Hindi ako nagkamali kung sino ang tumawag sa akin.
“Yes?” mataray kong sabi.
“Ohh, akala ko ba may dadaanan ka? Bakit sa hagdan ka dadaan? Diba you hate stairs? And do you remember that you have a phobia pagdating sa mga hagdan?” Mausisa tanong ti Tita Emma.
“Hindi na ngayon.” Matigas kong sabi at tinalikuran siya.
Dammit!!! May mga ugali talaga kaming hindi magkatugma ni Hadassah. At Phobia pa.
“you okay?” tanong ni Liam.
“Yup.” masigla kong sagot.
Dumiretso na kami sa Venue kung saan gaganapin ang Launching.
Cherry Blossom ang theme ng event. Dahil sa korea pa pala galing ang soap na ilalaunch. Hindi na ako nagtaka dahil may business din sila sa korea. Sunod sunod ang mga Big Events sa Companya at sa totoo lang nakaka stress. Pagkatapos ang Anniversary ng Victoria Galleria Mall. Ay lilipad naman ako papuntang Korea at thailand sa magkasunod na araw dahil ako ang naatangan ni Lolo para mag manage ng events.
May nakahelerang mesa sa harap ng stage. At doon kami uupo maging ang mga naimbintahan para matunghayan ito. Andyan ang mga may Shares sa Companya.
First time kong maupo sa harap ng mesa na may Event. Kadalasan kasi nasa upuan lang ako minsan nakatayo pa. Abala ang lahat sa pakikinig ng mga sinasabi ng host ako naboboryong na. Si Lolo naman ay tahimik na nakiki chicka sa mga kakilala niya maging si Tita Emma at Tito Alejandro. Si Oliver naman ay tutok sa pakikinig.
Pagkatapos ng event ay nagpa Picture kami don sa model ng Soap si Sollen isang half Korean at half Filipino.
Pumunta ako sa Bathroom at dumeristo sa Cubicle. Lalabas na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko na pinag uusapan ng dalawang babae.
“Hoy, Jillian. Diba ikaw lang ang kinakausap slash kaibigan ni Madame. Hadassah, Bakit parang hangin kana lang sa kaniya, nagkatampuhan ba kayo?” sabi nong babae.
“Hmm, Kaya nga eh parang hindi na siya yong nakilala ko. At ito pa ang mas nakakapanibago dahil imbes na mag elevator ito ay madalas ng hahagdan eh, Sa pagkakaalam ko may phobia siya sa hagdan bata pa lamang siya.” Sagot naman nong Jillian base sa pangalan na narinig ko.
Nang mawala na sila sa pandinig ko saka lang ako lumabas. Hindi ko maiwasan isipin kung bakit siya may phobia sa hagdan anong meron?
Nagpatawag ako ng meeting ngayon sa mga nasa Marketing Team ukol sa Anniversary ng Companya para ipresent nila ang naiisip nilang idea.
Ang unang nagpakilala ay ang head nila si Jillian Ortiz. Ang naisip nitong idea ay magkakaroon ng 50% off sa araw ng Anniversary. Nagpakita din ito ng Bar Graph na kapag nag sale kami sa araw na 'yon ay mas madodoble ang kita. Yon daw ang pinaka mabuting gawin para mas dumoble ang sale namin sa buwan ng Setyembre. Sang yon naman ang lahat. Kaya walang problema.
Pinatawag ko si Jillian sa Office ko para makausap. Pinalabas ko muna si Liam. Para makausap ko ng masinsinan si Jillian.
Pinaupo ko ito. Tumayo ako at nilapitan ko siya.
“Anong alam mo sa akin.” direkta kong tanong.
“Huh, Madame." sabi nito na parang naguguluhan.
“Say it now!.” sabi ko pa.
“Na amnesia po ba kayo?" Tanong pa niya.
“Ganiyan mo ba ako tratuhin.” mataray kong sabi.
“Sorry po.” sabi niya habang nakayuko.
“Nothing special naman.” Aniya.“To be honest ako lang po ang pinagkakatiwalaan niyo. Dahil sa tutuusin hindi po maganda ang trato niyo sa mga staff. Palagi po kayong nagagalit ng walang dahilan kaya naman po laging gulat nila ng nagbago po kayo.”
“Yon lang?” tanong ko pa.
“Opo yon lang po.” sabi niya.
“ Inaasahan ko na hindi makakalabas sa publiko itong pinag usapan nating dalawa kung hindi wala kanang trabahong babalikan pa. Sige makakalis kana Jillian.” pananakot ko sa kaniya.
At umalis na nga ito. Kasabay ng pagpasok ni Liam.
Mabuti narin na sa kaniya ko mismo inalam kong anong merong ugnayan sila ni Hadassah. Napag alaman ko kasi na bukod sa my tanin na ang buhay nito ay may Alzheimer's disease pa. Kawawa naman sa batang gulang niya ay hindi na maganda ang takbo ng katawan niya. Kaya bilang pasasalamat gagawin ko ang lahat ng pinag uutos niya sa akin kapalit ng kaligtasan ng kapatid ko.
Mabuti na lamang dahil pinag bigay alam na sa akin ni Liam ang tunay na kalagayan ni Hadassah.
BINABASA MO ANG
The Playful Fate [COMPLETED]
LosoweScarlett Reyes was born poor. So she strives to finish school so that she could help her family. Unexpectedly, her brother got sick at the same time.She has nothing only herself. Exactly someone offered to help her but it has an associated condition...