048

101 18 0
                                    

"anong gagawin mo dyan?."pagtatanong nito sa akin ng makaupo ako sa kaharapan nyang upuan

"maglalaro tayo,at price ako sayo at paniguradong magugustuhan mo."sambit ko saka ipinatong sa lamesa ang papel at pentel pen

"anong price naman yun?"pagtatanong ni kenneth sa akin

"magiging girlfriend mo na ako kapag nasabi ko ang salitang isusulat ko."sambit ko sa kanya saka may isinulat sa papel

ano kayang mahirap na salita ang pwede kong ilagay..yung tipong hindi ko masasabi sa kanya?..I LOVE YOU tama yan nga..diko nasasabi yan kahit kanino maliban syempre sa pamilya ko at sinimulan ko itong isulat

"anong word ba iyan?."pagtatanong ni kenneth..at pinakita ang papel kung saan ako nagsulat

"I Love You."sambit nito ng mabasa ang sinulat ko

"oo,kapag nasabi ko yan..magiging girlfriend muna ako,ano game?."sambit ko sa kanya at ibinigay ang papel at ang panulat

"game!."masayang sambit ni kenneth

nagsimula syang magsulat sa papel hanggang sa ipakita nya ito sa akin.."MAHAL KITA" ng matignan ko ito at mabasa ko sa aking isipan ay hindi ako nagsalita..

"ano ito?."pagtatanong ni kenneth sa akin

"papel."tugon ko

"yung hawak ko."si kenneth

"pentel pen tsaka papel."tugon ko sa kanya saka tumawa

"ito."saka itinuro ni kenneth ang salitang MAHAL KITA

"papel nga."sambit ko saka natawa

umuling sya saka uli nagsulat at ng ipakita sa akin ang papel ang nakasulat ay

"ASO?."pagtatanong ko

"anong english nyan."sambit ni kenneth

"tsss edi arf!arf! este Dog."tugon ko

nakita ko itong tumango at nagsulat at ipinakita sa akin

"BAHAY?."

"english nyan"si kenneth

"House."sambit ko

"ano bayan...kindergarden ang peg natin ah."sambit ko ng mainip sa pinapasagot nya

"hmm sige iba naman..hindi ko na sya isusulat pero sasabihin ko ang tagalog at i eenglish mo."sambit nya at nag ayos ng upo

"tsss sige."naiinip na sagot ko sa kanya

"english ng mataas?."si kenneth

"High."sambit ko

"Kaso?."si kenneth

"But."sambit ko

"ihh KASO..yung may pa lawyer lawyer."si kenneth

"ahhh Law."tugon ko

"good,eh yung nakita?."pagtatanong ni kenneth

"Saw,See,Sight,Seen,View,ayan ah madami yan."sambit ko

"yung huling sinabi mo ano yun?."pagtatanong ni kenneth

"View."tugon ko

"natatandaan mo pa yung tatlong words na sinabi mo?."pagtatanong ni kenneth

"ahhh oo."sambit ko saka nag cross arm

"sige sabihin mo ng sunod sunod ngayon."sambit ni kenneth saka sya tumayo at saka pumunta sa pwesto ko at hinawakan ang kamay ko at saka nya ako pinatayo

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon