003

404 58 8
                                    

-003-
"THANK YOU"

Payat naman daw ako nung bata ako sabi ni inang ko, sadyang matakaw lang daw ako sa pagkain kaya heto bondat ang belly nyo, simula pa nung magdalaga ako eh sinimulan na rin nila akong tawagin na....

"Belly the maraming belbel"

"Anong pangalang mo belly bokbok maraming bokbok"

"Ang taba mo belly, bagay sayo ang pangalan mong belly mabelly hahaha"

"Piggy belly piggy oink oink"

"Mukha mo mukhang bokbok."

"Belly wag kang tatalon ah yayanig dahil sa katabaan mo"

kapag kaharap nila ako at sinasabahan ng masasakit na salita hinahayaan ko lang sila at sinasabi sa sarili na magsasawa rin kayo sa pagtatawag sa akin

halos araw araw kapag papasok sa eskwelahan namin noon, bago ako umupo sasabihin sa akin na baka daw mawasak ang upuan at sa tuwing naglalakad ako sasabihin nila bakit daw yumayanig tas titignan nila ako tsaka sasabihing kaya pala may naglalakad na elepante tapos tatawa sila ng malakas yung tipong labas pati ngala-ngala, hindi ko nalang pinapansin at gaya nga ng sinasabi ko mag sasawa rin sila sa pangungutya sa akin.

Kauwi ko sa bahay namin nun, pupuntahan ko si inang at sa kanya aki mag susumbong ng mga panlalait sa akin, sa kanya ko na nilalabas ang sakit na naramdaman ko sa school ng dahil sa pangungutya nila..iiyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kaniya.

"Hayaan mo nalang belly bokbok santiago ko, wag mo nalang silang papatulan ahh ipagdasal mo nalang sila sa ating Panginoon, hayaan mo lang sila at magsasawa rin yan, belly bokbok santiago ko...kahit na ganyan ang pangangatawan mo mabuti naman ang sa kalooban mo."nakangiting tugon ni inang sa akin habang hinahagod ang likod ko para patahanin sa pag-iyak.

Kapag narinig ko ang mga katagang iyon na sinasabi ni inang sa akin eh tatahan nako, patuloy lang rin ako sa pag aaral ko kahit na ganun palagi ang sitwasyon,

kahit na nung mag collage ako ganung panlalait parin ang naririnig ko pero hindi hadlang ang pag bubully sa akin para makapag tapos ako, inaamin ko nasasaktan ako sa mga sinasabi nila hindi lang emotional kundi rin pisikal pero wala...hinayaan ko nalang at pinagdasal,

hanggang sa maging mag kaklase kami ni Ally na pinsan slash best friend ko, sya ang tagapag tanggol ko noon sa mga nang aapi sa'kin kaya malaking pasasalamat ko at dumating sya sa buhay ko.. hehe awieee

"Dito nalang po."rinig kong sigaw ni Ally, ang tining pa naman nang boses nitong babae na ito, at ng huminto ang jeep bumaba na kaming dalawa ni Ally at naglakad na papunta sa building na pinagtatrabauhan namin.

"Canteen muna tayo, nagugutom ako."sambit ko kay ally,

nagutom ako sa paglalakad namin kanina..

"Nakuuu kaya ka tumataba eh, ikaw nalang, una nako sa taas at may papapirma pako kay Sir Ramos, asap daw eh hehe."sambit ni ally sa akin, saka ipinakita ang dala dala nyang folder.

"Ahhh osige sige, sunod nalang ako."sabi ko tsaka na kami nagkahiwalay na pupuntahan ni Ally

Dumeretso nako sa canteen at ng makarating ay tinignan ko ang mga nakaluto na nakalapag sa lamesa sa unahang bahagi ng canteen.

"Ahhh dalawang order ng kanin tsaka itong sinigang tsaka isang shanghai tsaka tubig." isa-isang sambit ko sa ate na nag seserve ng pagkain tumango ito sa akin ng makuha lahat ng inorder ko.

naupo ako malapit sa pintuan, para hindi na ako maglakad pa ng malayo mamaya pag-alis..at saka ko na hinantay ang pag kain na inorder ko, ilang minuto ang nakalipas ay nakita ko na naglalakad ang ate at dala ang pagkain na inorder ko.

"Heto po."sambit nung babaeng nag si-serve at inilapag ang pagkain sa lamesa ko, kinuha ko ang wallet sa bag ko at kumuha ng perang pambayad, kumuha ako ng 140 pesos at binigay sa ate.

"Salamat, heto pala ang bayad ko, keep the change."sambit ko tsaka ngumiti nagpasalamat naman din ang babae sa akin at naglakad na papaalis dala ang trey, nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam saka na isusubo ng may nakita akong nakatayo sa harapan ng lamesa ko, kaya nag angat ako ng tingin dito habang naka steady ang kamay ko na may hawak na kutsara na may lamang kanin at ulam at malapit sa bunganga ko.

"Maraming pera."sambit nito sa akin habang nakangiti

"Ikaw pala Maam Janice, hahaha hindi naman po, sakto lang pang tip lang."sambit ko kay maam Janice, manager sya at ako naman ang secretary nya.

"Upo na ako dito ah."sambit ni maam Janice sa akin tsaka inaayos ang upuang nasa harapan nya.

"Sige lang maam."nakangiting tugon ko at isinubo na ang pagkain ko...

"Ano bayan,wag mo akong tatawaging maam kapag wala tayo sa loob ng office, para na nga kitang kapatid eh."sambit nito sa akin, palaging sinasabi sa akin ni maam janice na wag kong tatawaging maam kapag nasa labas kami ng office, ewan ko rin sa kanya bakit ayaw nya,

sa katagalan ko naring secretary nya eh nagkapalagayan na rin kami ng loob at minsan nga eh inaaya ako ni maam janice na mag shopping at libre daw nya.

Palagi akong tumatanggi nun pero pumupunta sya sa bahay na tinitirhan ko, ang bait ng maam janice ko no, para daw nya kasi akong kapatid nakucutan sya sa akin hahaha kaya yun hehe. im shy ihihi

"Sorry maam janice este janice hehe."sabi ko tsaka ngumiti

"Yan belly, tawagin mokong janice."sambit nito sa akin tsaka nag chika chika habang kumakain..

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon