060

131 13 0
                                    

60

pumasok ang isa sa mga alipin at may dalang pagkain,lumapit ito sa akin at ng makalapit ay saka sya sumandok sa kutsara at isusubo sa akin

"kumain ka daw..kasi hindi muna matitikman ang gantong pagkain sa kabilang buhay."sambit ng lalake saka isinubo sa akin ang pagkain na nasa kutsara

pagkain ba yang dala nya,parang pagkaing baboy ah,samut samot na hindi mo malaman kung anong ulam iyon,
nginuya ko iyon ng malasahan kong maasim asim ay saka ko idinura sa mukha ng lalake

"aba't bastos ka ha!."sigaw nito sa akin saka ako sinampal ng pagkalakas lakas,dumura ako sa sahig at nakita ko ang dugo

"ikaw kaya,subukan mong kainin yan."sambit ko habang nakatingin ng diretso sa mata ng lalake

"baboy ka naman diba kaya bagay sayo itong pagkain na ito."sambit nya saka uli sumandok at akmang isusubo sa akin ang pagkain ngunit biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun ang naka bonet na lalake

kinabahan ako,bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang lalaking nakabonet at may hawak itong pagkain,pagkain sa tao hindi sa hayop

nagkatinginan ang dalawa at saka na umalis ang lalaking may dalang kaning baboy at saka naman lumapit sa akin ang lalaking nakabonet
hindi ito nagsasalita,sumandok ito ng pagkain at saka nya isusubo sa akin

kinain ko naman iyon at masarap sa panlasa ang natikman ko,naiyak nalang ako habang kumakain dahil nga sa sinabi ng lalaki sa akin na baka ngayon ko nalang matitikman ito,tuloy tuloy lang ako sa pag kain hanggang sa maubos ko na ito,pinainom na nya ako ng tubig

"salamat.."nakangiting sambit ko sa lalake..iba ang pakiramdam ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko..nakakatakot ang presenya nya pero may kakaiba sa mga mata nya

umalis na ang lalaki dala ang plato at baso na kanina ay dala nya tinanaw ko lang ang likod nya hanggang sa maka alis sya

antok na antok na ako,ang bigat na rin ng talukap ng mata ko,antok na ako dahil sa pagod at sakit kayat ipinikit ko ang mata ko at saka nirelax ang katawan kahit na nakatayo at nakatali ang kamay ko sa itaas

nagising ako ng may tumatapik sa pisnge ko,at kinakalas ang pagkakatali sa kamay ko,tinignan ko ang taong gumagawa nito

"k-kenneth."sambit ko

"baby itatakas kita dito."si kenneth habang kinakalas ang tali sa kamay ko at ng matanggal ang pagtali sa kamay ko ay saka nya ako inalalay at saka na naglakad papalabas

sumilip si kenneth sa pintuan ng makumpirma nyang walang tao ay saka nya ako sinenyasan at saka na kami sabay naglakad lumabas

andaming bakanteng kwarto sa paligid,yung iba ay wala ng pintuan,mansion..parang mansion ang bahay na ito dahil sa sobrang laki pero luma na at parang iniwan na..magkahawak kami ng kamay ni kenneth habang papaalis sa mansion na ito..sumilip si kenneth sa kwartong nasa gilid namin at ng makumpirmang walang tao ay saka na kami lumakad at ng lumakad hanggang sa mapunta kami sa may hagdanan

sumilip si kenneth sa ibaba at ganun din ang ginawa ko at nakita namin na may naglalakad papaitaas ang alipin kaya't tumakbo kami ni kenneth at nagtago sa malapitang kwarto na walang pinto

"pano mo nalaman na nandito ako?."pagbulong na tanong ko kay kenneth habang nagsisilip sya sa pader

"sasabihin ko mamaya,basta tatakas muna tayo dito."sambit nya sa akin

FLASHBACK

Nandito ako sa condo unit ko at inihahanda ang sarili para sa date namin ng belly ko,at itong araw ko rin napagisipan na mag propose sa kanya,ng mailagay na sa bulsa ang kahon na may lamang singsing ay saka na ako lumabas ng kwarto ko

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon