041

121 17 0
                                    

inusog naming dalawa ang lamesa at pinapunta ito sa gilid at ngayon ay naging maaliwalas na ang sala

inilatag na ni kenneth ang sapin sa sahig saka nya inilagay ang unan at ang kumot nya at saka na sya nahiga

"ahhh sige na maiwan na kita,kung may kailangan kapa ay kumatok ka nalang sa pinto ko ah."sambit ko habang tinitignan syang nakahiga

"sige sige..goodnight belly,sweetdreams."nakangiting sambit nya sa akin

"goodnight at sweetdreams din sayo."tugon ko ng nakangiti sa kanya,saka ko na sya iniwan at naglakad nako papunta sa kwarto ko

ng makarating nako sa kwarto ko ay saka na ako nagpalit ng damit pantulog,ng makapagbihis na ng pantulog ay saka na ako nahiga sa kama ko at ipinikit ang mga mata ko at saka na natulog

-KINABUKASAN-

nakapag hilamos at nakapag ayos na rin ako ng aking sarili,pinuntahan ko sa sala si kenneth at ang sarap pa ng tulog nya,nakakahiya naman syang gisingin kaya hinayaan ko nalang muna syang mahiga,naupo muna ako sa upuan at tinitignan ang natutulog na kenneth

"ang gwapo mo kahit na natutulog ka."bulong ko sa sarili ko saka humigop ng kape

gusto kong makita bawat parte ng iyong mukha kaya binitawan ko muna saglit sa lamesa ang kape ko saka pumunta sa pwesto ni kenneth,lumuhod ako sa gilid nya saka tinignan ang mukha nya

makinis na mukha,mahahabang pilik mata,matangos na ilong,at ang mga labi nya na pinkish ang kulay,bumaba ang tingin ko mula sa adams apple nya,sinibukan ko itong hawakan ng gumalaw sya at saka nya itinaas ang kamay at hinawakan ang leeg ko,napalunok ako ng makita ko na gising na sya at nakatingin sa akin,napakurap kurap ako,masyado na palang malapit ang mukha namin sa isat isa

"goodmorning baby."nakangiting sambit nya sa akin,napakurap ulit ako saka na tumayo

"g-goodmorning a-ahh mag almusal kana."utal utal na sambit ko saka inayos ang hibla ng buhok ko

tumayo na rin si kenneth saka sya tumingin sa akin habang papalapit sa akin,papalapit ng papalapit,at habang ako ay pa-atras ng pa-atras

kakaatras ko ang napaupo na ako sa upuan kahoy,ng lingunin ko ito ay nasa gilid na pala ako ng pader,kung saan namin itinabi ang lamesa at upuan,tinignan ko si kenneth na papalapit sa akin

ng makalapit sya inilagay nya ang  kamay nya sa magkabilang gilid ko,tsaka unti unting lumalapit ang mukha nya,nakatingin lang sya ng deretso sa akin,tinignan ko lang ito saka napalunok

"a-ahh may g-gagawin pala ako."sambit saka akmang tatayo kaso pinigilan nya ako at napaupo uli sa upuan

at lumapit ang mukha nya,magkaharap na kami ngayon,lunok lang ako ng lunok saka ako pinapawisan,ano ba kasing ginagawa neto

"ang ganda mong pagmasdan."bulong nya mula sa tenga ko kinalibutan ako sa ginawa nya

"alam mo ba ang ganda ng gising ko ngayon,dahil may nakita akong dyosa..dyosa ng buhay ko."sambit nya parin mula sa tenga ko

saka na sya lumayo sa akin,napakurap ako saka uli napalunok na nakatingin sa kanya

"san pala ang cr mo."pagtatanong nito sa akin

"a-ahhh dun."pagtuturo ko

"join me there baby."nakangiting sambit nya saka kinagat ang ilalim ng labi

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon