Kabanata 6

177 12 1
                                    

Lagi na lang akong nakakatanggap ng mensaheng 
"Good morning, Good afternoon, Good evening, Don't skip your meal, keepsafe at iba't-iba pa.

Diko nalang ito pinapansin gusto ko sanang replyan kaso wala akong load, yong pang load ko sana iipunin ko nalang , malapit na kasi Birthday ni Biboy at susurpresahin namin siya ni Papa dahil uuwi din ito.

Tinext ako ni Papa nong nakaraang linggo kaya ang saya saya ko dahil nag text din ito at humigi ito na tawad dahil minsan lang kung makatawag o makapag text samin nakikigamit lang daw ito sa kumpare niya ng telepono dahil nasira na daw yong kanya.

Ang Birthday ni Biboy ay August 14, dalawang linggo mula ngayon kaya napagpasyahan kong mag side line kay Manong Tenong para maglinis ng kubo ng baboy kaya maaga akong gumising ngayon para lumakad na.

Sabado ngayon kaya walang pasok si Biboy maiiwan na lang daw ito para siya na ang maglinis ng bahay.

"Ohh linisin mo itong dalawampung kubo ha? Sabi ni Manong Tenong.

Tumango nalang ako.

Halos mag aalas dose ko na matapos lahat at sa wakas natapos ko narin ito.

Libre din ang tanghalian ko at fried chicken ang ulam. Pero naisip ko si Biboy kaya plinastic ko nalang ito. Yong tiniplang kape nalang ang inulam ko.

Yes!!! Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil medyo malaki binigay sakin 250 pesos kaya!.. Sakto para mabuo ko yong bibilhin kong regalong bola kay Biboy.

Nakita ko non dati si Biboy ng nanonood ng Basketball sa tv, at gusto niya rin daw magkaroon non.

Kaya yon  ang naisipan kong iregalo sa kaniya.

Malapit na ako saming bahay ng nakita kong asa labas si Biboy at tinitignan yong mga batang naglalaro.

"Pwedeng makipaglaro" sabi ni Biboy sabay ngiti.

"Yuck! Why we should play with you, you're so dirty and besides your poor shoo" sabi nong batang babae at tinulak si Biboy.

"Sige maliligo lang ako ha, tapos laro na tayo" Aniya.

"I said no! " pagsusungit nito.

"Please" pagkukumbinsi ni Biboy.

Nakita ko ang lungkot sa mata ng kapatid ko. Pupuntahan ko sana ito pero agad tong pumasok sa loob ng apartment namin at umiiyak.

"Biboy, may surprise si ate! Fried Chicken, diba favorite mo ito?" sabi ko.

"Walang po akong gana " sabi nito at pumasok na sa kwarto. Ngayon ko lang nakita ang katamlayan sa kaniya at parang mas pumuti ito ngayon.

Biboy hayaan ko na yong mga yon kung ayaw nilang makipaglaro sayo. Pwess si Ate Scarlett gusto gusto kang kalaro tara laro tayo ng pitik bulag, nanay tatay o yong paborito mong tagu taguan.

"Ate Scarlett ganon po ba talaga?"
Pag uumpisa niya.

"Pagba mahirap ka bawal kang makipaglaro sa mayaman?, wala po ba tayong karapatan  makipaghalubilo sa kanila" sunod sunod na tanong nito.

Ginulo ko ang buhok nito.

"Alam mo Biboy, hindi natin kasalanan na mahirap tayo? OKAY?" sabi ko.

Ang kasalanan ay pinaganak ka na nga mahirap, mamatay kapang mahirap. Yan ang tumatak sakin na sinabi ni Mama non.

Hayaan mo na sila, pag si Ate nakapagtapos bibili tayo ng maraming bahay at pupunta tayo sa Korea diba gusto mong makita ang Exo?" sabi ko.

"Sino nga ulet bias mo?"

"Si Chen Ate, the way he sing it's like an angel." Aniya.

Abot hanggang tenga ang ngiti nito.

Napatawa nalang ako.

"Paano na nga yong The Eve Biboy." pangloloko ko.

At ayon nga sumayaw siya na oarang binurburan ng asin HAHAHA!

At yumakap ito sa akin.

" I love you talaga ate, salamat sayo" bulong nito habang nakayakap.

Habang tumatagal mas lalo kong napagtatanto na kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral sa abot ng aking makakaya para mabigyan ko ng magandang buhay si Biboy at Papa.

The Playful Fate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon