"and you too,alam mo na palang may kinakalkal sya at dumaan kapa sa harapan nya,bakit hindi ikaw ang mag adjust,ikaw yung tumabi diba? (hindi parin binibitawan ni ally ang pagkakahawak sa braso ng babae) at ngayon nabasag ang poundation mo at ibinuhos mo pa sa kanya PLUS ipapabayad mo pa,anong klase yan girl huh?babayaran naman nya diba?bakit kailangan mo pang ibuhos sa kanya?bakit hindi mo rin syang kinausap ng maayos huh?may pa ugly ugly creature kapang nalalaman,bakit ikaw hindi ba?eh mas mukha ka ngang ugly sa kanya?look at yourself girl,you looks like an(tinignan ni ally mula ulo hanggang paa ang babae habang hawak nya ito,at sumingkit ang mata niya habang nakatingin sa babae)parang nananalamin lang naman ako BUT ayokong maging katulad mo."si ally saka sya natawa sa sinabi
"and me too,ayoko ring maging isang katulad mo."sambit ng babae at saka na nya pwersahang inalis ang pagkakahawak ni ally sa braso nya
nakita kong ang nanggagalaiting pagtingin ni ally sa kanya
"kakabadtrip naman nun ha,wait lang pasabunot lang."si ally saka akmang susundan ang babae,ng hawakan ko ang kanyang kamay para pigilan sya
"wag na ally."pagpipigil ko sa kanya
"ano ba,gusto mo bang ginaganyan ganyan ka nila belly?ipagtanggol mo naman ang sarili mo,kung hindi mo kaya ako ang gagawa para sayo."si ally saka akmang lalakad
"wag na ally,hayaan muna."sambit ko at saka hinila papalayo si ally,hindi naman ito nagpabigat pa at sya namang sumunod sa akin,hanggang sa nakarating na kami sa elivator at pumasok
"bakit ayaw mo?ipag ganti kita."si ally habang tinutulungan akong mag linis ng aking mukha buti nalang at walang masyadong tao sa hallway,panigurado kasi ay pagbubuhatan ito ng malaking chismiss
"hindi ko na kailangang maghiganti pa sakanila ally,subalit ipagpapray ko nalang sila sa ating Panginoon ,ang Panginoon na ang bahala sa mga taong nang aapi sa akin."pagpapaliwanag ko kay ally
"bakit ang bait mo parin kahit na sinasaktan kana belly."si ally saka nya ako niyakap
natapos na kami sa paglilinis ng mukha at damit ko,pero sa damit ay may matsa pang natira na poundation,
nakalabas na kami ng elivator at heto naglalakad na papalabas,hinanap ko ang sasakyan ni kenneth ng tuluyan kaming makalabas sa building ni ally,at natanaw ko nga ito sa isang gilid,nakasandal sya at naka cross arm na nakatingin sa amin,kumaway ako at ganun rin ang ginawa nya,naglakad na kaming dalawa ni ally papalapit sa kanya
"natagalan ang paglabas nyo ngayon ah."si kenneth saka nya inayos ang tshirt na nagusot dahil sa pag kaka cross arm nya
"ahh kasi may-."
"kasi may pinagawa pa si sir ramos."pagpuputol ko sa sinasabi ni ally,ayaw ko ng may iba pang maka alam nun
"hmmm talagang yung ramos nayun,pinapagod kayo."sambit ni kenneth
"sige na pasok na kayo sa loob,kakain muna tayo sa labas bago umuwi."saka nya binuksan ang pintuan sa likurang parte at saka na kami pumasok ni ally
nakita namin na umikot si kenneth at binuksan ang pinto sa driver seat saka na sya pumasok at pinaandar ang kotse saka na kami umalis
"saan mo gustong kumain belly?."pagtatanong ni kenneth habang ang paningin ay nasa daanan
"ahh kahit saan nalang."sambit ko saka inayos ang upo
"hmmm kahit saan?kung sa bahay mo nalang kaya at ipagluto mo kami ni ally,right ally."sambit ni kenneth saka tumingin sa mirror na nasa harapan nya at nakita namin syang ngumiti
"oo nga belly,dun nalang."tugon rin ni ally
"well..okay sige."pag tugon ko saka ngumiti
makalipas ng ilang oras na pagbabyahe ay nasa tapat na kami ng bahay na inuupahan ko kaya bumaba na kaming dalawa ni ally at sumunod naman si kenneth sa amin
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan