Kabanata 42

103 8 0
                                    

Hindi ako nakakain ng isang araw ng malaman ko ang katotohanang iyon.

Pilit man nila akong pakainin ay hindi ako nakakaramdam ng gutom. Sa palagay ko ay namanhid na ang buong katawan ko.

Malalim na ang gabi ngunit mulat na mulat parin ang aking mga mata. Lumabas ako ng bahay para makasagap ng sariwang hangin at makapag isip ng mabuti o hakbang man lang.

Naupo ako sa isang upuan malapit sa gate. Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hangin. Nililipad din ang buhok ko patungo sa mukha ko. Hinawi ko ito .

Nagbabadya na naman ang mga luhang nagpapahina sa akin. Galit ako kay Liam pero hindi ko makakaila sa sarili at sa puso ko na may natitirang pagmamahal parin ako sa kaniya. Marami akong natutunan sa kaniya habang magkasama kami. Tinuruan niya akong maging confident at maging isang matatag na babae. Ngunit hindi ko akalain na ang magturo sa aking maging matatag at ipagpatuloy ang bawat araw ay ang magiging dahilan ng unti unti kong pagkawasak at titibag sa mga pader na binuo naming magkasama. Hindi ko parin tanggap na ang lalaking kaunaunahang minahal ko ng ganito ay siya ang magiging kalaban ko.

How can i fight?

Lalaban paba ako? o tuluyang na ngang susuko?

Tanging hikbi ko na lamang ang naririnig ko at ang hampas ng hangin sa mga puno. Na nagpapatayo sa balahibo ko dahil narin sa lamig na dulot ng hangin at nyebeng nahuhulog galing sa langit.

Napayuko na lang ako at tinangis lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nang iniangat ko ang ulo ko ay bumungad sa akin ang isang babae.

Payapa ang mukha nito at tila ba'y walang sakit na dinaramdam at parang totoo pa ito.

Sumila'y ang ngiti sa kaniyang mga labi. Kitang kita ko ang mukha kong papalapit sa akin. Naka suot sa kaniya ang bigay sa akin ni mama na purple dress. Na pinagtaka ko.

Nalilito ako. Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko ngunit andito parin siya. Walang nagsalita sa amin. Hinaplos niya ang likod ko dahilan ng pagkaiyak ko ulit. Pagod na akong umiyak pero ang mga mata ko'y tila may sariling buhay na ayaw tumigil. I felt betrayed by my own eyes. Damn!

Tumayo ako at niyakap ko siya at sa mga oras na ito I feel safe with her arms. Please don't leave.

May ibinulong ito sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap niya ako mukha sa mukha niya parang nakakatitig lang talaga ako sa salamin.

Bumalik ang mga alalaalang una naming pagkikita. Wala kaming sapat na oras para makilala ang isa't isa pero parang may connection kami kaya kami nagkakaintindihan. Para siyang anghel na ipinadala ng langit para sa akin sa mga panahong 'yon. Utang ko sa kaniya ang buhay ng Kapatid ko. At tatanawin ko itong ng malaking utang na loob hanggang sa huling hininga ko dito sa mundong aking ginagalawan.

Nakita ko ang pagkaawa niya sa akin. Kaya naman inayos ko ang aking sarili.

Mapalad parin ako dahil kahit na alam kong wala na siya ay dinalaw parin niya ako. I'm so blessed.

Alam kong kapag nagising ako sa pagkakatulog na ito o kung likha man lang siya ng malikot kung pag iisip dahil alam ko sa sarili ko na kailangan na kailangan ko siya. Ay mawawala ito at iiwan akong nag iisa. I felt hopeless.

Naririnig ko sa labas ng mundong ito ang boses ni Ate Thanya na nag aalala na pilit akong ginigising. Tinignan ko si Haddassah kahit man lang sa huling pagkakataon hindi ko man siya nadalaw o napuntahan sa huling sandali ng kaniyang buhay. Ngunit mapalad parin ako dahil siya na mismo ang dumalaw sa akin.

Ipinapangako ko na kahit Anong mangyari ay dadalawin ko siya at makapag paalam ng maayos.

Nginitian niya ako at iniwan ang salitang "Don't worry it will be alright." Bago siya tuluyang maglaho. Kasabay ng pagbalik ko sa aking wisyo.

Nagtaka ako ng andito parin ako sa labas na nakatayo kung anong pwesto ko kanina. Kung kanina ay si Hadassah ang kasama ko ngayon ay si Ate Thanya na lamang.

Kitang Kita ko ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Ate. Thanya akay narin ng pag aalala niya sa akin. Maswerte ako dahil napakabait Niya sa akin tinuring Niya akong tunay niyang kapatid kahit pa man ni isang patak na dugo ay hindi nananalaytay sa mga ugat namin. Dito ko napatunayan na kahit hindi mo kadugo aya hindi don na susukat ang salitang pagmamahal at pagmamalasakit.

Tulala lang ako habang pinagmamasdan siya. Tanging luha lang naming dalawa at hikbi namin ang namamayani sa mga oras na ito. Tinapik tapik Niya ako sa mukha para tuluyang makabalik sa aking wisyo. Tanging mahigpit na yakap na lamang ang tanging sagot ko.

Nagulat ako ng may marinig akong sasakyan na nasa harap ng gate. Nasilaw kami sa liwanag nito.

Umalis muna si Ate Thanya para bukasan ang gate.

Lumabas si Auden hindi lamang ito nag iisa dahil may kasama siyang isang lalaki din.

Si Anthony.

Tumalikod ako muna para punasan ang luha ko at ayusin kahit kunti ang sarili ko.

Naramdaman ko presence ni Anthony sa likod ko. Tinapik tapik Niya ako. Marami akong itatanong pero..

Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. Bukas na daw dahil madaling araw na at kailangan naring magpahinga. Lumapit din sa akin si Auden at niyakap ako ng mahigpit. Sila ang nagbibigay ng lakas para lumaban ako. Sila ang tanging lakas ko.

“Salamat. Auden” Tanging salitang alam kong hindi matutumbasan maging ang sakripisyo ni Auden.

“Fighting!” Sabay kumpas ng kamay niya na nagpapahayag ng salitang fighting.

Napangiti ako kahit papaano.

Inakay na ako ni Ate. Thanya pabalik sa kwarto ko. Naiwan pa sila Anthony at Auden sa labas.

Nang makabalik na ako sa kwarto ko ay pinagpagan ko ang buhok ko para alisin ang nyebe.

Iniwan na ako ni Ate. Thanya.

Napakapit ako sa Headboard ng kama dahil bigla akong nahilo. Bunga narin ata nito ng walang Kain ng buong araw at walang pahinga. Bumaba ako saglit para makuha ng makakain. Kailangan kong magpalakas. Lalo na't may mga taong naniniwala sa kakayahan ko. Hindi ko sila maaaring biguhin.

Nang matapos na akong makakain ng kunti. Ay bumalik na ako sa taas para makapagpahinga narin.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng mag pop up sa utak ko ang binulong sa akin kanina ni Hadassah.

Isang pag asang naghihintay para malinis ko, namin ang pangalan ko.

Isang ngisi at pinakawalan ko bago tuluyang makatulog.

Blood vs. Blood!

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon