026

163 24 0
                                    

andito na kami ngayon sa tapat ng bahay na inuupahan namin

"salamat sa paghatid,heto rin ang jacket mo."sambit ko saka ko inabot sa kanya ang jacket

"your welcome,sa uulitin ah,kita ulit tayo,masaya akong kasama kita."sambit nya sa akin at ngumiti

"masaya rin akong nakasama kayo."saka rin ako ngumiti

binuksan ko na ang pintuan ng kotse saka na ako lumabas,sumunod naman syang lumabas,saka na ako naglakad papunta sa pwesto nila mark at ally

"oh sa uulitin ah,salamat sa inyo."si mark

"salamat din,ingat sa pagdadrive ah."sambit ko sa kanilang dalawa at tumango naman sila bilang pagtugon

"osya na well go na."si mark at niyakap ang kasintahan nya

"ehem,sige ingat."pagtikhim ko saka naghiwalay na sa pagkakayap yung dalawa at tinignan ko ang katabi ko

"ohhh anong ningingiti-ngiti mo dyan?"saka ko itinaas ang isang kilay ko

"wala lang,ang cute mo kasi."sambit nito sa akin at pinisil ang pisnge ko

"aray,ang sakit."daing ko saka ko hinampas ang braso nya at heto sya tumatawa

"uyy baka kayo ang magkatuluyan nyan."pag bibirong sambit ni ally

nilakihan ko ito ng mata senyas na manahimik sya at si mark naman ay nakangiting nakatingin sa kaya inisnoban ko sya

saka ko tinignan ang katabi ko at heto umiiling iling na naka ngiti

"oh sige na baka langgamin pa tayo rito,alis na kami."si mark

"osige ingat kayong dalawa."si ally

"oo naman."si kenneth

saka na sila sumakay sa kanya kanya nilang kotse at nag busina pa bago umalis at tinanaw naming dalawa ni ally ang dalawang kotse na papaalis,at hanggang sa hindi na namin ito makita

"ang cute nyong tignan ni kenneth ah."sambit ni ally sa akin at umakbay pa

"tsss ewan ko sayo."tugon ko sa kanya at inalis ang pag kakaakbay sa akin at nag paunang pumasok sa loob

"kinikilig ang belly oh."pang tutukso sa akin ni ally saka sumunod at sinundot ang tagiliran ko

"ano kaba hindi no."sambit ko sa kanya saka binuksan ang pinto saka pumasok sa loob

"belly alam na kita,kapag kinikilig ka ay nagsusungit ka o minsan eh nanghahampas."sambit nya saka naupo sa upuan na nasa sala

"hmmm."pagtugon ko sakanya at inilapag sa lamesa ang bag ko at naupo ako tabi

"alam mo yung nagkacrush ka at sa twing lalapitan kanya eh manghahampas ka sakin ng pagkalakas lakas yung tipong matatanggal na braso ko,ang sakit mong kiligin belly."sambit nya saka sya ngumuso sa akin at naka cross arm pa

"sorry na hahaha."sambit ko saka sya niyakap at niyakap rin nya ako at nagtawanan kaming dalawa

"osige na dun nako sa bahay ko ah."pagpapaalam nya saka sya tumayo

"hmm sige sige."tugon ko saka tumango

hinatid ko muna sya hanggang sa pintuan ng inuupahan ko at ng makalabas sya ay isinarado ko na ang pintuan at kinuha ang bag sa lamesa at dumeretso sa kwarto ko

matapos makapasok ay naligo at nagpalit na rin ako ng damit saka naupo sa gilid ng kama at sinusuklayan ang basa kong buhok

*krenggg krenggggg kupepottt krengkupepoytttt

rinig kong pag tunog ng cellphone ko at natawa dahil sa ringtone na isinet ko kay ally,kinuha ko ito at sinagot

"oh napatawag ka?"sambit ko sa kabilang linya

ang lapit lapit nya lang sa akin, kapit bahay lang ba at nagabala pang tumawag nag sayang pa ng load

[belly,mag online ka sa facebook nag post si Kenneth ng i found the girl that i want to be mine hindi kaya...ikaw ang tinutukoy nya?]sambit nya

"ally..hindi ako ang tinutukoy nun,maraming babae ang nakakasama nya at paniguradong sexy,maganda pa sa akin kaya malaman sa malamang ay hindi ako yun"tugo ko sa kabilang linya at patuloy parin sa pagsuklay sa basang buhok ko

[hmm sabagay,osya babye na]saka na nya pinatay ang tawag namin

at matapos ay inopen ko ang internet connection saka naglog in sa fb at tinignan ko nga ang post ni kenneth

hmmm maraming nagcomments kahit 1min palang ang nakalipas at nag scroll scroll lang ako hanggang sa makita ko ang comment ni tiffany na

TIFFANY_
Swerte naman ng girl nayun
100 react | reply 456..

sino naman kaya ang babaeng tinutukoy ni kenneth,tunay ngang maswerte sya,nakikita ko kasi kay kenneth na isa syang masipag,maaalahanin at mapag mahal kaya maswerte ka kung sino ka man,ayoko naman na mag assume na..ako yung tinutukoy nya baka kasi hindi pala ako yun at sa huli masasaktan lang ako diba...

maraming babae ang nakakasama nun panigurado hindi lang kami ni maam tiffany,may mga fans din sya ng maganda pa sa amin ni maam kaya baka isa sa mga fans nya ang tinutukoy nya na gustong mapasakanya

matapos mabasa ang lahat ng nagcomment ay inilog out kona ang account ko at inoff narin ang internet connection saka kona inilapag sa gilid ng kama ang cellphone ko at tinuloy ko ulit ang pag susuklay sa buhok ko,matapos ko magsuklay ay itinabi kona ang hair brush at nahiga na sa kama,natuyo narin naman kasi ang buhok ko

*ringgggggg ringgggg

rinig kong pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa may bandang hita ko at tinignan kung sino ang tumatawag,at number lang ang nakalagay,pero sinagot ko parin ito

"hello sino po ito."sambit ko sa kabilang linya

[hello belly,this is kenneth]sambit nya

"oh kenneth,pano mo nakuha number ko?."pagtatanong ko sa kanya

[ahh kay ally,kanina tinanong ko sa kanya]si kenneth

"ahh,oh bat napatawag ka."sambit ko saka inayos ang pagkakahiga ko

[wala lang gusto kolang marinig boses mo]si kenneth

napangiti ako sa sinabi nya at heto nga at nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan patungkol sa walang kabuluhang bagay bagay at umabot na kami ng magdamag

"inaantok nako kenneth."sambit ko sa kanya sa phone at humikab

[hmm sige matulog kana]si kenneth

"kaw na mag end ng call."sambit ko sa kanya

[no,ikaw dapat,ang pangit tignan na ako ang magpapatay ng phone call,kaya sige na iend muna,goodnight have a sweet dream at mapanaginipan mo sana ako]sambit nya at panigurado ay nakangiti sya

"hmm sige sige,goodnight sweetdreams din,baliw haha."sambit ko sa phone at akmang papatayin ng magsalita pa sya pero diko maintindihan

"may sinasabi ka."pagtatanong ko

[ahhh wala sige na babye matulog kana]sambit nya

"okay,kaw rin matulog kana"sambit ko at inend kona ang phonecall namin at inilagay sa ilalim ng unan ang cellphone ko saka nako nagayos ng pwesto at pinikit ang mata ko

pero bat ganun kahit nakapikit ako ay ayaw akong patulugin,dibat kanina ay inaantok nako bat nawala na ang antok ko..kahit anong pikit at biling ang gawin ko ay hindi ako makatulog at ang laman ng isip ko ay yung kaninang pag kwekwentuhan namin ni kenneth at ano tong tyan ko parang ewan na..parang may paru paro,unang naranasan ko ito sa crush ko na akala ko ako ang crush..nagbibigay motibo kasi yung lalaking yun tapos sasabihin KAIBIGAN LANG ANG TURING KO SAYO...nakakatakot rin palang magconfess no,kailangan mong tanggapin ang sasabihin ng isang tao,masakit man o mabuti...at nawala rin yun nung hindi kona sya naging crush hanggang sa lumaki at magkatrabaho ako at ngayon ang pangalawang pagkakataon na nangyari ulit yun..yung may paruparo ba sa tyan

hinayaan ko nalang at ipinikit ang mga mata ko tong kasing si kenneth eh sabi ko sa isip ko at hindi ko na namalayan hanggang sa nakatulog na pala ako

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon