034

137 14 0
                                    

kumain ka nga kami at namasyal sa parke,nagkwentuhan at nag tawanan sa mga bagay bagay at hanggang sa umabot na kami ng takip silim

"tara na gumagabi narin naman na."sambit ko kay kenneth habang hinihigop ang buko juice at saka kumagat ng isaw

"sige ubusin mo na muna yan."sambit nya sa akin

tumango naman na ako at inubos lahat ng isaw na binili namin at ng matapos ay itinapo na sa basurahan ang paper plate

"wait lang."sambit nya at kumuha ng tissue na naka patong sa taas ng lamesa at nilapit nya ito sa mukha ko at pinunasan nya ang gilid ng labi ko

"may sauce kapa eh."sambit nya ng mapunasan ang bibig ko

"ahh salamat."nahihiyang sambit ko

ang dumi ko yatang kumain huhu

sabay na kami naglakad papunta sa kotse nya at saka na nya ito pinaandar at saka nya ako hinatid sa bahay na inuupahan ko

makalipas ng ilang minutong pagbabyahe ay nakarating na kami sa labas ng bahay na inuupahan ko,bumaba na ako sa kotse nya

"ingat sa pag dadrive,salamat."nakangiting tugon ko habang naka silip sa bintana nya

"sige,salamat rin,hatid kita bukas ah wait nyo ako rito ni ally."sambit nya sa akin habang nakadungaw sa bintana

"naku wag na."tugon ko at pasimpleng tumawa

"basta ihahatid ko kayo,beside wala rin naman na akong gagawin tommorow."nakangiting sambit nito

"kaw bahala."sambit ko saka ngumiti

"sige,alis na ako ah,goodnight."nakangiting sambit nya habang nakalagay ang isang kamay nya sa window ng kotse nya

"goodnight,ingat ka."tugon ko

ngumiti naman ito saka na nya instart ang engine nya at umalis,tinanaw ko ang kotse nyang papalayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw kaya pumasok na ako sa bahay ko

ng makapasok ay saka nako dumeretso sa kwarto kinuha ang twalya at pumunta sa banyo at naligo,makalipas ng ilang oras na pagliligo ay natapos nako at nakabihis narin ng pang tulog

*krenggg krenggkupepot krengg kupepoytt

rinig kong pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko

"hello."sambit ko sa cellphone ko

[belly,pwedeng makitulog muna dyan?]si ally

"natatakot ka na naman."sambit ko saka tumayo at inayos ang unan

[oo eh,di ako maka move on sa pinanuod kong movie]sambit nya at halata sa boses nyang natatakot sya

"tsss alam ng matatakutin eh nanuod pa."sambit ko saka naupo na sa gilid ng kama

[naintriga lang kase]si ally

"osya,punta kana rito."sambit ko saka ko na binaba ang linya ng telepono at inilagay ang cellphone sa itaas ng kama

tumayo nako at naglakad papalabas ng kwarto para hintayin at pagbuksan ng pinto si ally

at heto nga pinagbuksan kona sya ng pinto at saka na sya pumasok sa loob

"belly,may pagkain kabang niluto?."tanong ni ally saka naupo sa upuan sa may sala ko

"ahh wala eh,magluto kana lang ron,kung nagugutom ka."sambit ko sa kanya

"sige sige."sambit nya saka sya tumayo at naglakad papunta sa kwarto ko kaya sinundan ko sya

"belly,nakalimutan kong makichismis sa nangyari nung dinner date nyo ni kenneth,mag kwento ka naman."saka sya naupo sa gilid ng kama ko

kinuwento ko nga sa kanya lahat ng nangyari sa dinner date namin ni kenneth,wala akong pinalampas na kahit katiting na pangyayari sa dinner date na iyon

"ANO!..liligawan ka daw ni kenneth!!?."sambit ni ally sa akin

"oo,ally."sambit ko

"naku belly,payagan muna,ayaw mo ba yun,gwapo na artista pa."kinikilig na sambit ni ally

"ally,ayaw kong madaliin kasi baka nagkakamali lang sya sa nararamdaman nya diba."sambit saka pumunta sa kama kinuha ang cellphone saka nilaro ang talking tom ko at nahiga narin

"belly ang panliligaw ay isang bagay para makilala mong lubusan ang isang tao,dun mo sya makikilatis ng tuluyan,dun mo makikilala ang tunay nyang pagkatao,ganyan ang ginawa ko kay mark my loves."tugon nya

"tsss tatlong araw kalang yata nagpaligaw eh at parang sa text text lang,kaya marami kang load no."sambit ko sakanya saka sya tinignan

"ang harsh naman neto,hoy belly hindi tatlong araw yun no."sambit nya saka tumayo at nagpamewang

"o sige mga ilang araw yun?."pagtatanong ko sakanya at naupo sa kama

"mga~ dalawang buwan at kalahati."sambit saka sya naupo sa gilid ng kama

"hmmm."sambit ko at nahiga ulit sa kama ko

"pero ally tatanungin kita,may nararamdaman ka rin ba kay kenneth,syempre madalas kayong lumabas madalas rin kayong mag kasama."ani nya sa akin saka naupo ulit sa gilid ng kama ko

"sino naman ang hindi mag kakagusto kay kenneth diba,sabi mo nga gwapo na artista pa."tugon ko saka na pinatulog ang talking tom ko at inilagay sa ilalim ng unan ang cp

"so sinasabi mong gusto mo rin sya?."sambit nya at tumayo at tumingin sa akin

"siguro,ewan naguguluhan ako."sambit ko at iniayos ang pagka higa ko

"payagan mo na sya belly,dun mo sya makikilatis,peks man,kung sumuko sya edi waley,kung patuloy parin sya sa panliligaw at handang hintayin ang matamis at nilalanggam mong OO edi havey."nakangiting sambit ni ally

"pero natatakot akong magmahal ally."sambit ko sa kanya

"natatakot kang magmahal?bat ka naman matatakot aber,belly wag kang matakot magmahal parang kagat lang yan ng dinasour."sambit nya saka kumuha ng kumot sa durabox ko

"ihhh ally naman eh,pero natatakot kasi akong masaktan."sambit ko saka tumagilid

"parte sa pagmamahalan ang masaktan belly,hindi lahat ng love ay palaging sweet meron at meron ding tinatamasang sakit at ng dahil sa sakit nayun dun susubukin ang relasyon nyong dalawa,at pagtitibayin ang inyong pagmamahalan,lahat ng relasyon ay dumadaan sa ganyan."si ally saka inilatag ang kumot sa gilid ng kama ko

"salamat sa advice ally."sambit ko ng nakangiti

"kaya wag ka ng matakot ah."sambit nya saka kinuha ang isang unan na nasa gilid ng ulo ko

"at ikaw rin,wag kanang manuod ng nakakatakot ah."tugon ko

"opo boss HAHAH."sabay kaming natawa

"goodnight belly."si ally saka na nahiga

"goodnight ally."sambit ko saka na ako tumayo at pinatay na ang ilaw sa kwarto ko

saka na ako nahiga at ipinikit ang mga mata at mahimbing na natulog

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon