Kabanata 16

139 9 0
                                    


Nauna na palang bumalik ng London Si Ms. Thanya para asikasuhin ang Business ni Hadassah na naiwan doon.

Lumipas ang isang linggo ng bumalik pansamantala ang dating lakas ni Hadassah.

Siya narin ang nagturo sakin kung papano paikutin ang kanilang Kompanya sa tulong narin ng nakababatang kapatid niya.

Hindi naging madali ang pag aaral ko rito, inabot din ako ng isang linggo bago ko ito mapag aralan.

Sa London ang pinapaikot na negosyo niya roon ay isang malaking Mall. Maging sa Korea at Thailand.

Excited!!!..Ako dahil ang mga Negosyo ni Hadassah kung saan nakatayo ay mga Bansa na kung saan gustong gusto kong mapuntahan simula pa ng ako'y bata. Kasama sana ang Pamilya ko.

Kaya nga lang hindi ko sila makakasama sa ganitong sitwasyon. Sapagkat alam kong wala na akong makakasama maliban kay Biboy.

Nag hire narin pala ng bagong Doctor si Hadassah na mag aalaga sa kaniya, dahil kasama ko si Liam pabalik ng London kung saan nakatayo ang Main Business nila.

Hindi lang pala Doctor ni Hadassah si  Doc. Liam dahil Secret Doktor ito at Butler din ni Hadassah kaya naman kasama niya ito saan man siya magpunta o pumunta.

Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang pagbabalik ni Hadassah sa kanila.
 

Ang hindi nila alam ay ibang Hadassah na ang makakasama nila.

Sa isang buwan na pag eensayo ko, hindi talaga ito naging madali para sakin.

Marami akong dinanas na paghihirap maging ang kalungkutan.

Masasabi kong hindi pa ito mahirap, dahil nagsisimula palang ako.

Madaling araw palang ay gumayak na ako. Inayos kuna ang mga gamit ko. Isang backpack lang ang dadalhin ko dahil may sariling bahay sila sa London at naroon din ang mga gamit niya na gagamitin ko.

May malaking Mansyon din sila, pero madalang kung umuwi si Hadassah daw doon. Andon kasi amg StepMother niya.

Sa Condo Unit ito naninirahan.

Hindi ko alam kung pano ako magsisimula doon. O kung papaano mamuhay ng mayaman ng may pinapatakbong Negosyo.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapatakbo ito ng maayos upang hindi maging sayang ang effort ni Hadassah at ang kaniyang Ama sa pagtatayo dito.

Sa ganitong sitwasyon. Mayaman na ako at mapupuntahan lahat ng lugar na nais kong puntahan ng walang pag aalinlangan. Mabibili ano man ang naisin ko.

Pero bat ganon parang hindi ako masaya. Sana pagdating ng araw mahanap ko rin ang tunay na saya kahit malayo sa piling ng napakamamahal kong kapatid.

Ng matapos akong maligo ay mariin kong tinitigan ang sarili ko. Marami na ang pagbabago sa katawan ko maging sa kutis na meron ako.

Kung dati ay Morena ako ngayon ay Mestisa na ako. Ang dating hanggang balikat na buhok ko na straight ngayon ay medyo humaba na ito at curly na ngayon.

Pinalagyan din pala ako ni Hadassah ng classic tattoo style or Western traditional tattoo style na isang Roses na nasa pulsuan ko.

Hindi naman pala kagaanong kasakit magpa tatto kaya nga lang ay hassle masyadong matagal ito.

Kung dati ay marami akong moles sa mukha at ang pinaka nakakaagaw pansin dito ay ang malaking nunal sa pisngi ko.

Ngayon ni isa ay wala na, pinatanggal ni Hadassah ito sa tulong ng mga espicialista na kakilala niya.

Kung dati ay wala akong hinaharap at nililikod ngayon ay mas umumbok sila dahil narin sa pag yoyoga ko na turo ni Hadassah.

Kaya naman hindi na ako magtataka kung hindi na ako makikilala ngayon. Malayo na ang dating itsura na meron ako dati.

Ang sakit isipin na ako mismo ang pumatay sa sarili kong pagkakakilalanlan at katauhan.

Kabilin bilinan sakin ni Mama nong nabubuhay pa siya ay wag na wag kong ipapatanggal ito dahil sa kaniya ko daw ito namana tanda na anak niya ako at nagmana sa angking ganda niya.

Pero hindi ko yon natupad kaya naman, sana mapatawad niya ako.

Binilisan ko ng magbihis dahil baka malate pa kami sa flight dahil sakin.

Nag emote pa kasi ako.

Ng matapos ako ay agad na akong lumabas sa kwarto ko.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ito saglit at ginala ang mata ko sa kwarto ko.

Malaking ngiti ang sumalubong sakin paglabas ko.

Nakatayo ang isang lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Sa unang pagkakataon.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon