nagising nako dahil sa malakas na pag alarm ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko,nasilaw pa na muna ako sa screen nito,ng masanay na ang mata ko eh saka kona in-off ang alarm ko
ng makabangon ay nag unat unat na muna ako saka nako naglakad papalabas ng kwarto at dumeretso sa banyo para mag sipilyo,
ng makarating sa banyo ay nag toothbrush at naghilamos na rin ng mukha ng matapos ay pinunasan ko sa maliit na towel na naka sabit sa likuran ng pintuan ng banyo ko saka nako lumabas at dumeretso sa kusina
ng makarating eh nagtimpla na ako ng kape at kumuha ng tinapay sa ref ko at pinalamanan ng peanut butter,saka naupo at nagsimulang kumain
*KRENNGGG KRENNGGGKUPEPOT KRENGGKUPEPOYTTT
rinig kong pagtunog ng cellphone ko na nasa kwarto,kaya tumayo ako sa inuupuan ko at pumasok sa loob ng kwarto
ng makapasok nasa kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama,saka sinagot ang phonecall
"oh hello ally."sambit ko sa kabilang linya
[belly,pwede makipag almusal muna sayo]sambit nito sa akin
"ahh oo naman,sige pumunta kana rito.'sambit ko sa kanya
[yunn,sige sige salamat]sambit nya saka na nya pinatay ang linya
binalik ko ulit sa ibabaw ng kama ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto at pumunta uli sa kusina para ituloy ang na udlot na pag kain
*TOK TOK TOK
hindi pa ako na kakarating sa kusina ay rinig ko na ang pag katok sa pintuan ko kaya,pinuntahan ko ito
"baka si ally na ito."sambit ko saka dali daling naglakad papunta sa pinto,at binuksan ko na ito
"ambilis mo naman al-"sambit ko ng mabuksan ito pero naudlot dahil hindi si ally ang nandun sa labas ng bahay ko
"Good morning belly,may nagpapabigay sayo nito."si aling joan na may dalang isang paper bag
"huh sino po?"pagtanong ko sa kanya
"ahh hindi ko na naitanong eh,basta nadatnan ko sya kanina na palinga linga dun sa labas kaya tinanong ko kung sino ang kailangan nya,at ang sagot nya eh belly santiago raw,pero wala akont alam na belly santiago rin at ang alam ko lang ay beva,at ang sabi nya sa akin mataba raw si belly at kaya ikaw ang nasabi kong hinahanap nya dahil ikaw lang ang mataba rito sa compound natin."nakangiting sambit ni aling joan saka inabot ang paper bag sa akin
"kaw talaga aling joan porke ba mataba eh ako na."naka nguso kong sambit natawa naman ito sa akin
"hahaha pasensya na beva,osige na at may gagawin pa ako."sambit nya sa akin
"osige po,salamat."nakangiting sambit ko sa kanya saka na sya naglakad papaalis
sinarado ko na muna ang pinto saka nako naglakad papunta sa kusina
"sino naman kaya ang nagbigay nito."sambit ko saka ipinatong sa lamesa ang paper bag,humigop pa na muna ako ng kape bago buksan ang paper bag at makita ang laman nito
*TOK TOK TOK
bubuksan ko na sana ang paper bag ng may kumatok uli sa pinto
"Nakabukas na yan."sigaw na sambit ko siguro si ally na yan
"belly..."rinig kong pagtawag ni ally
"nandito ako sa kusina."sigaw na sambit ko
naupo na muna ako at sinisipat sipat ng tingin ang paper bag
"oh ano yan?"tanong ni ally ng makarating sa kusina
"ahhh diko nga alam eh,sabi ni aling joan eh may nagpapabigay raw sa akin."sambit ko sa kanya
"buksan muna belly."sambit nya sa akin saka sya naupo sa kaharapan kong upuan
tumango ako at kinuha ang paper bag saka ko ito binuksan,at nilabas ang laman neto
"wow cheese bread."nakangiting sambit ni ally ng mailapag ko ito sa lamesa
saka ko uli tinignan kung may laman pa ang paper bag at meron ka ito at naka styro kaya nilabas ko na at itinabi sa gilid ang paper bag dahil wala na nga itong laman
"ano naman kaya yang naka styro?"tanong ni ally saka kinuha ang styro saka nya ito binuksan
napalaki ang mata ko ng makita ko ang laman nun,ISAW
"ally paborit moto diba."nangiting sambit ni ally sa akin
"oo hihihi."kinikilig na sambit ko kay ally at inagaw sa kanya ang styro at kumain ng isang tuhog
"hmmm tagal kong di nakakain neto."saka uli kumain ng kumain hanggang sa maubos
"isaw sa umaga,meron ba nun?" si ally
"hmm siguro."sambit ko saka kinagat ang last na isaw na nakatuhog pa sa stick
"kumain kana dyan."sambit ko kay ally at di sya nag atubiling kumain ng cheese bread at nagtimpla narin ng sarili nyang kape
kumain lang kami ng kumain hanggang sa matapos,si ally na ang naghugas ng pinag kainan at ako naman ay pumunta nasa banyo para maligo
ng matapos maligo ay nag ayos narin ako para deretso na sa trabaho katapos,ng matapos makapag bihis ay lumabas nako sa kwarto at pumunta na sa mumunti kong sala at nadatnan ko roon si ally na nag aayos rin
inilapag ko sa upuan ang bag ko at kinuha ang suklay,liptint at nag polbo then charan tapos na ako mag ayos kaya inilagay kona sa bag ang mga ginamit ko
"oh gora na tayo?"si ally
"sige."sambit ko saka binitbit na ang bag ko at ganun rin ang ginawa ni ally
saka na kami lumabas ng bahay at inilock ko ang pintuan at lumakad na kami papalabas
"ate beva,ate ally."kumakaway na sabi ni mika-apo ni aling joan na naka sakay sa tricycle nila
"hello sayo mika,magandang araw po mang tasyo-papa ni mika"tanong ko sa kanya ng makalapit
"magandang araw rin,halina at sumabay nalang kayo samin,at ako na ang maghahatid sa inyo sa terminal."si mang tasyo
"naku wag napo,nakakahiya naman."sambit ko kay mang tasyo saka ngumiti
"sayang ang pera beva,halina at para makarating na kayo sa terminal,baka malate pa kayo sa trabaho nyo ni ally."si mang tasyo
"mapilit talaga kayo mang tasyo,sige na nga."sambit ko sakanya
nasa loob kami ng trike ni mika at sa back ride naman si ally,pinaandar na ni mang tasyo ang kanyang trike at saka na kami umalis
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan