046

105 17 0
                                    

"Goodnight."malambing na bulong nya sa tenga ko at saka nya ako tinignan at ngumiti

"alis ka nga."saka sya tinulak at napaalis narin sya sa harapan ko at nakita ko ang pasimpleng pagtawa nya

"wala bang goodnight kiss?."si kenneth saka naupo sa gilid ng kama at tinignan ako

"goodnight kiss mo mukha mo."sambit ko saka ko inayos ang sarili ko

"goodnight hug?."sambit uli ni kenneth

"goodnight hug mo mukha mo."

"osige na nga goodnight kiss sabay hug nalang."si kenneth at saka ako tinignan at binigyan ko sya ng walang ganang tingin

"manahimik ka nga."sambit ko saka na pumunta sa kama at naupo sa kabilang gilid nito

"matutulog naba tayo misis ko?,wag na muna mag kwentuhan muna tayo, promise kwentuhan lang."si kenneth saka tumabi sa akin sa pagkakaupo

"ano ba kenneth,hindi kaba kinakalibutan sa sinasabi mo,kasi ako kilabot na kilabot na."sambit ko saka kinuskos ang kabilang braso gamit ang palad ko

"hindi naman kasi gustong gusto ko ang ginagawa ko."si kenneth saka natawa

"ihh matulog kana dun sa kwarto mo."sambit ko saka ako tumayo at pumunta sa pwesto nya at kinuha ang kamay nya at hinila papatayo ngunit hindi ko sya kayang itayo o iguyod man lang

"mapapagod ka lang."si kenneth saka natawa

"dun kana kasi sa kwarto mo  matulog."sambit ko at pilit parin syang tinatayo ngunit ang bigat nya

"aalis ako dito sabihin mo,tumayo napo kayo dyan master."si kenneth at natawa sa kanyang sinabi

"master mo mukha mo..dali na dun kana matutulog na ako."sambit ko saka uli sya hinihila pero ayaw parin nyang tumayo

"heto madali nalang ito,sabihin mo nalang,goodnight mister ko."si kenneth at nakita kong ngumiti sya

"ihhh kenneth,sige na matulog kana dun."sambit ko saka sya hinila papatayo pero ayaw parin nyang tumayo kaya binitiwan ko ang kanyang kamay dahil nangalay narin naman din ako

"bahala ka dyan,dito ako matutulog,tabi tayo,nangyayakap at nangkikiss pa naman ako kapag tulog."si kenneth at nahiga sya sa kama

"ihhh kenneth naman eh."sambit ko saka ngumuso

"sige na sabihin muna yun,aalis na ako."si kenneth at naupo

"aalis kana ah."

"oo,dali."nakangiting tugon nya

"goodnight mister ko."walang ganang sambit ko

"lagyan mo naman ng konting lambing."si kenneth saka inayos ang pag kakaupo at tutok na tutok ang paningin sa akin

"Goodnight mister ko."sambit ko ng may malambing na boses

"ayun,goodnight din sayo misis ko,matulog ka ng mahimbing at kita kits sa panaginip."sambit nya ng nakangiti saka na sya tumayo at naglakad papalabas

tinanaw ko lang ang likod nya na papalakad papalabas hanggang sa masarado na nya ang pinto,nahiga naman na ako sa kama at tumingin sa kisame

"misis ko?,parang ang sarap sa pandinig."sambit ko saka ko na ipinikit ang mga mata ko at natulog

KINABUKASAN

Nakapag almusal na kaming lahat,si tita ako at si kenneth,at kanina ay tumawag sa akin si maam tiffany na all day daw syang wala sa office nya dahil daw may gagawin sya and hindi na muna nya ako pinapasok....at ngayon kasama ko si tita na nililibot ang kanilang bahay este mansyon nila,at wala akong ibang masabi kung hindi lang MAGANDA sobra sobra pa sa Maganda

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon