katy. Feeling close?

"Okay. Bukas na lang ulit natin yan pag-usapan ha. Lagi kayong aattend sa mga meetings. Okay?" Sabi ni Katy.

In the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon