056

122 17 0
                                    

naging mabilis ang pagdaan ng araw at ngayon ang 11th MONTHSARRY namin namin ni kenneth

naghahanda ako ngayon para sopresahin sya dahil palagi nalang kasi sya ang nagsosopresa sa akin..and this is the time that ako na muna..

nag tali tali kami ng ribbons sa mga balloons saka dinikit sa kisame ng kwarto ko..bumili rin ako ng letters balloons na HAPPY 11TH MONTHSARRY BABY at nilagay sa dingding ng kwarto ko..kasama kong nagdedesign si ally at pinupuno namin ng lobo ang sahig ng kwarto ko

"ano bayan bat ang sweet nyo ah."sambit ni ally habang tinatalian ng ribbon ang lobong hawak nya

natawa nalng ako sa sinabi nya at pinagpatuloy ang paglolobo ng lobo at saka binubuhol

"ano nasabi mo naba kay mark yung pinapagawa ko?."pagtatanong ko kay ally

bali magiging kasabwat namin si mark at ally..inaway ko si kenneth kagabi dahil sa dahilan na kung bakit hindi nya ako binisita kahapon at alam ko naman na may trabaho sya noon kaya naiintindihan ko(itz a prank lang naman iyung tamporurot)..ginawa ko lang ang ganun dahil nga gustong kong sopresahin sya at kunwari na diko alam na monthsary namin

then ganto ang plano... si ally itetext si kenneth na kung kasama ba ako ni kenneth..at syempre hindi nya ako kasama kaya sasabihin ni ally kay kenneth na kung pwede ay pumunta si kenneth dito sa bahay ko dahil wala kunwari ako sa loob ng bahay at saka gulo gulo ang laman ng bahay ko then syempre pupunta sya  the rest ay suprise na!!

"oo bes...reading ready na sya..at kasama nga ni mark si kenneth ngayon."sambit ni ally sya nya isinabit sa kisame ang lobo na hawak nya

"good."nakangiting tugon ko kay ally saka na tinuloy ang pagaayos

nabili narin ako ng cake at regalo kay kenneth..tinabi ko na muna sa ref ang cake at ang regalo ko naman ay nakapatong sa drawer ko

nag ayos lang kami ng nag ayos hanggang sa matapos kami sa paglalagay at saka na naupo sa gilid ng kama kama ko at pinagmasdan ang ginawa namin ni ally

"wow!!ang ganda."sambit ni ally habang nililibot niya ang kwarto ko

"gawang bespren ata to."pagmamayabang ko saka inikot ang paningin ko

at oo maganda nga ito..pinatong ko na sa itaas ng kama ang mga regalo ko kay kenneth na binili namin kahapon ni ally at saka naman lumabas si ally ng kwarto para kunin ang cake

"heto na."si ally saka binuksan ang kahon ng cake at pinatong din ito sa itaas ng kama ko

"natapos din.."sambit ko ng malagay na namin ang mga kailangang ilagay

"ano ready kana?."pagtatanong ni ally sa akin

acctually kinakabahan ako na excited sa mga ginawa ko..

"oo reading ready na."sambit ko saka ako ngumiti

"tawagan ko naba?."si ally

"sige sige..magaayos muna ako ng konti."tugon ko saka na ako nag ayos ng sarili ko..nagkulot ako at nagsuot ng dress at nag light make up rin

lumabas na si ally ng kwarto ko samantalang ako ay nandito sa loob ng kwarto dahil dito ko sya sosorpresahin...kinakabahan na excited ang nararamdaman ko ngayon..nilalamig ang kamay ko at nanginginig..bumuga ako ng malakas na hangin saka shinake ang kamay ko at tinignan ang sopresa ko

"sana magustuhan nya ito."bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang ginawa naming sopresa ni ally

kinuha ko ang cellphone ko na nasa itaas din ng kama at saka tinext si ally kung ano ng nangyari

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon