"kase..kanina si Samantha niyakap nya si Kenneth..akala ko friendly yakap lang yun.."sambit ko saka ako napayuko
"hanggang sa marinig ko kanina na mag-Ex pala sila."malungkot na sambit ko kay maam tiffany
"hmm si Samantha.."sambit ni maam tiffany at saka na sya tumingin sa labas ng building
"bakit? anong meron kay samantha?."pagtatanong ko kay maam tiffany
"hmmm belly-."si maam tiffany ng biglang may nagsalita
"andyan ka pala belly,tara na."pagsisingit ni kenneth na nasa likuran ko
"wait lang,Maam Tiffany anong meron kay-."sambit ko ng agad magsalita si maam tiffany
"Wala...Wala man hehe."si maam tiffany at saka ngumiti sa akin
"tipany..musta?."si kenneth
"oks lang..kaw kenneth."si maam tiffany at saka tumingin ito sa akin at saka tumingin din kay kenneth
"tskk oo."mabilis na sagot ni kenneth kay maam tiffany na dahilan kaya kumunot ang noo ko
"osige na alis na tayo."pag aaya ni maam tiffany
tumango kamong dalawa ni kenneth bilang tugon sa sinabi ni maam tiffany at sabay kaming naglakad papalabas ng building
ng makarating na kami sa labas ng building ay nagkanya kanya na kaming direksyon ng pupuntahan
si maam tiffany sa parking lot at kaming dalawa naman ni kenneth ay sa bandang gilid lang ng building
ng makarating na kaming dalawa ni kenneth sa kotse nya ay saka na kami pumasok sa loob nito at pinaandar na papaalis
naging matahimik lang ang pagbyahe namin..nakatanaw lang ako sa bintana at tinitignan ang daan na tinatahak namin..
hanggang sa makarating kami sa parke..ng makapag park na ng kotse ay saka na pinatay ni kenneth ang makina at sumandal sa sandalan ng upuan..tinignan ko lang ito
"belly..may sasabihin ako ah."sambit ni kenneth habang ang paningin ay nasa daan
"hmm sige ano yun?."tugon ko habang ang paningin ko ay nakay kenneth
"belly..sorry kanina,hindi ko alam na gagawin ni Samantha sa akin yun.."malungkot na sambit ni kenneth sa akin
"ano ba kayo ni Samantha?."pagtatanong ko..
Oo narinig ko na mag ex sila nung nasa elivator kami..pero gusto ko manggaling mismo sa bibig ni kenneth
"si Samantha at Ako ay mag Ex."sambit nya sa akin saka tumingin sa labas
"hmmm."sambit ko saka tumingin din sa labas
"matagal na kaming wala,oo nagkakausap kami..gusto nya na makipagbalikan ako sa kanya."sambit ni kenneth
humarap ako sa kanya
"pero ang sabi ko ay ayaw ko."si kenneth saka tumingin sa akin
"kasi may iba na ako..ibang mahal ko,at ayaw kong masaktan ang taong to."si kenneth saka ngumiti sa akin
"kaya nagulat din ako nung yakapin nya ako ng ganun kanina,hindi ako kaagad nakapag react..sorry belly."malungkot na sambit nito sa akin
"ayos lang yun kenneth..ayos lang~." tugon ko kay kenneth saka ngumiti
pero masakit...mas sumakit ng malaman kong mag Ex sila,tapos ganun pa ang nangyari
"alam ko na hindi ayos yun sayo..pero belly i promise na hindi na mauulit ang ganun pangyayari..iiwasan ko sya,iiwasan ko~."si kenneth at nag promise sign pa sya
ngumiti nalang ako sa kanya at ganun din ang ginawa ni kenneth..
saka na ini-start ni kenneth ang engine ng kotse nya at saka na nya ito pinaandar,patuloy lang kami sa pagbabyahe..
hindi ko alam kung saan kami patungo,nakatanaw lang ako sa bintana ng kotse at tinitignan ang daang tinatahak naminhanggang sa mapunta kami sa isang malawak na espasyo ng lupa..naunang lumabas ng kotse si kenneth,nakita ko itong umikot at pumunta sa aking banda..pinagbuksan nya na ako ng pinto ng kotse nya
"salamat."nakangiting sambit ko kay kenneth ng makalabas na ng kotse
tinanaw ko ang paligid at makikita mo na may mangilan-ngilang puno ng santol,mangga at rambutan..at madamong lupa..malawak..presko ang paligid;walang ka bahay bahay na naririto
tinignan ko si kenneth at nasandal ito sa harapan ng kotse nya at naka cross arm at saka nakapikit,nakita ko rin ang paghinga nya ng malalim
"dito ako pumupunta kapag stress at pagod na ako."pagkukwento ni kenneth at saka tinignan ang paligid at ganun din ang ginawa ko
"maaliwalas,presko..masarap sa pakiramdam ang preskong hangin dito..kaya nawawala ang stress at pagod ko kapag nandito ako."pagkukwento ni kenneth sa akin at saka sya naglakad at pumunta sa kinatatayuan ko
"tama ka nakakawala nga ng pagod ang makita ang ganitong klaseng kapaligiran."nakangiting sambit ko kay kenneth
"belly.."sambit ni kenneth saka nya ako niyakap
"hmm?."tugon ko kay kenneth
"wag ka sanang magtampo o magalit sa nangyari kanina ah.."sambit ni kenneth habang nakayakap parin sa akin
"nagsinungaling ako noong sinabi kong hindi ako nasaktan..ahh kenneth sino bang hindi masasaktan doon diba?boyfriend ko tapos niyakap siya ng EX nya at wala mang ginawa itong si boyfriend ko..Oo hindi ka nakapag react dahil nagulat ka,as what you've said,pero kasi..."diko na natuloy ang sinasabi ko ng yakapin nya ako ng mahigpit at ngayon ang ulo ko ay nasa chest nya na
"sorry bby..."rinig kong sambit ni kenneth
pumikit nalang ako saka na dinama ang yakap sa akin ni kenneth
"sorry dahil-arghh sorry bby."si kenneth
"apology accepted."sambit ko kay kenneth at saka ako tumingin sa mga mata nya at ngumiti
"hmmmm I love you bby."nakangiting sambit ni kenneth habang magkayakap kami
"I love you too."tugon ko kay kenneth saka ko rin sya niyakap ng mahigpit pa sa mahigpit
"aghhh aray,sobra naman nun bby."pag daing ni kenneth
"HAHAHA."pagtawa ko saka na kumawala sa pagkakayakap naming dalawa at tumingin sa paligid
"come..dun tayo."pag aaya ni kenneth sa akin
"saan?."pagtatanong ko kay kenneth
"dun..sa ilalim ng puno ng mangga dun."pagtuturo ni kenneth sa di kalayuang parte
"sige tara."tugon ko kay kenneth saka na kami naglakad patungo sa puno ng mangga na sinasabi ni kenneth
ng makarating na kami sa puno ng mangga ay saka kami naupo ni kenneth sa ilalim nun
"hayyy ang presko..ang sarap ng hangin."sambit ko ng maramdaman ko sa mukha ko ang pagdampi ng ihip ng hangin at saka ako napapikit at nilanghap ang sariwang hangin
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan