Kabanata 25

112 9 0
                                    

Agad akong tumayo. Dahil sa hiya ko sa nangyaring unexpected kiss namin ni Liam. Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. He was my first kiss. At nawala ng ganon ganon ang virginity ng lips ko dahil sa katangahan ko. Dammit!

At ang walang modong Delivery Boy na pumasok agad. Tskk

"Sorry Sir. Liam pumasok ako kagaagad ng walang pasabi nakabukas na kasi." pangangatwiran niya.

"Hmm, Okay lang,'yon Jonass." sabay kuha ng pagkain na pinadeliver niya at inabot niya yong bayad.

Shit!!! Si Jonass kababata ko sa Pampangga. Ngayon ko napatunayan na ang liit nga ng mundo.

Narinig ko na inasar niya pa si Liam na ituloy na daw namin 'yong naudlot. Naku! Hanggang ngayon ay pilyo parin siya. Pero in the same time I miss him.

Ng aalis na ito ay tinapunan niya ako ng tingin.

"Ma'am alis na po ako." Sabay kaway sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan si  Jonass.

"I'm not his Girlfriend, if 'yon ang iniisip mo. I'm Hadassah Villamor his Boss." pagtataray ko sabay lahad ng kamay ko.

"Ganon po ba Ma'am. Sorry po." yuko nito sabay tanggap ng kamay ko.

"Sige po. Ma'am mauna na ako." paalam niya.

Mabuti narin 'yong sinungitan ko siya ng unti. Baka makilala niya pa ako. Mahirap na.

Pagkatapos niyang umalis ay aalis na rin sana ako ng pigilan niya ako. Niyaya niya akong mag dinner. Nag order na pala ito kanina.

Tumaggi ako pero mapilit siya. Ayaw ko na ng maraming satsat kaya pumayag nalang ako.

Nagpunta kami sa dinning table. Hinila niya ang upuan malapit sa akin at naupo ako.

Dalawang bulalo, one bucket chicken and rice ang inorder niya. Wala akong ganang kumain ng kanin ngayon. Malamig ang panahon kaya ang bulalo nalang ang kinain ko. Mainit init pa ito. Namiss ko tuloy ang Pinas.

Hindi ko nalang inungkat ang nangyari kanina. Awkward parin ang namamayani sa pagitan namin. Binilisan ko nalang ang pagkain para matapos na at makauwi na ako.

"Yong kanina pala. Sorry i didn't meant it." Paghingi niya ng tawad. Damn! Hindi ko na nga inungkat eh.

"Okay lang, ako naman may kasalanan. Kalimutan nalang natin 'yon." I suggest sabay tingin sa kaniya.

Tumango naman ito.

"Excuse me sasagutin ko lang tong tawag."

Mabuti nalang at tumawag sa akin si Auden. Pa flight narin pala siya papunta dito. Para ituloy ang pag-aaral niya. Didiretso daw ito sa Condo ko para makapag usap kami.

Ng matapos kung makipag usap ay nag paalam na akong aalis.

"Hmm, Liam mauna nako." pagpapaalam ko.

"Hatid nalang kita." Aniya.

"No, magpahinga kana lang muna para makapasok kana rin bukas."

Hindi ko namalayan na alas dyes na pala ng gabi.

Malas! Biglang umulan at may kasama pa itong kulog at kidlat.

I'm scared, kidlat is so damn!. Okay lang sa akin kahit umulan 'wag lang kumulog at kumidlat.

May nagawa ba akong masama? Bat ang malas malas ko ngayon.

Napahiyaw ako ng kumulog ng malakas. Agad namang lumapit sa akin si Liam. At niyakap ako.

Nanginginig parin ako. Ng nakalma ko ng ang sarili ko ay kumalas na ako mula sa pagkakayakap niya.

"Salamat."

"Malalim na ang gabi Scarlett, may bakante namang kwarto sa taas, Dito kana lang magpalipas ng gabi delikado na kasi sa daan. Madulas umula pa naman." He recommend.

"Okay lang ba?" Nahihiya kong tanong. Sa totoo lang takot narin akong magmaneho baka makakita pa ako ng multo. Gabi pa naman na. Maaga nalang akong magigising Bukas para makabalik na ako sa Condo at makapasok sa Opisina.

"Yup, ikaw pa?, malakas ka kaya sa akin."

"Talaga lang ha?". Pagbibiro ko.

Inihatid niya ako kung saan ako matutulog ngayong gabi. Napangiti ako dahil maraming libro. Mahilig pa naman ako magbasa. Ng maihatid niya ako ay agad naman itong nagpaalam na matutulog narin.

Inaliw ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga libro. May Wattpad Books din karamihan ay mga story ni Jonaxx at Ventrecanard. Same vibes kami.

Ng mauhaw ako ay bumaba muna ako para uminom.

Tinangal ko muna ang heels ko at nagsout ng sapin sa paa na bigay ni Liam. At nagpalit muna ako ng damit.

Tumaas ang balahibo ko ng pababa ako ay may narinig akong humihikbi.

Nagdadalawang isip ako kung bababa pa ba ako. Sumilip muna ako. Nakabukas pa naman ang ilaw. Nakita ko si Liam na niyakap niya ang litrato na nakaagaw ng atensyon ko kanina.

Umiiyak ito habang yakap yakap ang litrato Bakit? Anong meron?.




The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon