Alas singko palang ng umaga ay umalis na ako sa bahay ni Liam. Nag iwan nalang ako ng note sa harap ng ref na umalis na ako.
Pagkadating ko sa Condo ko ay naglinis muna ako. Dahil ngayon dadating si Auden kaya pinaghandaan ko ito. Dito kasi siya sa Condo ko didiretso muna.,Ayaw ko na mailang ako sa kaniya kaya naman nilagay ko na sa mindset ko na kapatid ko talaga siya.
Naligo na ako at nagbihis. Papasok pa kasi ako ngayon sa Work ko mamayang alas onse pa naman siya makakadating dito sa London. Kaya maaga nalang akong mag out para masalubong ko pa siya sa pagdating niya mamaya.
Gaya ng dati sinalubong ako ng mga Staff para batiin ako. Sinalubong din ako ni Miss. Thanya maging si Liam na abot tenga ang ngiti. So wierd.
Abala ako sa pagtitingin ng mga papers tungkol sa Sales ng Mall ngayong buwan ng September. Tumaas naman ito. Kaya walang problema. Ang pinaghahandaan lang ay ang nalalapit na Anniversery Ng Victoria Galleria Mall.
Nagpaalam ako kay Miss. Thanya na siya nalang ang bahala. Dahil maaga akong aalis. Sinabi ko narin kay Liam na uuwi ako ng maaga kaya umuwi narin siya.
Napa buntong hininga na lang ako ng maiwan ko pala ang susi ng kotse ko sa opisina. Tsk!
Ayaw ko ng mag aksaya ng lakas kaya napagpasyahan kong tawagan na lamang si Miss. Thanya.
Kukunin ko na sana ang Cellphone ko mula sa Bag ko ng may marinig akong Boses na pamilyar. Si lolo pala at si Tita Emma. Nakahawak ang kamay ni Tita Emma sa braso ni Lolo hindi ko masasabing inalalayan niya lang ito dahil mahigpit ito at may halong landi. Basta.
Ng malapit na sila mula sa kinatatayuan ko ay nagtago ako sa hindi ko mapaliwanag na dahilan. Narinig ko na pinag uusapan nila ako bilang si Hadassah. Hindi ko mawari at maatim ang mga pinag usapan nila tungkol sa akin. I'm dissapointed. Iba ang pagkakakilala ni Hadassah. Pero hindi ko hahayaan na matupad ang ninanais nila.
Ng mawala na sila sa pandinig ko ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Sakto naman ang pagdating ni Genesis.
"Hello, Ate maaga ka palang aalis. Buti nalang na abotan pa kita. Yayain sana kitang manood ng sine this weekend if free ka." Anyaya niya.
"Sure."
"Excuse lang ha, nagmamadali kasi ako ngayon kasi dadating si kuya Auden mo. Sa Condo ko siya muna didiretso. Gusto mo sama ka." Alok ko.
"Talaga Ate?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Naman. I want to Bond with my Brother's. You and Auden."
" Thankyou. Ate. I'm happy that your not mad at me every time I tried to caught your attention."
Ano? Naguguluhan ako kala ko ba close sila talaga? Curious ako kay Hadassah kong anong sakit talaga meron siya. Mali mali kasi ang mga nasasabi niya at alaala niya. Hayst.
Buti nalang talaga at hindi siya nagmana kay Tita Emma. Kundi kay Sir. Apollo. Mabait nga siya.
"But Wait, mag paalam ka muna sa Mama mo. May tatawagan lang ako saglit ipapakuha ko lang susi ng Car ko naiwan ko kasi sa Office."
Pumayag naman si Tita Emma na magpunta sa Condo ko si Genesis. Natatawa ako kasi tumakbo pa si Miss. Thanya para maibaot agad sa akin ang susi.
"Ingat sa biyahe Scar.. Este Madame." nadulas niyang sabi. Buti nalang abala si Genesis sa pag gagames sa cellphone niya kaya hindi niya napansin.
"Ingat po sa biyahe Madame, Sir." paalam niya.
"Thankyou." sabay kaway ko sa kaniya.
Sumakay na kami sa kotse. Uupo sana sa likod si Genesis ng yayain ko ito sa frontseat.
Nag text sa akin si Auden habang nagmamaneho ako malapit na daw ito. Sakto
Dumaan muna kami sa isang Filipino Restaurant at nag take out ng Foods na makakain namin. Tanghalian narin kasi. Wala narin akong oras para makapagluto. Sayang masarap pa naman ako este masarap luto ko. Kidding aside.
Napag alaman kong mahilig rin pala si Genesis sa seafoods. Samatalang si Auden ay alergic. Ako naman ay mahilig sa vegetable. Nag order din ako ng pork steak.
Ng nasa parking lot na kami naunang bumaba si Genesis at pinagbuksan pa niya ako. Siya rin ang nagbuhat ng mga pagkain.
Dumiretso ito sa harap ng elevator. Nagtaka ito ng sa halip na mag elevator kami ay sa hagdan ako pumunta.
"Hindi tayo mag eelavator Ate?" Slang niyang tanong.
"Nope. Exercise" pagdadahilan ko.
"But, you hate stairs? I remember."
"People Change." sabi ko pa.
"Okay." ani Genesis.
Ng pipindotin ko ang passcode ay bigla akong pigilan ni Genesis.
"I thought you're left handed." Usisa niya.
Hindi ko alam kung tama ba na makipaglapit ako sa kaniya. Masyado itong observative.
Send Help.
BINABASA MO ANG
The Playful Fate [COMPLETED]
RandomScarlett Reyes was born poor. So she strives to finish school so that she could help her family. Unexpectedly, her brother got sick at the same time.She has nothing only herself. Exactly someone offered to help her but it has an associated condition...