040

122 16 0
                                    

"hi belly."pagbati nito sa akin

"pwede na yan iho,halika dalhin muna dito,at sabayan mo ng kumain itong anak namin."sambit ni inang

naglakad papalapit sa amin si kenneth habang dala dala ang mga isaw at ng makalapit ay umupo ito sa kaharapang upuan ko at inilapag ang isaw sa lamesa,saka sya kumuha ng kakanin at kumain

"hmmm..the best talaga ang luto mo tita."sambit ni kenneth ng makakain

tinitignan ko lang sya habang kumakain

"oh belly,kain kana."sambit ni kenneth sa akin

"p-pano mo..pano ka??."sambit ko,diko alam ang sasabihin ko

"matagal ko na palang kakilala ang mga magulang mo belly,sila pala ang tumulong sa akin non,sakanila ko kasi kinukuwento lahat ng nangyayari sa akin,saka kung sino naggugustuhan ko,patuloy lang nun ako sa pagkwento patungkol sayo,ng tinanong nila kung anong pangalan ng nagugustuhan ko ay sinabi ko ang pangalan mo at what a destiny,ikaw pala ang anak nila,pinagtagpo tayo ng tadhana."nakangiting pagkukwento nya

"and syempre nililigawan ko na rin mama mo para plus points diba,kaso...no need na daw dahil pasado nako para maging boyfriend mo."sambit nya

pasimple akong napangiti ng makita ko si inang na kinikilig

"anak,mabuting bata yan si kenneth.binibisita kami nyan saka minsan narin kaming tinulungan at saka alam na namin ang pagkatao ni kenneth, kaya wala ng ligaw ligaw pa sa amin.pasado na agad samin ni itang mo."sambit ni inang

"salamat,sa pagtulong mo kay inang at itang ko."nakangiting sambit ko

"walang anuman basta ba ikaw always welcome."nakangiting tugon nya sa akin

ngumiti ako saka na kami kumain ng kumain,matapos kumain ng kakanin ay saka na ako nagtulong  mag-ihaw ng paborito kong isaw sa likuran ng bahay namin

napuno ng tawanan at tuksuan ang usapan namin,hanggang sa matapos na kami mag ihaw at pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa sala at dun kinain ang inihaw na isaw

"ikaw pala ang nasa photo album na tinignan ko nung minsan na dumalaw ako rito."si kenneth saka kinain ang isaw na naka tuhog pa sa stick

"ahhh wait."sambit ko saka binitawan ang stick sa lamesa saka pumunta sa pwesto kung saan ko nilagay yung photo album na ginawa ko

ng makarating ay saka ko ito kinuha saka pinagpag dahil may mga alikabok na..saka na ako pumunta sa sala

"ito ba?."pagtatanong ko kay kenneth saka pinakita ang album

"ahhhh oo yan nga."sambit nya saka ngumiti

umupo na ako sa pwesto ko saka binuklat ang unang pahina ng album,napangiti ako ng maalala kung papaano ko ito ginawa

"hindi ko nga nakita lahat ng page nyan,kasi nga yung kaibigan mo ayaw pahawak yan."sambit ni kenneth saka ko sya nakita na nilapag sa lamesa ang hawak nyang platito

"ahh sabi ko kasi sa kanila bago ako umalis ay huwag nila papakailaman ng mga gamit ko kahit kanino,baka kasi masira."sambit ko saka inayos ang ibang page ng album

"hmmm kaya pala."sambit nya saka sya nakatingin sa album na hawak ko

"gusto mo bang makita?."pagtatanong ko sakanya saka ko iniabot ang album

"oo naman."sambit nyang nakangiti saka nya kinuha ang album

nakangiti nyang tinitignan ang album,minsan ay napapakunot sya sa kanyang binabasa

patuloy ko lang syang tinitignan. hanggang sa matapos nya lahat ang pahina ng album ko

"ang galing mo pala mag design no."sambit ni kenneth saka iniabot sa akin ang album

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon