031

153 16 0
                                    

busy ako ngayon nag hahalukat ng mga damit na pwede kong suotin para sa dinner date daw namin ni kenneth,shemay wala akong mapili

"ally,tulungan mo nga ako makapag hanap ng magandang pang dinner date."sambit ko saka itinapat sa sarili ang naka hanger na dress na kulay pink

"sino nag aya sayong mag dinner date aber?."si ally at namili na rin sa mga dress

"si kenneth,inaya nya ako."sambit ko saka ibinalibag sa kama ang pink dress saka kumuha ng panibago

"ano mag didinner date kayo?!."si ally

"oo anong magandang suotin?ito bang kulay dilaw o pula?."pagtatanong ko kay ally kung anong mas magandang suotin

"ahhh....ito asul,maganda ito try mo."sambit ni ally ng makahalukat ng dress na makinatab na kulay blue sa drawer ko at iniharap sa akin

"sure ka?."sambit ko sa kanya

"oo,dali subukan mo."si ally

kinuha ko ang dress na iyon saka pumunta sa banyo para isukat itong dress,ang haba ng dress na ito ay abot hanggang toe at ng matapos ay lumabas nako saka pumasok sa kwarto

"wow perfect."sambit ni ally habang nag iislow clap

"hindi ba kita ang bilbil ko?."pagtatanong ko sa kanya saka umikot

"sakto lang sya belly at bagay na bagay sya sayo,konting burloloy nalang at pak reyna kana ng dagat."tugon naman niya sa akin

"ihhh ginawa mokong balyena nyan ih,bagay ko nga ba talaga?."pagtatanong ko ulit sa kanya

" hahah,oo naman belly,di ako nagbibiro."sambit nya ng nakangiti

"salamat."sambit ko saka sinipat sipat ang katawan ko

hinubad ko na ang dress saka ko ito isinampay sa likod ng pintuan at nagbihis ng pambahay at saka na kami lumabas sa kwarto at pumunta na sa sala,saka ko ginawan ng meryenda si ally

saglit na kwentuhan lang ang nangyari saka umuwi si ally at may kukunin raw na gamit nya

nagsimula ng magtakip silim,kaya na ligo at nag ayos narin naman ako,minake up-an narin ako ni ally kasi daw di perfect kapag liptint at polbo lang ang make up ko at sya narin ang nag hair style sa akin

"blush on nalang and.. yan tapos na."sambit nya saka na nya sinara ang takip ng blush on nya at inilagay sa pouch

"belly you look beautiful."sambit nito sa akin saka inabot ang salamin

"wehhh,patingin."sambit ko saka kinuha ang salamin sa kanya

"sino tong babaeng to?bat ang ganda nya."sambit ko sa salamin di ako makapaniwalang may igaganda pa pala kahit na mataba ako,bumagay ang pag ka kulot na buhok at ang make up sa akin ibang ako ang nakikita ko ngayon

"salamat ally."sambit ko saka sya niyakap

"welcome."ani nito sa akin saka nagkahiwalay na sa pagkakayakap

*PIT PIT

rinig naming pagbusina sa labas

"nandyan na sundo mo."si ally

"kinakabahan ako ally."

"wag kang kabahan,ang ganda mo kaya no."sambit nito sa akin

huminga ako ng malalim at kinuha ang purse na pinaheram ni ally sa akin

sabay kaming lumabas ni ally sa bahay na tinutuluyan ko at saka pumunta sa labas at nakita namin ang isang lalakeng naka polo at blackpants na nakasandal sa pintuan ng kotse habang nakapamulsa at deretsong nakatingin sa amin,ng makalapit na kami sa kanya bigla akong nahiya kaya napaduko ako

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon