Hindi ako gumawa ng kilos o anuman. Hinintay muna namin na umalis ‘yong dalawang lalaki.
Agad akong tumalikod sa kaniya. Naramdamdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Hinawi ko ito at agad ko itong hinarap at sinampal.
Bumalik lahat ng masasayang alaala naming dalawa na lalong nagpanikip ng dibdib ko.
Gusto ko mang umiyak. Pero walang luhang pumatak mula sa mga mata ko. Ang lalong masakit ay mismong ang puso ko na ang lumuluha at nagdurugo.
Dalawang sampal ang sinalubong ko sa kaniya. Hindi ito umangal. Tinitigan niya lang ako sa mga mata ko. Ayaw kong tignan ito sa mga mata. Dahil ang abong mga mata niya na nagpapahina sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?, Umalis kana, hindi kita kailangan! ” pagtataboy ko sa kaniya.
Wala akong natanggap na sagot sa kaniya kaya naman tinalikuran ko na siya. Bago ko pa ihakbang ang mga paa ko ay naramdamdaman ko ang yakap niyo sa akin mula sa likuran ko.
Narinig ko ang hikbi niya. Hinayaan ko lang ito ng sandali. Dahil sa totoo lang ay namiss ko siya sa kabila ng nagawa niya sa akin ay may puwang parin ito sa puso ko. Hindi ko man maamin sa sarili ko.
“Scarlett, Please! Magpapaliwanag ako. ” pagmamakaawa niya sa akin.
Sa totoo lang hindi ko na nais pa na marinig kong anong sasabihin niya.
“Liam, may sasabihin din ako sa’yo. Tinatapos ko na lahat ng meron tayo, pinapalaya na kita. And PLEASE. layuan mo na ako.” Inalis ko ang pagkakayakap nito at hinarap ko siya.
“No, Please! ” pagmamakaawa nito.
Bilib din ako sa kaniya. Dahil may lakas pa siya ng loob na magpakita sa akin sa kabila ng ginawa niya sa akin.
“Ano? Masaya kana? Masaya kana dahil nakaganti kana sa Pamilya ko?, Oo Liam tama ang narinig mo. Dahil ako at si Hadassah ay kambal. at pamilya ko sila. ” Sabi ko na may halong hinnanakit.
“Yeah, I know. Hadassah told me that already. ” sabi niya.
Na mas lalong nagpainit ng dugo ko.
“So, alam mo na pala. Pinagkakatiwalaan ka pala ng kambal ko. Pero bakit? Nagawa mo parin ito sa akin? Ginamit mo lang ba ako? Kasama rin ba sa plano mo na paibigin ako? Para naman double ang ganti mo sa amin?! Sumagot ka!” Galit kong sabi sa kaniya.
“No. Baby I won't. ” sabi pa nito.
Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay may sasakyan na parating. Kaya naman agad kaming nagtago.
Isinantabi ko muna ang Galit ko sa kaniya. Dahil kailangan ko siya.
May lumabas mula sa kotse na dalawang tao hindi ko na ito nakita dahil sakto naman na sinarado na nila ang gate. Damn!
“Pano ako makakapasok?” Tanong ko nalang sa sarili ko. Maraming bantay ang nakapaligid.
Sino? Ang makakatulong sa akin? At Papaano ako makakapasok Diyan para maligtas ko ang mga kaibigan ko. Fvck! Hindi ko mapigilang mapamura.
“Umuwi muna tayo, Scarlett. Para makapagpahinga ka muna. Tsaka nalang natin planuhin bukas kung papaano natin sila maliligtas .” alok niya.
Tahimik akong sumunod kay Liam. Pagod narin ako. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kaniya.
Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kaniya. Pero pinili ko na lamang na manahimik. At huwag alamin.
Dala niya ang kaniyang sasakyan. Sinabayan pa ng pag ulan ng snow at paghampas ng malakas na hangin na lalong nagpalamig sa akin.
BINABASA MO ANG
The Playful Fate [COMPLETED]
RandomScarlett Reyes was born poor. So she strives to finish school so that she could help her family. Unexpectedly, her brother got sick at the same time.She has nothing only herself. Exactly someone offered to help her but it has an associated condition...