028

155 18 0
                                    

naunang hinatid sa eskwelahan si mika at katapos ay hinatid na kami mismo ni mang tasyo sa terminal ng mga jeep

ng makahinto sa gilid ng parang waiting shed ay lumabas nako mula sa loob ng tricycle ni mang tasyo at kumuha ng pera sa wallet ko

"mang tasyo oh pambayad namin sayo."sambit ko saka iniabot sa kanya ang pera

"naku wag na,marami ka ng naitulong sa amin,kahit etong paghatid lang ay ang aming kapalit."sambit nya at pagtanggi sa perang iniaabot ko sa kanya

"hindi naman po ako naghihingi ng kapalit,makita ko lang na nakangiti  kayo,ay okay na sa akin,bukal sa loob ko ang tumulong mang tasyo,at masaya ako na nakakatulong ako sa kapwa ko."nakangiting sambit ko sa kanya at pinilit isinik sik ang pera sa mga palad nya

"naku ang bait mo talaga beva,pag palain ka nawa ng Panginoon."sambit nya sa akin ng nakangiti,ningitian ko rin sya bilang pagtugon

"ganyan po talaga ang bff ko."nakangiting sambit ni ally saka inakbayan ako

"hahaha,osige na po alis na po kami."sambit ko saka tumango naman si mang tasyo bilang pagtugon

sumakay na kami ni ally sa jeep at nagbayad narin sa barker buti nalang at hindi si kuyang mapanglait at makalipas ng ilang oras na paghihintay na mapuno ang loob ng jeep ay umarangkada na ito

maluwag at minsan ay may mga konting kabagalan ,mahangin sa labas at kahit umaga palang ay madami na ang taong dumaraan sa gilid ng daanan at malamang ay papasok rin sila sa kani kanilang mga trabaho gaya namin ni ally

nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng jeep,pinapanood ang mga dumaraang mga tao,tinitignan ang mga gusaling nadaraanan namin,at pati narin ang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada

"para!."sambit ko

huminto ang jeep sa gilid ng kalsada at saka na kami bumaba ni ally sa jeep at lumakad na para marating ang SBC building

malayo palang ay kitang kita mo na ang sign na SBC sa building at marami na ring mga tao ang pumapasok roon.

sa gilid ng building ay may kinakabit na tarpulin,kalahati palang ang nasasabit kaya hindi pa masyado maintindihan kung ano ang imahe at nakasulat sa tarpulin na iyon

patuloy lang kami sa paglalakad nitong si ally hanggang sa malapit na kami sa entrance ng SBC,kinuha ko na ang ID sa bag ko saka ito sinuot,ganun rin ang ginawa ni ally saka na kami pumasok

"good morning kuya."bati ko sa manong gaurd

"good morning ma'am."tugon naman nito sa akin saka ngumiti kaya ningitian ko sya ng pabalik

"belly tignan mo yun oh."si ally habang naka turo sa screen

"ahh yung mga models yan diba."sambit ko kay ally

makikita kasi sa screen ang pag flash ng mga images ng mga model ng perfume at ang recent award na napalanunan ng SBC

"tara na at baka may gagawin pa tayo."sambit ni ally sa akin kaya tumango nalang ako saka na kami pumasok sa elivator

rinig na rinig ko ang mga pinagbubulungan ng mga kasabay namin ni ally sa elivator,nasa bandang likod namin sila kaya diko makita kung ano ang mga itsura nila baka kasi may kakilala ako sa kanila

"ang pogi ng male model natin no."

"oo nga kakainlove sya hihihi."

"may girlfriend na kaya yun?"

"sana wala para kami nalang."

"di kayo bagay no ang chaka mo kaya,baka kami ang bagay."

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon