Kabanata 33

111 9 0
                                    

Bumaba kami sa sasakyan para mas lalo pa naming masilayan ang ganda nito. Ito ang unang pagkakataon na makatapak ako dito. Tunay ngang matagal na itong nagawa simula pa noong 21 June1886
At nag bukas noong 30 June 1894.

Kaunti lang ang lang sasakyan na dumadaan.

"Anong gagawin natin dito?" Taka kong tanong.

"Isa ito sa sikat na Landmark dito sa London.” pagsisimula niya. “Alam mo ba na kapag first time mo daw dito pwede kang mag wish at magiging totoo.” Aniya habang naka tingin sa mga sasakyan na dumadaan.

Sumila’y naman ang ngiti sa labi ko, Dahil sa sinabi ni Liam. “Tologo ba?” gamit ang tonong di makapaniwala.

“Oo, nga.” Aniya.

“Sige mag wiwish ako.” At nag wish na nga ako. Sana maging totoo para happy na.

“Ano naman wish mo.” tanong niya.

“Wish nga diba? Secret na ‛yon.” Sabay ngisi.

Nagulat ako ng akbayan ako nito.

“Ikaw, talagang bata ka.” Sabay kurot sa ilong ko.

“Hoy, Hindi na ako bata Ha! I’m Adult na ho.” Kunwaring pagalit kong sabi

“Joke lang baby.” Ani ni liam. Sabay bawi naman. Damn!

Ilang oras din kaming nagtambay doon. Nang mapagpasyahan naming umalis na at kumain muna sa napakalapit na kainan sa Parallax Restaurant.
Dessert lang ang inorder ko maging si Liam. Hindi pa kasi ako gaanong gutom. Ibang iba ang restaurant na ito sa mga napuntahan ko. Dahil lahat ng staff ay mga nakatira lang dito sa London.

Nagpaalam muna ako kay Liam na mag babanyo lang ako. Sinuklay ko ang mahaba haba ko ng buhok habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Kailangan ko na siguro magpagupit. But ayaw ko pa. Sana’y akong mahaba ang buhok ko. Inilabas ko rin ang face powder ko ay dinampi sa mukha ko. Oily na kasi ako.

Lumabas na ako sa Cr para puntahan si Liam. Naglalakad ako habang inaayos ang Clutch bag kong kulay black.

Nang may mabangga akong lalaki na Matangkad, maputi at matangos ang ilong maging ang kaniyang silver piercing na kumikinang na nakaagaw ng atensyon ko.

Nahulog ko ang bag ko maging ang mga laman nito. Agad kong pinulot at tinulungan naman ako nong lalaki na pulutin ito.

“Sorry, Hindi ko tinitignan ang daan ko.” paghingi niya ng tawad.

“Okay lang ako din eh.” sabi ko.

“I’m Ethan Carson.” pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya.

“Hadassah Villamor.” Sabi ko sabay tanggap ng kamay niya. Amlambot pucha!

“Nice meeting you, and sorry sa abala sige mauna na ako. But pwede bang makuha ang number mo, dinner tayo if may time ka.” Ani ni Ethan. At binigay ang cellphone niya.

“Why not.” sabi ko habang Tina type ang number ko. I think hindi naman masama kong may bago akong makilala and besides magaan pakiramdam ko sa kaniya.

“Hmm, Ethan mauna na ako.” pagpapaalam ko.

“Sige, Take care.”

Nakita ko si Liam na na may kausap sa telepono niya. Hindi ko ito marinig dahil malayo pa ako sa kaniya. Nakita ko rin na naubos na niya ang inorder namin kanina lang. Tumigil muna ako para bigyan ng privacy sila ng kausap niya. Mababasa sa reaction ng mukha niya ang hindi maipaliwanag na pag ngisi at pagtatalim ng mga abo niyang mata. Nakakatakot. Ilang sandali pa ng bumalik na siya sa dati niyang awra na parang walang nangyari.

Napagpasyahan kong lumapit na sa kinauupuan niya. Isang maaliwalas na ngiti ang sumalubong sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.

Lumabas na kami sa restaurant dahil may pupuntahan pa kami daw at baka hindi na namin maabutan yong Sunset.

Kalahating oras pa ang byahe.

“Liam, I’ll just take a nap.” paalam ko.

“ Okay, sandal kana lang sa akin baka mauntog kapa dyan.” suggestion niya.

Masunurin akong batang maganda kaya naman sinunod ko ang nais niya. Amoy na amoy ko ang perfume niya nakaka adik singhutin talaga. Hinaplos haplos naman niya ang buhok ko dahilan para maka idlip ako agad.

Ginising niya ako ng makarating na kami sa isang beach. May nakita akong karatulang nakasulat ay WELCOME TO FULLHAM BEACH. Maganda ito at sariwa ang hangin.

Naglakadlakad kami sa dalampasigan. Damang dama ng paa ko ang lambot ng white sand maging ang mala crystal nitong tubig na kumikinang.

Hinawakan naman ni Liam ang kamay ko. At sabay naming dinadama ang hangin. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Papa noon sa akin.“Dapat ang hanapin mong makakasama mo habang buhay anak ay maihahalintulad mo sa hangin”

“Bakit?” Takang tanong ko pa. “Hangin? Yong hindi ako mabubuhay pag wala siya?” hula kong sabi.

“Hindi anak.” Ani ni Papa habang hinaplos ang buhok ko.

“Ehh ano po?” kunot noong tanong ko.

“Hangin kasi gusto mong palaging andyan siya at ayaw mong mawala.” Matalinghagang saad ni Papa. Napatango nalang ako. I missed them.

Bumalik naman ako sa reyalidad at nakita kong nag tatampisaw na si Liam sa tubig. Inihahangin naman ang buhok nito dahilan para mas lalong gumwapo siya. Lumapit ako sa kaniya at binasa siya ng tubig. Ganon din ang ginawa niya nagbasahan kami ng tubig hanggang mapagod kami at mapa higa sa buhanginan.

At sabay naming pinanood ang paglubog ng araw.

Someday, you will find the one who will watch every sunrise with you, until the sunset of your life.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon