binitawan ko na ang papel saka inilibot ang paningin at napangiti may kilig din akong naramdaman dahil ngayon ko lang naranasan na magsurprise sa akin ng ganto,saka na ako naglakad papunta sa kwarto ko
ng buksan ko ang kwarto ko ay nakatambad sa akin ang nakatayong si kenneth na may hawak na bugkos ng bulaklak at nakangiting nakatingin sa akin
"for you belly."sambit nya saka lumapit sa akin at ibinigay ang bulaklak
"salamat."nakangiting tugon ko saka kinuha ang bulaklak
"belly,would you mind giving me a pinch?."sambit nya sa akin ng nakangiti
"huh why?."
"youre so cute,i must be dreaming."sambit nya saka nagpuppy eyes
"loko-loko."nakangiting sambit ko
inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nakita ko ang mga rose petals na naka kalat sa kama ko at sa sahig rin,may mga lobo rin sa kisame at may pa color red effect pang ilaw na hugis puso sa dingding
"ang ganda naman ng mga paandar mo."sambit ko habang tinitignan ang mga lobo at petals
"syempre,ako pa."pagmamayabang nyang sabi
inilagay ko na muna ang bag ko sa itaas na kama ko at iniwan rin dun ang bugkos ng bulaklak
"tara na,kain na tayo."pag aaya nito
"saan?."pagtatanong ko
"sa kusina mo,i cook a special dinner for you,i mean for us."si kenneth at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto
ng makarating kami sa kusina,tumambad ang masasarap na pagkain,natakam ako sa nakikita ko,at kumalam bigla ang tyan ko
"come and seat here."si kenneth
tumango naman ako bilang pagtugon saka na naupo,hindi muna ako kumuha ng pagkain dahil hinihintay ko si kenneth na maupo
"kain kana,try all of those."sambit ni kenneth
"hmm sige,matikman nga ang luto mo."sambit ko saka kinuha ang plato at kumuha ng isang putahe
"ako ayaw mong tikman?."
"huh."pag-uulit na tanong ko sa kanya
"sabi ko..ako nalang ang magseserve sayo."nakangiting sambit nya
napatango nalang ako at hinayaan nalang syang magbigay ng pagkain sa akin,at nagsimula na nga kaming kumain,halos masasarap lahat ng pagkaing kinain namin na niluto daw nya,from the main dish kuno down from the desserts,nabusog ako ng sobra sobra
"thanks,sa lahat ng ito kenneth,i appreciate."nakangiting tugon ko sa kanya ng mailigpit ang lahat ng pinag kainan
"for you is always welcome,i enjoy it naman."si kenneth saka inilapag sa lababo ang pinagkainan
hinayaan ko na munang nakatambak ang pinaghugasan dahil mamaya ko na ito gagawin,inaya ko na munang lumabas ng kusina si kenneth at saka kami lumabas ng bahay at naglakad lakad sa daan
magpapahangin na muna kami at syempre kwentu-kwentuhan,malamig ang hangin,may mga tao pa naman sa daan at ilaw sa mga poste ang nagsisilibing liwanag sa aming dinadaanan
"alam mo ba,first time ko lang na merong magsurprise sa akin."sambit ko habang naglalakad kami
"huh,edi pano sa tuwing birthday?."pagtatanong nito
"i mean sa isang lalaki,wala pa kasing nagsusorpresa ng mga ganun,at tanging ikaw palang."nahihiyang tugon ko
"hmmm..ganun ba,and im glad at ako ang unang una."si kenneth
ningitian ko lang sya at naglakad lakad,hanggang sa makarating kami sa isang malawak na lupain na may mga puno ng rambutan at mangga
"dito na muna tayo."sambit ko kay kenneth saka ako naupo sa damuhan
sumunod din naman ito sa akin at ganun din ang ginawa,naupo rin sya sa damuhan at katabi ko
"ang ganda ng langit no."sambit ko habang nakatingin sa langit
mga kumikindat kindat na mga butuin,mga ulap at ang buwan na napaka tanglaw,ang sarap nilang titigan,nakangiti akong pinagmamasdan ang kalawakan
"one night i looked up at the stars and thought Wow,Ang ganda."si kenneth
ng tignan ko sya ay nakatingin itong deretso sa akin
"But now that im looking at you,nothing else can compare."sambit nya saka sya ngumiti
binalik ko ang paningin ko sa kalangitan at ngumiti,ang sarap sa feeling,kakakilig..oh hep hep hep tama na baka langgamin
sa ilang oras naming pag-uusap ay napagdesisyonan na naming umuwi,kaya naglakad na kami pabalik sa bahay ko.at hanggang sa makarating na kami
"sige uwi na ako,masaya akong nakasama ka belly."nakangiting sambit niya sa akin
"ingat,masaya rin akong nakasama ka,salamat."nakangiting tugon ko
"sige na pasok kana,goodnight,sweetdreams."si kenneth
"hmm sige,goodnight at sweetdream rin."sambit ko saka ako kumaway bilang pagpapaalam at nakita ko naman itong tumango kaya naglakad na ako papunta sa bahay ko,ng makarating ay saka na ako pumasok sa loob
tinignan ko uli ang mga nakadesign sa paligid ng sala ko at napangiti uli ng maalala ang nangyari kanina
saka na ako dumeretso sa kusina at hinugasan ang mga pinagkainan,katapos ko mahugasan ay nilinis ko ang kusina at ng matapos ay saka na ako pumasok sa kwarto ko
pasimpleng napangiti sa mga rose petals at ang boquette of flower na nasa itaas ng kama ko kaya kinuha ko ang bulaklak at inamoy
"hmm ang bango."sambit ko saka inilagay sa ibaba ang bulaklak at kinuha ang bag at iniligay sa dating pwesto
saka ako lumabas at kumuha ng kahon para dun ilagay ang mga rose petals na nakalaglag sa sahig at kama ko,ng makakuha na ako ay sinimulan ko ng ipunin ang mga bulaklak hanggang sa mailagay ko na lahat sa iisang kahon,saka ko binuhat at inilagay sa gilid ng pader at ipinatong din dun ang boquette of flower
"tapos narin."sambit ko ng maging maayos na ang kwarto ko
saka na ako nahiga sa kama,inalala ko muna sa aking isipan ang mga nangyari kanina,simula sa sopresa hanggang sa pagkwekwentuhan namin ni kenneth,diko maiwasang di kiligin at kapag nararamdaman kong kinikilig ako ay napapayakap nalang ako sa unan ko para hindi mapatili ng malakas,hanggang sa ipinikit ko na ang aking mga mata saka na mahimbing na natulog
BINABASA MO ANG
The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]
Teen FictionBelly bokbok santiago ang aking ngalan, Mataba man kung akoy titignan, Nilalait din ako at pinandidirihan, Pangit man ang aking panlabas na kaanyuan, Ang laman ng puso ko naman ay halos kabutihan