Niyaya ako ni Lexi para mag shooping sa Mall, pagkatapos ng klase.
Half day lang kami ngayon dahil may meeting mga Professor namin sa nalalapit na Intrams sa School namin.
Walang pagbabago ganon padin naman ang naging cycle ng buhay ko sa School. Pero ako ang napiling Ms. Intrams samin, ayaw ko sana kaso may cash prize kaya pumayag nako.
Napagpasyahan naming pumunta muna sa banyo para magpalit ng uniporme bago magpunta sa Mall. Simpleng plain white t-shirt at pants ang sout ko, samantalang si Lexi ay nasuot ng backless na sando at maiksing short. Ngayon lang daw ito kasi wala ang jowa nito kaya walang magbabawal.
"Kuha kalang kung anong gusto mo ha, treat ko" Aniya
Tumago nalang ako.
Nahihiya akong magpalibre sa kaniya kaya wag nalang , pero magtatampo daw ito kung tatangihan ko kaya napilitan akong magpalibre ng isang bonnet.
"Hey! Lexi How are you?" tanong nong isang babae 1.
"Well Still pretty" sabi nito sabay tawa.
" Wow! You brought your yaya pa talaga para may tagabuhat ka noh? HAHAHA!" sabi nong babae 2.
Nako! Sarap supalpalin mga babaeng yon mayaman nga, mga pangit naman ugali.
Nasaktan ako dahil di man lang ako pinagtanggol ni Lexi, sana sinabi niyang di ako yaya dito noh. Imbis na sabihin nyang classmate ako ngumiti lang at tinalikuran lang sila.
It hurts you know.
Binili ko na rin ang bolang ireregalo ko kay Biboy. Natapos na kaming mag shopping si Lexi ako tapos ng mag window shopping tamang tingin tingin lang HEHE.
Hindi nako sumabay kay lexi.
Umuwi muna ako ng bahay para itago yong regalo ko para naman surprise. Susunduin ko ngayon si Biboy sa School nila at card day din nila.
"You are the Mother of Angelo Reyes?" Sabi nong teacher nito.
"No Ma'am. I'm his Sister" sabi ko sabay tawa.
"Sorry naman jinojoke kalang ehh" aniya.
Nalaman kong top 1 ang kapatid ko kaya proud na proud ako. Pero lately daw ay parang nagiging matamlay ito.
Bago kami umuwi ng bahay ay binili ko muna ito ng icecream libre ko kasi top 1 yiee.
Natapos ang araw nayon na masaya ako, binalita ko rin ito kay Papa at proud na proud ito.
Dapat gayahin ko daw kapatid ko bat ba? Lamang lang ng isa hehe top 2.
Top 1 kasi namin si Lucy yong mataray na nerdy.
Si Lucy and friends lang naman kaaway ko sa School, matalino nga masagwa naman ugali.
Excited na talaga ako sa birthday ni Biboy, kaya hindi ako makatulog kasi dalawang araw mula ngayon.
Bago ako natulog ay tinignan ko muna ang mga notebook ni Biboy para i check kung tama ang sagot nito sa takdang aralin niya.
May nakita akong maliit na papel at may nakasulat dito na.
1. I want Papa to be with me on my birthday.
2. I want to buy a new house for Ate and Papa.
3. I want to graduate to have a work so that Papa will not tired anymore.
4. I want to be an adult na so I can protect my Ate from Bad guys.
5. I want to be a good little brother and I want to see Mama in my dreams.Hinalikan ko ang maliit na papel at pinapangako kong tutuparin natin ito Biboy ng magkasama.
Promise.
BINABASA MO ANG
The Playful Fate [COMPLETED]
De TodoScarlett Reyes was born poor. So she strives to finish school so that she could help her family. Unexpectedly, her brother got sick at the same time.She has nothing only herself. Exactly someone offered to help her but it has an associated condition...