047

103 14 0
                                    

Alam mo ba na hindi kita magugustuhan kung pangit ang ugali mo

ang gwapo nyang tignan,ang mga hibla ng buhok nya ay nililipad ng hangin,parang nag slow mo ang bawat pag galaw nya

kaya sinta sana ay wag kanang magtaka kung napa-ibig sayo,
ikaw ay anghel na napadpad sa impyerno

saka sya tumitig sa akin,nakangiti at parang kumikislap kislap ang kaniyang mga mata..

ako ang demonyong gagabay sa iyo
pabalik sa langit,habang tayo ay paakyat
ako'y napa ibig sayo

saka sya huminto sa pagkanta at tutok ang paningin sa akin habang nakangiti

"ang ganda ng boses mo."nakangiting sambit ko

"balewala ang ganda ng boses ko.. sa magandang dilag na kaharap ko."nakangiting tugon nito at inaayos ang hibla ng buhok kong nilipad ng hangin..inilagay nya ito sa likod ng tenga ko

"heh..manahimik ka nga."sambit ko saka tumawa

"oh bat ka tumatawa?,may nakakatawa ba sa sinabi ko?"pagtatanong nito at binitawan nya sa gilid nya ang gitarang hawak nya

"ahhh kasi sabi mo maganda ako,tsss ang pangit ko kaya..wag ka ng magbiro."sambit ko saka tumawa ulit

bigla akong napatigil sa pagtawa ng hawakan nya ang kamay ko

"hindi ka pangit belly..ang ganda mo kaya..ang ganda ganda mo.."si kenneth habang hawak hawak ang kamay ko at nakangiti

"osya sige na maganda na haha."sambit ko saka binawi ang pagkakahawak ng kamay namin

"ahhh ma'am..sir..pinapatawag na po kayo ni ma'am margarita..kakain na daw kayo."sambit ng ate na nasa likuran ko

"sige susunod na kami."tugon ni kenneth

saka na kami tumayo at iniwan ang gitara at basket..inihubad ko na rin ang flower crown saka inilapag sa sahig at saka na kami naglakad pabalik sa mansyon

ng makarating na sa loob ng mansyon ay saka na kami dumeretso sa kusina nila..saka na kami kumain

makalipas ng ilang oras na kainan at pagkwekwentuhan ay natapos narin kami at ngayon ay nasa sala kaming dalawa ni kenneth dahil ang mama nya ay magluluto raw ng pangmeryenda mamaya

"baka mag alala si ally sa akin,uwi na ako kenneth."sambit ko kay kenneth na katabi ko sa sofa

"alam na ni ally na nandirito ka."sambit nya saka umayos na pagkakaupo nya

"hmmm ganun ba..."sambit ko saka isinandal ang likod sa sofa

"tara ililibot kita sa mansyon natin este namin."si kenneth saka nya kinuha ang kamay ko at pinatayo

"eh nalibot na namin.."

"lilibot uli tayo."nakangiting tugon nito sa akin saka na kami sabay kaming naglakad

nilibot nga namin ULIT ang loob mansyon nila..hindi nakakasawang pagmasdan ang bawat parte.. at bawat sulok ng bahay nila..nasa likurang bahagi ko si kenneth at sinasabi ni nya ang bawat parte ng napupuntahan namin..kung yun ba ay kwarto o silid para sa ganto..ganyan..hanggang sa mapunta kami sa labas ng isang silid

"eh ito ano-?."pagtatanong ko pero napatigil ako ng hindi ko sya makita sa likuran ko

tinanaw ko ang dinaanan namin..wala siya roon..napakalawak ng mansyon baka malili lang ako kung babalik ako papunta sa sala

"bahala na nga..babalikan rin nya siguro ako rito."sambit ko sa sarili ko saka tumingin sa pintuan

"hindi naman siguro masama kung titignan ko ang loob nitong kwartong ito no,at hindi rin naman ako magnanakaw kaya sige titignan ko na."sambit ko sa sarili ko saka pinihit ang door knob at saka pumasok

ng makapasok namangha ako sa nakikita ko..as in mapapa WOW ka dahil ang ganda

may mga ibat ibang kulay na ilaw ang nagkikislapan..nilibot ko ang loob ng silid at may nakita akong isang box na nakapatong sa lamesa kaya lumapit ako doon..ng makalapit ay naupo ako sa upuan at kinandong ang box..saka binasa ang nakasulat sa itaas nito

"please..open me:)."sambit ko ng mabasa ang nakasulat sa box..kaya binuksan ko ito

at nakita ko ang kulay pulang papel na nakalagay dun sa loob..saka ko kinuha iyon at binuksan saka binasa

Youre in my mind Now And always..Everytime i think about you,I smile..Whenever we are together,I have the best of times..
You are my World,Gravity pull me towards to you..

diko rin mapigilan na hindi ka maisip..yung mga kasweetan na ginagawa mo sa akin naku.nakakametey se keleg...at pati rin ito anu ba yan napakaromantiko mo naman pala....baka nga hindi na ako makatulog mamaya..masaya rin ako sa tuwing kasama ka kenneth

Set a place for me in your heart and not in your mind..the mind easily forgets but the heart always remembers..Let these words not only touch your eyes,Let them travel through in your soul,and let them rest in your heart as you rest in mine
-Your Master kenneth♡

kahit hindi mo isulat o sabihin yang mga katagang yan ay parang pumapasok kana sa puso at pati na rin sa isipan ko..sana lang hindi mo ako sasaktan..nahuhulog na yata ako sayo

saka ko tinignan ang laman pa ng kahon at nakita ko ang mini teddy bear na maliit at saka ko ito kinuha

"ang cute naman neto."sambit ko ng makuha ang teddy bear saka sinipat sipat ang bawat parte ng silid at napapangiti sa mga nakikita

hanggang sa makita kong mag bukas ang pintuan kaya napatayo ako at inayos ang sarili..
nakita ko si kenneth na naglalakad papunta sa akin

at biglang may tumunog na music at parang pamilyar ito...yung kinanta kanina ni kenneth!!

nakangiti syang lumalakad papunta sa akin,hanggang sa makalapit

"may i have you a dance?."pagtatanong nya sa akin saka inilahad ang kamay nya

"hmm yeah sure."sambit ko saka inilahad din ang kamay ko sa kanya at iginiya ako sa malawak na parte ng silid

ng makarating dun sa may malawak na parte ay saka ipinatong ni kenneth ang dalawang kamay ko sa leeg nya at ang kanyang kamay naman ay sa bewang ko

"kenneth..walang dumaan na araw na hindi moko isinu-sopresa..salamat sa mga ito."nakangiting sambit ko sa kanya habang sumasayaw kaming dalawa

"gusto ko kasing maranasan ng mahal ko kung papaano magmahal ang isang famous male model."tugon ni kenneth sa akin

"btw andaming babaeng humahanga sayo..magaganda,sexy,at famous kesa sa akin.. bakit hindi sila ang nagustuhan mo?."pagtatanong ko sa kanya

"hmm ewan basta ang alam ko lang ngayon..ang nagugustuhan kong tao ay nasa harapan ko na kaso may isa pa akong hiling na gustong gusto kong matupad."sambit nya saka ngumiti

"hmmm ano naman yun?."pagtatanong ko

"ang mapa saakin ka ng tuluyan."sambit nya sa akin

nagugustuhan na nga kita kenneth eh..kaso natatakot ako..baka kasi saktan mo lang ako..

"tara dun tayo may gagawin tayo."sambit ko kay kenneth saka na kami huminto sa pag sasayaw at iginiya siya sa lamesa

"ano naman yun?."pagtatanong nito ng makaupo sya upuan

"wait lang,may hahanapin lang ako."sambit ko saka umalis at naghanap ng papel at panulat at sakto may nakita akong pentel pen sa isang drawer at saka na pumunta sa pwesto nya

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon