Kabanata 20

138 10 1
                                    

Habang binabagtas namin ang daan patungong Mansyon.
Masaya kong sinisilayan ang bawat nadadaanan namin.

Gabi narin kaya kitang kita ang mga malalaking gusali kung saan salat sa liwanag ang mga ito. May kunting tao din na nasa labas na naglalakad. Naka jacket ang mga ito at nakapayong umaambon kasi.

Ngayon ko makikilala ang mga pamilya ni Hadassah sa personal, walang bahid na kaba sa mukha ni Liam ng tapunan ko ito ng tingin. Samantalang ako ay tila hindi na makahinga dahil sa kaba.

Pinilipit ko na lamang pakalmahin ang aking sarili sa pamamagitan pagtanaw sa bawat nadadaanan namin. Ibang iba ito sa Pilipinas na kinalakihan ko maging ang klima at mga tao, ngunit pipilitin kong makibagay sa mga ito sa abot ng aking makakaya para hindi magkaroon ng problema sa bawat tao o lahi na aking makakasalamuha.

Sa gitna ng aking pag iisip ay biglang nilapat ni Liam sa aking balikat ang kaniyang jacket na suot suot niya kanina lamang.

Napatingin ako sa kaniya at ganon din ang kaniya, nakatigin din ito sa aking mga mata tulad ng akin.

Naasiwa ako sa pinakitang emosyon ng kaniyang mata na tila kumikislap ito sa liwanag.

Iniwas ko ang aking mata.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang naaasiwa. Kaya nginitian ko nalang ito bilang pasasalamat sa pagpapahiram ng jacket niya. Mabango ito dahil sa perfume na gamit niya hindi naman ito kagaanong matapang sakto lang sa pang amoy ko.

Hindi kasi gaanong kakapal ang tela ng aking kasuotan kaya tumatagos ang malamig na klima kaya salamat kay Liam.

Kaya naman sa ginawa niya ay nabuhay nanaman ang mga alitaptap sa aking tiyan na tila nagdidiwang sa kagalakan.

Tatlumpong minuto ang tatahakain namin bago kami makarating Sa Westfield City kung saan sila naninirahan.

Kaya napagpasyahan kong kunin muna ang Cellphone na bigay sakin ni Hadassah. Para itext ito na nakarating na kami sa London ng ligtas. Ngayon ko lang kasi naalala.

Nag scroll din ako sa Instagram na gamit ko bago lang ito. Ngunit ang masakit dahil hindi ko pangalan ang nakalagay kundi Hadassah Villamor. Kagagawa lang ito pero madami na kaagad ang nag Follow about half million na. Ganon kabilis.

"Wow fantastic baby."

Busy ako sa pag scroll ng biglang tumigil ang sinasakyan namin. Sa lakas ng pagpreno nito ay nauntog ang ulo ko sa upuan na nasa harapan ko.

Kaagad naman akong dinaluhan ni Liam. Para alamin ang kalagayan ko.

"Hey! Are you okay?" alalang tanong niya habang tinitignan ang noo ko kung nagtamo man ako ng sugat.

Hinawakan ko ang aking noo at sa lakas ng impact kanina ay dumugo nga ito.

"What happen." I asked nervously.

"Madame. I'm sorry something suddenly passed in front of us so if I hadn't braked it we might have been completely injured, I'm really sorry Madame." He said sincerly.

"I already got the plate number, I also report it in Police Station, so that they will trace and the one who did it will pay. But before that we will go to the nearest hospital."

Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko na ito nasundan.

Kitang kita ko sa mga mata ni Liam ang pag aalala.

Hindi kona alam ang sunod na nangyari pagkatapos non dahil nawalan na ako ng malay.

Nagising ako sa isang Garden punong puno ito ng mga bulaklak at maaliwalas ito sa mga mata.

Bumagon ako para hawakan ang mga ito at amoyin ang bawat bulaklak na aking nagustuhan. Ng mapagod ako ay naupo ako sa isang upuan malapit sa akin.

May nakita akong isang babae na naglalakad patungo sa akin. Hindi ko naaninag sapagkat binabalutan ito ng liwanag at nakakasilaw ito.

Ngunit sa pakawari ko'y babae ito base narin sa kilos at suot niyang dress na kulay puti.

Ilang pulgada na lamang ang pagitan namin ng tuluyan na ngang nawala ang bumabalot sa kaniya na liwanag.

Umupo ito sa aking tabi sapagkat may kalakihan ang inupuan ko sa aking tyansa kasya kahit tatlong tao.

Sa takot ko ay inilihis ko ang aking panigin sa kaniya.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Wala akong balak na basagin ang katahinikan na bumabalot sa aming dalawa. Kaya aalis na sana ako para iwanan siya. Ng magsalita ito at bitiwan ang mga katagang kay tagal ko ng hindi naririnig.

Mula sa pagkakatalikod ko sa kaniya ay hinarap ko ito ng buong sabik.

Sa sobrang kagalakan ng aking puso ay hinagkan ko ito ng mahigpit dahil pakiramdam ko ay hindi ko na ulit ito mararamdaman.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon