Nagtataka ako bakit tapos na akong lahat ay di parin lumalabas ng kwarto si Biboy, maaga ako ngayon kasi ngayon gaganapin ang Intrams sa School namin.
Pinuntahan ko na ito para gisingin.
Hinawakan ko ang noo nito. Nabigla ako dahil ang init init nito. At namumutla.
"BiBoy, Biboy" pag gigising ko dito, pero di parin gumigising, kaya napagpasyahan kong buhatin na ito, para dalhin sa malapit na Ospital.
Alam kong pag iinitan ako ni Ms. Careta, dahil hindi ako sumipot sa Ms. Intrams, pero mas uunahin ko muna ang kapatid ko sa kahit anong bagay.
Agad akong nag para ng taxi, para mabilis.
Maiyak iyak akong tinitignan ang mukha ni Biboy.
Makalipas ang sampong minuto ay nakarating na kami sa Hospital.
Asa labas ako ngayon ng kwarto kung saan ini examin kung anong sakit ni Biboy.
Napag alaman nilang kaya mataas ang lagnat nito at may pasa pasa sa katawan ay kulang ito ng dugo. At kung hindi maagapan ay maaring maging Lukemia ito.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para mapagamot si Biboy. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala akong malalapitan at pakawari ko'y wala akong kakampi.
Pumasok ako sa kwarto kung saan andon si Biboy na walang malay at naka dextros.
Tinignan ko ang cellphone ko. Maraming missed calls galing kay Ms. Careta at kay Lexi.
Tinext ko nalang sila na nasa Hospital ako kaya di ako makakadalo sa program.
Wala pang isang minuto ay nag text na si Ms.Careta at pinagbantaan akong kapag hindi ako pupunta ay i kikick out ako sa School lalo na't malakas ito sa owner ng School.
Sampung minuto bago mag umpisa ang program.
Aalis na sana ako ng magising ang kapatid ko.
Naiyak ako sa tuwa.
Yinakap ko agad ito.
"Ate bat ka umiiyak, asan tayo?" nanghihina nitong sabi.
"Ahh nasa hospital tayo, mataas kasi lagnat mo Biboy" Hinaplos ko ang noo nito, may sinat nalang.
"Ate uwi nalang tayo, ayos nako, malakas nako" sabay pakita ng muscle nito.
"Ano kaba, Biboy hindi kapa magaling ohh, palakas kana Ha para makauwi na tayo Okay?" sabi ko.
Nag thumbs up na lang ito.
Hindi na ako umalis at inalagaan ko nalang si Biboy. At alam kong wala na akong School na mababalikan.
May nagdeliver nadin dito sa Hospital ng pagkain.
Pinakain ko si Biboy at kalauna'y nakatulog ulit.
Hindi ko alam kung sino ang una kong tatawagan. Tinawagan ko ang number na gamit ni Papa pero not attended.
Tinawagan ko rin yong mga kamag-anak sa side ni Mama pero simula ng sumama daw ito kay Papa at nakipagtanan ay inisip na nilang patay ito.
Wala din naman akong iba pang matawagan sa side ni papa kasi only child ito. At patay narin sila lola at lola.
Parang sasabog na ang isip ko sa kakaisip kung saan ako pupulot ng pera para mapagamot si Biboy.
Gabi narin kaya lumabas muna ako sa Hospital para magpahangin para makapag-isip.
Ng may lumapit saking dalawang lalaki at pinakasay akong pilit sa van.
Kalauna'y nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Playful Fate [COMPLETED]
RandomScarlett Reyes was born poor. So she strives to finish school so that she could help her family. Unexpectedly, her brother got sick at the same time.She has nothing only herself. Exactly someone offered to help her but it has an associated condition...