006

327 58 3
                                    

                         -006-
                  "PAGTULONG"

ng makapasok sa kwarto ko ay inilapag na sa gilid ang bag ko tsaka ko chinarge ang cellphone ko at nagpalit ng damit, napatingin ako sa orasan ko at 7:56 pm na natagalan ako ng dahil sa walang masyadong dumadaan na jeep kanina..

Lumabas nako ng kwarto ko at dumeretso sa kusina,

nagugutom na si tummy ko eh kaya magluluto na muna ako,

nag saing at nag adobong manok ako ngayong gabi, sige lang ako sa pagluto hanggang sa matapos

Tok*tok*tok*

Rinig na katok mula sa pintuan ng bahay ko, kaya pinuntahan ko iyon at titignan kung sino, ng buksan iyon ay nakita ko si lola Mira na may hawak na tungkod-Kapit bahay ko rin si lola Mira

"Oh lola Mira, gabing gabi na at nasa labas pa kayo, hali ho kayo rito pasok ho."sambit ko kay lola Mira at inalalayang makapasok sa loob ng bahay at pinaupo sa upuang kahoy na nasa sala ko.

"Ano ho ang atin lola Mira?."pagtatanong ko kay lola Mira at naupo sa tabi nya

"Apo ko belly, kakapalan ko na ang mukha ko ah...may pera ka kaba di yaan? pwede mo ba akong pahiramin?."sambit ni Lola Mira sa akin, dahil siguro sa katandaan ay nguminginig ang kanyang boses at mga kamay neto.

"Ahh opo lola Mira.. meron ho ako magkano ba ang kailangan mo?."pagtatanong ko habang nakatingin kay lola mira

"Ahhh dalawang raan lang apo ko,  pambili ko ng aking gamot, paubos na kasi ang mga pang maintenance ko...hihingi sana ako sa mga anak ko kaso ay baon na sila utang at sakto lang sa pang araw araw nila, kaya sayo nalang ako lalapit apo ko "pagkukwento ni Lola Mira at hinawakan ang kamay ko

"Ahhh sige sige po, wait lang po lola Mira ah.. maupo kana muna po dyan."nakangiting sambit ko at tumayo

saka nako pumunta sa kwarto ko para kunin ang wallet ko, ang perang natitira sa akin ngayon ay 2300,  pambili ko sana ng mga kakailanganin sa bahay ko pero..

hayaan ko nalang yung mga iyon...makakabili rin naman din ako kapag nagsweldo ulit ako, mas kailangan ni lola mira ang tulong ko

matapos ko kuhanin ang pero ay lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan sa sala si lola Mira

"Lola mira heto 300 wag nyo ng bayaran ah... para makabili kayo ng gamot nyo, dinagdagan ko na ng 100 para madami kang mabiling gamot." sambit ko saka inabot ang pera sa kanya at ni-ngitian ko sya.

"Nakuuu maraming salamat apo ko, pag palain ka nawa ng may kapal, dahil sa kabutihan ng iyong puso."sambit ni lola mira na parang naiiyak na

"Walang anuman lola Mira, basta kung may kailangan po kayo ay wag kang mag-atubiling sabihin sa akin ha, tutulungan po kita sa abot ng makakaya ko."nakangiting sambit ko sa kanya habang hawak ang kamay nya.

Patuloy parin ito sa pag sasalamat, ang sarap sa feeling na nakakatulong ka sa kapwa mong nangangailangan ng tulong mo, hindi tuloy mapantayan ang sayang nagawa ko ng dahil dun,

tsaka napag desisyonang umuwi ni lola Mira at baka hinahanap daw sya ng alaga nyang apo, silang dalawa nalang kasi ang magkasama, ang ina ng apo ni lola Mira ay nasa probinsya nila at yung mga ibang anak ni Lola Mira ay nasa kabilang baryo

Ng maihatid ko sa pintuan si lola mira ay tinanaw ko na muna ito hanggang sa makapasok sya sa tahanan nya,

natatanaw lang rin naman ang bahay nya mula sa bahay ko, ng tuluyan ng naisarado ang pintuan ni lola mira ay sinarado ko na rin ang pintuan ko, tsaka nako dumeretso sa kusina para kumain na,

nag rereklamo na kasi ang tummy ko eh lakas na ng tunog hehe

Tsaka nako nag sandok ng kanin at ulam, at nagsimula ng kumain ng kumain ng kumain, hanggang sa matapos ako, katapos nun ay inuhugasan kona ang mga maruruming kasangkapan na ginamit ko at inilagay na sa mga trey, tsaka nako lumabas ng kusina

naglakad na ako sa kwarto ko para kunin ang twalya ko at nagpagdesisyonang maligo, nang makuha ko ang twalya ko ay pumasok na ako sa banyo at nagsimula ng maligo.

nang matapos maligo ay pumasok nako sa kwarto ko at dun pinupunasan ang basang buhok ko para agad itong matuyo, matapos ko mapunasan ay tumapat naman ako sa electric fan tsaka binunot ang cp ko at inopen ang internet connection at nag online sa facebook.

Scroll down, scroll up ang ginawa ko sa facebook ko,

wala naman kasi akong kachat no,
at walang namang sigurong tao na gustong makachat ang gantong itsura diba?

Scroll parin ako ng scroll ng mga post ng mga friend ko at may 1 notification ako, kaya tinignan ko ito

Kenneth Manloe is sending you a friend request

Kenneth???sounds familiar,mmm?

at oo nga pala Kenneth yung lalake na nagtatanong at nangungulit sa akin kanina, at aksidenteng nasabi ang pangalan ko sa kanya

dahil sa kadaldalan ng aking bunganga

at ang lakas ng pandinig nya at talas ng isipan para marinig at makibisado agad ang pangalan ko

Inaccept friend request ko nalang para dumami naman ang mga friend ko

kahit na na- aalibadbaran ako sa kanya kanina

at nag tingin tingin nalang ako ng mga post ng mga friend ko ng may nag pop na 1 sa message ko kaya  pinindot ko ito.

Hi belly:)
Seen 9:30 pm

Si kenneth ang nag message sa akin,Hinayaan ko nalang ulit iyon at nag tingin tingin ng post sa facebook at nag pop up ulit yung messenger


Kenneth Manloe
•active now

Hi belly:)
Seen 9:30 pm

Ayyy sineen lang..ang sakit naman
Seen 9:31 pm

Ano na naman bang kailangan mo ah?
Sent 9:31 pm

Ang puso ko..ninakaw mo kasi eh:(
Seen 9:31 pm

👍
Sent 9:31 pm

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon