Kabanata 29

104 8 0
                                    

Bumabagabag parin sa akin ang mga kaganapan kanina. Sumunod lang ako kay lolo kung saan niya ako dinala sa isang kwarto. Kung saan kami mag uusap.

“Hadassah, Apo.” pagsisimula niya. “I know, hindi mo gusto ang ang nangyari. And I understand that. Don't worry I'll take care of it. And also Don't blame yourself for what happened.” Ani ni lolo na naka dekwatro habang umiinom ng tea.

Talaga namang mabait ang matandang ito. Kaya hindi ako magtataka na sa kaniyang pangalawang anak na si Apollo napili niyang pagkatiwalaan at hindi ang kaniyang panganay na anak na si Alejandro. Kaya naman ang President ay ako o si Hadassah. At ang pangalawang anak niya ay nasa Vice Presidente lamang. Kaya nga lang ay napapalibutan siya ng mga demenyong tao kaya hindi na ako magtataka. Mga gahaman sa kapangyarihan at kayamanan. tssk!!!

Hindi pa naman gaanong matanda si Lolo Delgado. Mayaman ito kaya hindi mo makikitang nasa late 60’s na siya. Sa kaniya namana ang brown eyed ni Sir. Apollo na namana din ni Auden.

“Thankyou, Lolo” I whispher while hugging him Niyakap naman ako nito pabalik. Namiss ko tuloy si Papa.

Nagpaalam na ako kaagad, Dahil malalim narin ang Gabi. Niyaya ako nitong dito muna magpalipas, Dahil may sarili din akong kwarto dito. Pero tinangihan ko ito. Gaya ng turo ni Hadassah.

Nilibot libot ko muna ang tingin ko. Madaming paintings ang nakasabit pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin nila. I'm not good at describing painting. Mayron din painting ni Monaliza. At ang nakaagaw na pansin sa akin ay ang Family painting nila. Nakaupo si Lolo Delgado at ang kaniyang asawa na si Lola Josephine. Samantalang nakatayo naman sa kabilaan ang dalawang anak nilang lalaki.

“Ay, Butiki” Gulat kong sabi. Pano ba naman ginulat ako ni Auden. Nakabihis na ito pang tulog.

“Ohh, Ate kamusta naman pag uusap niyo ni Lolo.” tanong niya.

“Mabuti naman wala kang dapat ipag alala. Auden” Sabay tapik sa balikat niya.

“Magpahinga kana,papasok kapa sa School bukas.” Sabi ko.

“Hatid lang kita sa labas.” Sabi pa niya.

Habang tinatahak namin ang parking lot kung saan naka park ang kotse ko ay napatingin ako sa langit. Napangiti ako ng makitang bilog na bilog ang buwan at maliwanag na maliwanag. Napangiti tuloy ako ng hindi ko inaasahan. It’s make me calm.

Napatigil ako ng may paparating na sasakyan. Binuksan ng guard ’yong gate bago pa ito bumisina.

Tamad kong tinapunan ng tingin si Auden. “That’s kuya Oliver’s Car.” pagpapakilala niya.

“Okay mauna na ako, Bye Goodnight.” Habang pasakay ako sa sasakyan ko.

Isasarado ko na sana ang pintuan ng sasakyan ng hawakan ito ni Oliver.

“Are you leaving?” He asked. While smiling. Matanda ito ng dalawang taon kay Hadassah. Kulot ang medyo mahaba nitong buhok, manipis na labi at ang kutis nitong mestiso.

“Yeah!” tamad kong sabi.

“Okay, Ingat sa pag uwi.” Sabi ni Oliver Gamit ang kaniyang malalim na boses.

Mabuti nalang at hindi na ako nagtagal wala akong time na makipag usap ngayon. I’m so tired na.

Hindi na ako nag aksaya ng oras. Pinaharurot kona agad ang sasakyan ko. Habang nasa biyahe ako ay nag popop up parin sa utak ko ang boses niya. Ang Creepy.

Maaga akong nagising para makapasok sa work ko. Nagtaka ako kung bakit maaga akong sinalubong ni Liam sa parking lot. Nag alala daw ito sa nangyari kaya hindi na siya makapag antay na malaman kung anong kalagayan ko. Sus pafall.

Siya nalang ang pinag maneho ko, Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Tinawagan ko na rin si Genesis at humingi ng tawad. Ang nakakalungkot lang ay pinag bawalan na siyang lumapit sa akin. Kaya naman hindi matutuloy ang sine namin. Pinadalhan narin siya ng bodyguards para masigurong hindi ako makakalapit sa kaniya. Pinatawad naman agad ako ng kapatid ko. Totoo nga ang sinabi ni Lolo wala akong dapat ipag alala. Sapagkat walang lumabas sa media ang tungkol sa nangyari kahapon. Binayadan niya na daw ’yong mga taong nakasaksi para sa kanilang ikakatahimik. Ganon ka makapangyarihan ang pera.

Nabuhay naman ang mga alitaptap sa tiyan ko ng hawakan ni Liam ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. Nasa daan naman ang kaniyang tingin. Binawi ko naman agad ang kamay ko. Hindi ito pwede.

Nang nakarating na kami sa Mall ay sakto naman na pagdating din ni lolo, Tita Emma, Tito Alejandro at si Oliver.

Nakalimutan kong ngayon pala ang launching ng isang brand soap sa Mall namin. Kaya nandito sila para tunghayan ito.

Kaya pala sinundo narin ako ni Liam. Lumapit naman ako kay Lolo at nagmano ganon din kay tito. May mga Media din kaya kailangan kong maging magalang. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagtaray ni Tita Emma. Tinaguhan ko naman si Oliver.

Nasa harao na kami ng Elevator nakita ko naman sa gilid ko ang pag aalala ni Liam. Sa laki ng Elevator ay kasya ang limang tao.

“Mauna kana Hadassah” inosenteng sabi ni lolo.

“May dadaanan lang po ako saglit lolo. Mauna na po kayo.” Pagdadahilan ko.

Pumunta naman kami ng hagdan ni Liam para doon dumaan. Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Mula sa likuran.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon