059

117 12 0
                                    

nagising nalang ako ng may magbuhos sa akin ng malamig na tubig,ng makita ko ay isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko na may hawak na timba at tumutulo pa ang tubig.

"gising na sya madam."sambit nito sa telepeno na hawak nya at saka nakita ko itong tumawa bago ibaba ang telepono nya

"anong kailangan nyo sa akin?walang pera sila mama para ipa kidnap for ransom ako,kaya pakawalan muna ako."sambit  ko habang nakatingin sa lalake

"ano ako engot?!kinidnap ka namin para pakawalan ganun?tss mag isip ka ineng ha uso gamitin ang kokote."sambit ng lalake saka nya inihagis ang timba na gumawa ng malakas na tunog

"ano bang kailangan nyo ah?hindi naman ako kagandahan pero bakit nyoko kinuha?."pagtatanong ko sa lalake ngunit sinabunutan nya lang ang sariling buhok at halatang naiinis na sa akin

"tama na ang satsat!!manahimik kanalang dyan!!."pagsisigaw nya sa akin kaya bigla akong kinabahan at natakot

umalis na ang lalake tinanaw ko lang ang likod nito papaalis ng kwarto saka nya pabagsak isinara ang pinto na ikinagulat ko,tinignan ko ang paligid.maraming mga pinagputulan ng kahoy sa gilid,may upuang sira,lamesang nakatumba at aparador na may mga sapot na ng gagamba..maalikabok..madumi..makalat..isang ilaw na nasa gitnang parte ng kwarto ang nagpapaliwanag sa buong paligid..may dalawang bintana ang kwarto ngunit may mga nakapakong kahoy na ito at tini-tiyak na hindi makikita ang labas at loob ng kwartong ito.

sinubukan kong gumalaw at naramdaman kong nakatali ang kamay ko,sinubukan kong pagalawin ang kamay ko baka sakaling lumuwag ang pagkakatali sa akin,ngunit hindi ito lumuluwag subalit nasasaktan lang ako kapag ginagawa ko iyon.

tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa na sira saka pumunta sa bintana at saka sinubukang makakita ng butas,ng may makita akong maliit na siwang ay saka ako sumilip doon.

malawak at madamong kapaligiran ang nakikita ko sa labas,ang buwan ang nagbibigay ilaw sa dilim,hindi ko alam ang lugar na ito,tinitiyak din ng mga kumuha sa akin na walang katao tao ang lugar kung saan ako dadalhin,para kahit anong sigaw ko,ay walang bisa dahil walng makakarinig sa akin.

umalis na ako sa bintanang iyon at saka naupo na gilid at tinanaw ang loob ng kwarto

"paano kung dito na matatapos ang buhay ko?ayoko..ayoko pang mamatay..marami pa akong gustong gawin sa buhay..."sambit ko saka ako yumuko at dun nilabas ang iyak ko..iyak dahil sa takot at kabang nararamdaman ko..makakalabas ba ako dito?sana naman Oo.

"well,well,well your a good ugly actress."sambit ng babaeng boses habang sya ay pumapalakpak,umangat ako ng tingin at tinignan ko ito

"s-samantha?."sambit ko sa pangalan ng babae

"yes its me sam the pretty,how are you?i hope youre not okay hahaha."sambit nya saka sya pumunta sa akin at saka naupo sa harap ko
at hinawakan ako sa panga at sinipat sipat ang mukha ko

"your not pretty like me,pero..bakit ka nagustuhan ni kennth?."sambit ni samantha habang tinitignan ang buong mukha ko

"kasi hindi mata ang ginamit ni kenneth kundi puso,kaya nya ako nagustuhan."sambit ko habang nakatingin ang dalawang mata ko kay samantha

"kasi hindi mata ang ginamit ni kenneth kundi puso."panggagaya nito sa sinabi ko saka nya binitawan ang pagkakahawak nya sa panga ko at saka sya tumayo

"paano kung sabihin kong hindi totoo ang mga sinabi nya sayo na mahal ka nya?pano kung fake love lang pala yun at saka sya bumalik sa piling ko ng masilayan nya ang kagandahan ko?." sambit ni samantha habang naglalakad lakad sa harap ko na parang iniisip na magkakatotoo yun

"sa tingin mo ba ganun si kenneth..kasi ako hindi,dahil hindi magagawa ni kenneth na saktan ako,at saka haler eleven months?tatagal ba kami ng ganun kung hindi nya ako mahal?."sambit ko saka ako mapaklang tumawa

*PAK

Isang malakas na sampal ang binigay sa akin ni samantha,ramdam ko ang pagkakirot ng kanang pisnge ko,pinipigilan kong umiyak dahil ayokong makita nya ako na mahina,kahit kanina pa akong hinang hina.

"sorry trip kolang sampalin ang mala siopao mong pisnge at nabilib ako dahil parang malabot na gusto kong ulitin sa kabila."sambit ni samantha at saka inangat ang kanyang kamay at sasampalin ako kaya't napapikit nalang ako at saka hinintay dumapo ang kamay nya

"heto para sa pang aagaw mo kay kenneth,ito para sa malanding katulad mo,ito para sa pang aakit mo."sunod sunod nyang sambit habang sinasampal ako,kirot at hapdi ang naramdaman ko sa bawat sampal na pinapakawala ni samantha sa akin

"tama na!!."sigaw ko para patigilin si samantha at saka ko sya sinipa ng malakas at napa upo naman ito dahil sa pagkakasipa ko,yumuko ito at tinignan ang kanyang katawan at saka ito nag angat ng tingin at nakita ko ang nagbabagang mga mata nya habang nakatitig sa akin,takot,nakakatakot

"wala..kang..karapatang..sigawan..ako..at..sipain..ng..ganon!!!!"sambit nya habang nagngingit ngit ang kanyang ngipin sa galit saka sya tumalikod at kinuha ang kahoy

"S-samantha wag.."pagpipigil ko kay samantha saka ako tumayo at sinubukan sipain ang kahoy sa kanya,ngunit huli na ang lahat, papalapit na sya sa akin kaya umatras nalang ako ng umatras

"you are such a ugly creature..and no one can hurt me like the way you kick me!!!."sambit nya saka ito umikot sa akin

"AHHHH!!."malakas na pag sigaw ko ng ihampas sa likod ko ang kahoy na hawak nya

"it hurts right?and what if kung sa paa pa?lets try."sambit nya

"AHHHH."pagsigaw ko ng muli nyang ihampas sa hita ko ang kahoy,napa luhod ako sa sakit na naramdaman ko at hindi ko na napigilang umiyak

"hindi muna siguro akong masisipa nyan."sambit nya habang hawak parin ang kahoy

"ang sama mo!!ang sama sama mo!!."sambit ko kay samantha habang nakaluhod

"so?anong pakealam mo!.and wait mas masakit pa dyan ang ipaparanas ko mamaya..kaya wait ka lang ah..at paghandaan mo."sambit ni samantha at saka na sya umalis

*BRZZZTT BRZZZT

ramdam kong pagvibrate ng tagiliran ko at naalala ko na sa tagiliran ko pala inilagay ang cellphone ko ng mapagkamalan kong magnanakaw yung lalaking nagsisipat sa purse ko kanina...

tumayo ako at saka inistrecth ang bawat parte ng dress kung saan nakalagay ang cp ko at ng malaglag ito sa sahig ay nakita ko na si ally ang tumatawag kaya nasiyahan ako na may tutulong na sa akin,kaya pinindot ko ang answer button gamit ang daliri ko sa paa

"hello bes nasan ka?alas dose na ng gabi dikapa umuuwi, nag aalala na ako sayo."si ally

ng marinig ko ang boses nya ay bigla akong naiyak

"bes tulungan moko kinidnap ako."sambit ko habang umiiyak

"belly?!asan ka?!alam mo ba kung anong lugar yan?."pagtatanong ni ally sa akin

"hindi...hindi ko alam ally."naiiyak na sagot ko

"ally tulun-."naputol ang sinasabi ko ng makita kong nag pop up yung 5% battery sa cp ko at saka na nag end ang tawag ni ally

umiyak ako ng umiyak..sana matulungan ako ni ally..

biglang bumukas ang pinto at iniluwal nun ang apat sa mga alipin ni samantha at may hawak itong lubid,lumapit sila sa akin at saka hinawakan ang kamay ko at saka itinayo,nawalan na ako ng lakas para magpumiglas dahil sa pagkakapalo ni samantha sa akin,ramdam ko ang pag nginig ng binti ko at pangangalambot nito

itinali nila ang kamay ko at saka nila itinali sa kahoy na kisame ang lubid,at ng makitang matibay ang pagkakatali ay saka na sila umalis,nakayukong nakatayo nalang ako habang umiiyak

ally..hihintayin kita...

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon