"ayieee ate beva,ang haba ng hair mo,ang pogi ni kuya..."si mika saka nakita ko ang pagkunot nya,dahil siguro hindi nya pa alam ang pangalan ng lalakeng kasama ko
"kenneth.."pagtutuloy ni kenneth
"ni kuya kenneth,pero ate beva,papayat ka naman ang taba-taba mo."si mika saka tinusok tusok ang tyan ko
"ahhh,sige kapag trip kona magpapayat."sambit ko kay mika saka kinurot ang pisnge nya
"aray."pagdaing ni mika saka napanguso
"hahaha ang cute mo."si kenneth
"hihihi..sige na po baka kasi hinahanap na ako ni papa at lola."pagpapaalam ni mika sa aminh dalawa ni kenneth
"sige..ingat."sambit ko sa kanya
"kayo rin po."nakangiting pagtugon ni mika sa amin saka na lumakad papaalis
tinanaw lang namin ang bata,patalon talon syang naglalakad at naririnig ang pagkanta nito
"ano tara na,baka malate kapa."si kenneth
"hmmm sige."sambit ko sa kanya
saka na kami sabay naglakad papunta sa kotse nya,ng makarating ay pinagbuksan nya ako ng pinto,saka na ako pumasok at binigay ang bag sa akin,kinuha ko naman ito saka inilagay sa kandungan ko,nakita ko sya na umikot at saka na sya pumasok at pinaandar ang kotse at umalis
"kaw ba wala kang trabaho?."pagtatanong ko sa kanya habang nagbabyahe
"ahhh wala pa naman,tatawagan naman rin ako ni molly if may event na pupuntahan or may gustong kuhanin ako bilang model."tugon nito sa akin
"hmmm."pagtugon ko
ilang minuto ang nakalipas ay nasa tapat na kami mismo ng SBC building,pero hindi pa ako bumababa sa kotse nya
"salamat..dika ba papasok sa loob?."pagtatanong ko sa kanya at inayos ang bag ko
"ahhh hindi na."sambit nito sa akin
"sige..ingat sa pagdadrive ah."
"sige..wag magpapakapagod sa work ha."nakangiting sambit nito sa akin
"hmmm."sambit ko saka ngumiti
binuksan kona ang pintuan saka na ako lumabas,kumaway pa ako bilang pagpapaalam sa kanya,saka tinanaw ko ang pag alis nya hanggang sa hindi ko na ito makita
narinig ko na may nag ii-slow clap sa likod ko kaya liningunan ko ito
"best sweetness couple in the world."si ally
"best sweetness couple ka dyan,bat nandyan ka sa labas ha?."pagtatanong ko sa kanya
"inaabangan ka."sambit nito saka ako inakbayan
"hmmm."
"tara na sabay na tayong pumasok."sambit nya saka na nya hinawakan ang kamay ko at hinila papasok sa building
ng makapasok ay nagsipuntahan na kami sa office ng manager namin at nagsimula ng magtrabaho
naging mabilis lang ang paglipas ng oras at heto tapos na ang working hour namin at uwian na
papalakad na kaming dalawa ni maam janice papalabas ng building
"good job sa ating dalawa belly."si maam tiffany saka kami nag high five matapos makalabas sa building
"tara kain muna tayo sa isaw-an?."pag aaya sa akin ni maam tiffany
"ayun ang gusto ko."sambit ko sakanya saka sabay kami nagtawanan at naglakad papunta sa may nag ba-barbeque
ng makarating kami sa may nag iihawan ay saka na kami kumuha ng ilang tuhog ng isaw,hotdog,at dugo saka na ito nilagay sa pag ihawan
binayaran na namin ito saka hinayaang ang nagtitinda na lutuin ito,naghintay kami ng ilang oras,at ng maluto ito ay saka na namin ito kinain,nagkwekwentuhan rin kami habang kumakain,hanggang sa maubos na namin ang mga binili naming BBQ
"hayy..ang sarap."sambit ko saka uminom ng buko juice
"tama ka dyan,bukas ule BBQ ulit tayo ah."si maam tiffany
"sige ba."sambit ko saka ko na inubos ang buko juice
"ano tara na,uwi na tayo."pag aaya ni maam tiffany
"sige."tugon ko na itinapon sa basurahan ang plastic cup
"hatid na kita."pagpepresinta ni maam tiffany sa akin
"ahhhh hindi na,saka ayun oh may jeep narin naman na."sambit ko ng may makita akong jeep na paparating
"hmmm sige,ano lakad na ako ah."si maam tiffany
"sige,ingat."tugon ko
"kaw rin."sambit nya saka ngumiti,ningitian ko rin naman sya pabalik
hinantay ko na ang papalapit na jeep,ng makita kong malapit na ay saka ko ito pinara at ng huminto ito ay saka na ako pumasok sa loob nito
ng makaupo ay kumuha na ako ng barya sa wallet ko at ipinaabot ang bayad sa katabi ko at ng maiaabot na ito ay ibinalik ko na uli sa bag ang wallet ko
ilang minutong pagbabyahe ay nasa terminal na ako ng jeep,bumaba na ako sa jeep.ng makababa ay saka na ako nag tawag trike
ng may lumapit ng nag tatrike sa harapan ko ay saka na ako pumasok sa loob at sinabi ang street ng inuupahang bahay ko at saka na pinaandar ni kuya driver ang trike nya at umalis
"heto po ang bayad ko."sambit ko at iniabot ang bayad ko sa kanya
kinuha naman ni kuya ang pera at saka na sya umalis,ako naman ay naglakad na papunta sa bahay ko
ng makarating ako sa mismong harapan ng pinto ko ay nagtaka ako kung bakit naka bukas ang ilaw sa sala,baka nakalimutan ko na naman naipatay kanina kinuha ko na ang susi sa bag ko at binuksan ang lock nito
ng mabuksan kona ang pinto ng bahay ko ay tumambad sa akin ang mga pulang lobo na naka kalat sa sahig at mga papel na tila lumulutang,ng tignan ko ang kisame ng bahay ko ay may lobo rin ito at may pulang ribbon,para silang nakalipad sa dingding,may mga picture rin akong nakita,lumapit ako para makita ng malinaw ang picture na iyon
picture ng natutulog ako na naka nganga,saka ko uli tinignan ang iba at puro mga stolen shot ang mga kuha,minsan rin akong natawa sa itsura ko
saka ko naman tinignan ang mga papel na nakasabit sulat kamay ito ah at saka ko ito binasa
"Belly para kang tindahan ng sigarilyo."
bakit?saka ko hinanap ang kasunod na sentence,saka ko inikot ang papel na hawak ko at nakita kong may nakasulat don kaya binasa ko ito
You gave me "HOPE" and "MORE."
saka ako napakunot.dahil diko gets sorry na slow lang
saka ko naman tinignan ang isa pang nakasabit na papel at binasa
"Dimo pa nga ako binabato..tinamaan na ako sayo."
pati na yata ako eh tinatamaan narin sayo ahihi
saka ko uli tinignan ang ibang papel at binasa
"Okay lang akong mahilo,basta ang gusto ko,sayo lang iikot ang mundo ko."
hmmm saka ako napangiti
at nagbasa basa pa ng mga ilang papel na nakasabit at hanggang sa isa nalang ang papel na natitira at kakaiba ang kulay nya kinuha ko ito at binasa
"Great person,ikaw yan."
yup sabi din ng iba sa akin"Great friend,ikaw rin yan."
trukss si ally at si tiffany ang mga ibendensya"Great heart,sayo parin yan."
hmmmm:)"Great taste,sobra kana..KAPE na yan."
napataas ang gilid ng labi ko ng mabasa ang huli
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan