Kabanata 11

155 10 0
                                    

Nagising ako sa sofa kung saan ako nakaupo kanina. Hindi narin katulad ng dati na madilim, maliwanag na. At kitang kita ko na ang kwarto.

Malawak ito kumapara don sa pinaglagyan sakin kanina.

Nakaupo parin yong babae. At nakatalikod sakin.

"Totoo ba yong nakita ko kanina?" hindi parin ako makapaniwala.

Wala naman akong natatandaan na may kakambal ako. Dahil ang alam ko ay kami lang dalawa ni Biboy ang magkapatid.

Tumigin ako saglit sa wrist watch ko. 7:00 pm narin pala ng gabi.

Humarap ito sakin, at palalapit ng palalapit.

"wa.......g ka....ng la.....la..pi..t!!!" nauutal kong sabi.

Nginitian ako nito. Kitang kita ko sa mukha niya na naawa ito sakin, sa kalagayan ko.

"Ako si Hadassah Villamor" ngiting sabi nito at naglahad ng kamay.

Hindi ko tinanggap ang kamay nito. Sa halip ay natulala ako.

"Bat kamukha kita?" sabi ko.

"Kung inaakala mo na kambal kita pwes nagkakamali ka." Aniya.

Matagal na daw ako nitong pinapamanmanan. Kaya pala may umaaligid na van malapit sa apartment namin.
Wala daw itong balak gawin na masama. Sa halip ay tutulungan niya akong mapagamot ang kapatid ko.

Hindi ako nag atubiling magpasalamat.

"Pero may kondisyon ito" sabi niya.

"Ano po yon,"  magalang na tanong ko.

Magpapanggap daw ako, na siya. Ano nababaliw ba siya, Oo kamukha ko siya parang carbon copy ikanga.

"Pero, Bakit?, Mayaman ka. Bat mo gustong maging ako ikaw? Nababaliw kaba?" nanghihinayang kong tanong.

She sat before me.

If you really want something you will find a way...If you don’t.,you will find excuse.

"May dahilan ako kung bakit, gusto ko na maging ikaw ako." malumanay nitong sabi.

Oo 21 na ako, pero hindi ako handa sa hinihiling niya nakakapanghinayang lang.

Na stop ako dati sa pag-aaral dahil sa financial problem. Kaya naman hanggang ngayon ay first year College lang ako, kung sana'y tapos narin ako sa pag-aaral.

Gaya ng mga batchmate ko.

Hindi rin nalalayo ang edad namin mas matanda ng isang taon si Hadassah kumpara sakin.

Tuturuan daw ako nito, kung paanong maging siya.

Gabi narin kaya bukas na daw namin pag uusapan, ang magiging hakbang namin.

Kinuwento din niya sakin, kung bakit gusto niyang maging ako siya, Dahil may tanin na daw ang buhay nito.

At bago siya mamatay gusto niyang. Ako na siya.

Hindi parin ako pumapayag sa gusto niyang maging ako siya.

Pero, Oo kamukha ko nga siya at mapagkakamalan talagang kambal kami. Pero, pero bat gusto niyang maging kumplikado ang mga bagay bagay.

"Oo mayaman siya. Wala ba siyang kapatid?, at ako ang gusto niyang magmana lahat ng ari arian na meron siya. Naguguluhan parin ako.

Bahala na.

Paalis nako ng magsalita ito.

"Biboy is fine now, Scarlett Don't worry" Pahabol nito.

Napatingin ako sa kanya.

Mangiyakngiyak akong yumakap sa kanya.

"Thankyou Hadassah" I whisper.

At tuluyan nakong bumalik sa kwarto "ko".

Natahimik narin ang kalooban ko. Lalo na't nalaman kong Okay na ang kapatid ko.

Pero miss ko na siya.

Ilang minuto lang ay nakatulog narin ako, dahil sa pagod pag-iisip.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon