ng makalapit sila samantha sa amin ay naghintay muna kami ng ilang oras bago mag salita sila samantha
"Kenneth.."sambit ni samantha habang titig na titig kay kenneth
"why?."walang ganang sagot ni kenneth kay samantha
ang titig ni samantha kay kenneth ay kakaiba,tinitignan ko lang silang dalawa habang nasa tabi ni kenneth at hawak ang kanyang kamay
"Kenneth heto na ako oh..bumalik na ako sayo,pwedeng ituloy na natin."sambit ni samantha kay kenneth
"wait.."paghihinto ko sa kanila,nagsi-tinginan naman silang lahat sa akin
"anong itutuloy?."naguguluhang tanong ko kay samantha
tumingin ako kay samantha at saka ako ini-snoban,hobby nya na yata ang pag snob
"yung sa am-."si samantha
"yung sa pictorial namin,nag backout kasi ako nung malaman kong siya ang ka partner ko."pagpuputol na sabi ni kenneth sa sasabihin ni samantha
"eh bakit ka nag back out."pagtatanong ko kay kenneth
"oh come on neth..di mo p-."si samantha
"tara na uwi na tayo..im sure that you're tired."pagpuputol uli ni kenneth sa sinasabi ni samantha
"sige uwi na tayo."tugon ko kay kenneth
"ahh Samantha kung ayaw nyang kapartner ka eh..wag mo ng pilitin."sambit ko kay samantha at nakapamewang lang ito sa akin
saka na kami naglakad papalayo ni kenneth
"i'll do everything basta mabalik ka sa akin."rinig kong sabi ni samantha,pero hindi ko alam kung sino ang pinapatama nya
nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kotse ni kenneth
sumakay na kaming pareho sa kotse at saka na pinaandar ni kenneth papaalis
naging matahimik lang ang pagbabyahe namin hanggang sa makauwi na kami sa bahay ko
nasa tapat na kami ngayon ng inuupahan kong bahay,dahil gabi na rin naman at dahil gusto rin ni kenneth na dito matutulog ay papayagan ko na pwera lang ang magkatabi matulog
"pasok kana."pag aaya ko kay kenneth..
pumasok nga ito sa loob ng bahay ko,saka ko naman na inilock ang pinto ng bahay at saka ako tumingin kay kenneth
"nagugutom ka ba?."tanong ko kay kenneth habang hinuhubad nya ang sapatos nya
"ahhh oo eh."tugon naman ni kenneth sa akin saka ngumiti
"sige wait ka lang at magluluto ako."sambit ko saka pumunta na sa kusina para nga magluto
ng makarating ay saka na ako nag saing at nagluto ng ulam at makalipas ng ilang minuto ay natapos na ako sa pagluluto
inihapag ko na sa lamesa ang pagkain at ng maiayos ko na ang lahat ay saka na ako lumabas ng kusina at pumunta sa sala para tawagin si kenneth at ayain ng kumain
"kenneth tara kain na."pag aaya ko kay kenneth
"okay baby."sagot naman nito sa akin habang nakangiti
saka na kami pumunta sa kusina at ng makarating ay naupo na kami at nagsimula ng kumain
"heto pa ang ulam kenneth."pag aalok ko kay kenneth saka inabot ang plato na may ulam
"call me baby."mabilis na sambit ni kenneth habang nakatitig sa akin pero hindi pa nya kinukuha ang binibigay ko
"nangangawit na ako kenneth."sambit ko kay kenneth
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan