050

121 15 0
                                    

"sino yun?."pagtatanong ko kay kenneth ng makalapit na sya sa akin gusto ko lang malaman ang pangalan..nakalimutan ko na kasi eheh

"kaibigan ko."tipid na sagot ni kenneth sa akin saka nya kinuha ang dala kong inihaw

"hmm anong pangalan nun?."pagtatanong kong muli sa kanya

"Samantha..Samantha is her name,tara na punta na tayo sa parke."si kenneth saka na nya ako inakbayan

tumango naman ako bilang pagtugon saka na kami sabay naglakad papunta sa park

Samantha??..Hmmm parang alam kona kung sino.sya yung si medyo Malaki ang puson,na gusto maging model ng SBC noon..na kaibigan ni Sir Samuel at Ma'am Tiffany hmmm kaibigan din pala nito si kenneth..Well hindi na halata yung malaking puson nya at parang Gumanda pa sya

nakarating na nga kami sa park ng hindi ko man lang namamalayan,napuno kasi ang isip ko ng pag iisip patungkol sa Samantha na iyon

"Belly?ano?."pagtatanong ni kenneth sa akin,na hindi ko malaman kung ano ang tinatanong, kaya binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin

"naku..wala sa isip ang baby ko,di man lang narinig ang sinasabi ko,talk ako ng talk eh di naman pala nakikinig dahil..may ibang iniisip,nakakaselos naman."malungkot na sabi ni kenneth,at nag pout pa sya

ang cute niya namang tignan..pakurot nga sa pisnge..One time lang hihi..Charr

"ahhh sorry,my mind occupied by the girl samantha,iniisip ko kasi kung saan ko sya unang nakita."tugon ko sa kanya,nakita kong tumango tango lang ito bilang pagtugon sa sinabi ko

"eh ano bang sinasabi mo kanina..repeat it nalang ng malaman ko."sambit ko habang papalapit kami sa isang bench

"hmm sabi ko sa bahay mo ako matutulog mamaya AT tabi tayo."si kenneth

napalingon akong bigla sa sinabi nya..uyy im not sanay kaya na may katabi na lalaki,kung babae lang to why not,coconut

"wait...Sa bahay ko ikaw matutulog ay pwede pa pero ang matulog tayo ng magKATABI?! ay ayoko nun."sambit ko saka umiling iling

"im just kidding Hahaha,i know hindi ka papayag na matulog tayo ng magkatabi."si kenneth saka nya ako inakbayan,nag fake smile nalang ako

"Kain kana muna?."pagtatanong ni kenneth ng makaupo kami sa bench

"Eh umaatras ba ako kapag..chibugan na?."sambit ko kay kenneth,nakita ko itong tumawa't umiiling sa sinabi ko

nilapag ni kenneth ang pagkain sa pagitan naming dalawa,binuksan na nya ang plastic na pinag-lalagyan ng pagkain na binili namin saka nya inilabas ang paper plate at dun inilagay ang mga biniling inihaw,tinignan ko lang sya sa mga ginagawa nya hanggang sa matapos

"here kain kana."pag-aalok ni kenneth sa akin,tumango naman na ako bilang pagtugon

saka na kami kumain ng kumain,at habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kami sa mga bagay-bagay na gusto namin at pangarap namin

"Ang unang gusto ko ang ma-iahon sa hirap si inang at si itang,gusto ko.. mabibili ko kung ano man ang mga paborito nila at ang ang kanilang hiling ay maiibigay ko,at makita silang masaya syempre,kaya...ako nagsusumikap sa buhay,kahit yun lang ang maibigay ko..bilang regalo sa mga paghihirap na ginawa nila para mapalaki ako ng ganto."nakangiting sambit ko kay kenneth

"wow..wala akong masabe."may pagkamanghang sambit ni kenneth,ngumit naman ako sa kanya

"Ikaw anong gusto mo?."pagtatanong ko kay kenneth saka uminom ng buko juice

"hmmm..ang gusto ko ay tumagal ang relasyon natin,wag kang mag alala..dahil ipaglalaban kita..kapag nasa panganib ka,ililigtas kita,im willing to risk my life for you baby,andito lang ako sa tabi mo PALAGI..papasayahin kita..mamahalin ng sobra pa sa sobra."nakangiting sambit ni kenneth sa akin

bigla akong naiyak sa sinabi nya,ewan ko ba..ngayon lang ako nakaramdam ng ganto..at ANG SARAP SA PAKIRAMDAM

"Oh bat ka umiiyak?,may nasabi ba akong masama?."pagtatanong nito sa akin saka sya lumapit sa tabi ko

"wala..wala kang nasabing mali."tugon ko saka ngumiti at pinunasan ang luha sa pisnge ko

"eh bat ka naiyak?."si kenneth

"masaya lang,dahil iba kasi sa pakiramdam ng mga sinabi mo sa akin."tugon ko sa kanya

"aysus.."sambit ni kenneth saka nya kinurot ang pisnge ko

saka na namin nilibot ang parke,nagkwekwentuhan kami habang naglalakad,tinitignan ang mga batang naglalaro,nagtatakbuhan,patuloy lang kami sa paglalakad,paglilibot hanggang sa inabot na kami ng takip silim sa parke,unti unti ng nababawasan ang mga tao sa parke

naupo na muna kami sa bench at tinanaw ang mga nagsisi-alisan na mga tao

KRINGGGG KRINGGG

rinig kong pagtunog ng cellphone ni kenneth..kaya tinignan ko sya at nakita ko nga na kinuha nya yung cellphone nya sa bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag..sinilip ko ito at nakita ko na number lang..tumingin si kenneth sa akin na parang nagpapaalam na sagutin nya na muna ang tawag

"sige."nakangiting sambit ko saka sya ngumiti

"dun muna ako."si kenneth at tumango ako bilang pagtugon

lumakad nga sya papaalis sa akin..tinignan ko lang sya hanggang sa malagay na nya ang cellphone sa kanyang tenga,saka inalis ang tingin kay kenneth at binaling nalang sa parke ang pansin

naramdaman ko nalang na may naupo sa tabi ko at pagtingin ko si kenneth na pala ito at ibinulsa ang phone at ng tignan ko ang mukha nito ay parang naiinis

"sino ang tumawag bakit parang badtrip ka?."pagtatanong ko sa kanya

"ahh wala naman..tara uwi na tayo."pag aaya nito sa akin

tumango nalang ako bilang pagtugon..hindi ko nalang sya tatanungin kung ano o sino ang nakausap nya at baka madagdagan lang ang inis nya..lumakad na nga kami papaalis ni kenneth

"wait bagalan lang natin maglakad ah..bat kasi ambilis mong maglakad may nangyari ba?."pagtatanong ko dahil wala akong alam.bahala na kung mainis sya

"wala namang nangyaring masama,ahhmm pagabi narin naman kase."si kenneth saka sya ngumiti..kaya naging kampante ako

hanggang sa may makita kaming dalawa na tatlong babae na naglalakad..at si samantha ang isa sa kanila at nakangiting nakatingin sa amin

"tara dun nalang tayo dumaan."si kenneth saka nya hinawakan ang kamay ko at sa gumilid

"pero malapit na tayo kung saan mo pinark ang kotse mo."sambit ko

"basta dito nalang."si kenneth kaya nasunod nalang ako sa kanya kahit na may pagtataka sa nangyayari

"wait me neth."sigaw nung babae sa likod namin,liningon ako at nakita kong humahabol sa amin ang mga babae pati na si samantha

"kenneth..bat ba tayo nagmamadali at tinatawag ka ni samantha oh."sambit ko kay kenneth habang naglalakad kami

"hayaan mo nalang sya."tugon ni kenneth sa akin

"kenneth wag mo nga akong layuan."sigaw ng babae

huminto ako sa paglalakad,para tignan sila samantha..ng matapos ko silang tignan ay saka na ako tumingin kay kenneth na nakatayo sa harapan ko at pilit hinihila papalakad

"kenneth baka may kailangan sayo,kausapin mo na."sambit ko kay kenneth

"wala syang kailangan sa akin,at saka nagkausap na kami kanina."tugon naman ni kenneth sa akin

lumingon ako kali samantha at malapit na sila sa pwesto namin,samantalang pilit namam akong hinihila papaalis ni kenneth

"kausapin mo na muna sya..tignan mo oh pagod na sa kakalakad takbo..kakahabol sa atin."sambit ko kay kenneth saka hinawak ang kamay nya at nilapit sa tabi ko at hinantay makalapit sila samantha

The Fat Girl turn into a Sexy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon